NANG maiparada ni Light ang kotse sa tapat ng bahay nila ay mabilis itong bumaba ng saksakyan at umibis ito patungo sa backseat para pagbuksan siya nito ng pinto. Pagkatapos niyon ay inalalayan siya nitong bumaba ng kotse habang hawak niya sa bisig ang anak. Hinawakan pa ng asawa ang ulo niya para hindi siya siguro mauntog sa bubong ng kotse. Light is being sweet again. Wala pa itong pinagbago sa paglipas ng panahon. And he js perfect gentleman. Hindi nga siya nagsisi sa lalaking pinakasalan at hindi din siya nagsisi na binigyan niya ito ng pangalawang pagkakataon na pumasok ulit sa buhay nila. Dahil noong binigyan niya ito ng pangalawang pagkakataon ay nagkaroon ng kulay ang buhay niya. Kinuha ni Light ang bag nila na nasa loob ng kotse at maingat nito iyong isinara. Pagkatapos niyon

