NANG masigurong tulog na ang anak ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama nito. Kinumutan niya ito bago siya lumabas ng kwarto nito. At bago siya pumasok sa master bedroom ay siniguro muna niya na na-ilock niya ang lahat ng pinto at bintana para sa kaligtasan nila. At nang masigurong naka-lock na ang pinto at binata ay naglakad na siya patungo sa kwarto. Bago siya matulog ay kinuha muna niya ang kanyang cellphone at pinadalhan niya ng text message si Light. Simpleng good night lang naman ang itenext niya. Well, gawain niya iyon sa tuwing matutulog na siya. Hindi naman na niya hinintay na mag-reply ito. Ipinatong na niya ang cellphone sa bedside table at in-off na din niya ang lampshades niya. Humiga na si Georgette sa kama at bago din siya matulog ay taimtim muna siyang

