Chapter 79

1864 Words

NAGISING si Georgette kinaumagahan na wala siyang katabi sa kama. Agad namang tumutok ang paningin siya sa crib ng anak niya. Wala din ang anak do'n. Naisip niya na baka na kay Light na naman ang anak niya. Mukhang nagising ng maaga na naman si Baby Liam at hindi na naman siya ginising ng asawa dahil ayaw siya nitong istorbohin. Nag-inat si Georgette habang nakahiga pa siya sa kama. Pagkatapos niyon ay tuluyan na siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama, nang tingnan niya ang oras na nakapatong sa ibabaw ng bedside table ay nakita niyang alas sais na ng umaga. Naglakad si Georgette papasok sa banyo para magsipilyo. Itinali din niya ang mahabang buhok in a messy bun style. Nang matapos siya ay lumabas na siya ng banyo, sumilip siya sa nursery room na naka-konekta sa kwarto nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD