"LIGHT, ikaw mo na ang bahala sa mga anak natin, ha. I want to take a nap. Medyo napagod ako," wika sa kanya ni Georgette ng sulyapan siya nito sa kanyang tabi. Hindi lang sa mukha nito mababakasan ang pagkapagod, pati na din sa boses nito. Hindi naman niya ito masisisi, mahirap talaga ang manganak. Sabi nga ng karamihan, para daw nasa hukay ang isang paa kapag nanganganak ang isang babae. Kasi hindi mo daw alam ang posibleng mangyari sa 'yo kapag nasa delivery room. Kaya nga habang nasa delivery room ang asawa ay todo ang dasal ni Light na sana ay ligtas na maipanganak ng asawa ang anak nila at siyempre ay pati din ito. Hindi kasi niya kakayanin kung may mangyari na masama sa mag-ina niya. His family is his life. At nagpapasalamat siya sa poong may kapal dahil ligtas ang mag-ina niya sa

