ONE
"Matt akin na yan!!!"
Pilit kong hinahablot yung diary ko sa kanya. Bakit ba kase ang tangkad ng lalaking to?!
"Maaaaatttttt!!!"
Nandoon lahat ng sikreto ko. Hindi niya pwedeng makita yon.
"Ano ba kaseng tinatago mo di-"
At nahulog na yung litrato namin. Kita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi siya makapaniwala. Nabitawan niya pa ang diary ko kaya sinalo ko pa ito.
"Kiarra, ano yon?"
Hindi ko mabasa ang mukha niya.Nalulungkot ba siya? Nag aalala?
"Matt sinabi ko naman na kase sayo diba, wag mong kunin."
"Tinatanong ko kung ano yon!"
"Matt kase... Nililigawan na ako ni Froilan..."
Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Masaya siya? Masaya siya para sa akin?
"Masaya ako para sayo, Kiarra."
Pagkatapos niyang sambitin yon ay tumalikod na siya at humakbang palayo. Masaya siya para saken? Pero bakit parang iba ang pakiramdam ko. May kung anong kumurot sa puso ko habang naglalakad siya palayo. Hindi ko maintindihan. Kung dati wala akong pakialam sa kanya, bakit ngayon, pati mararamdaman niya, napapansin ko?
"Kiarra anaaaak... kakain naaaa" Tawag ni nanay mula sa loob ng bahay namin.
"Andyan na po Ma."
Tiningnan ko muna ang litrato namin ni Froilan. Muli akong kinilig habang pinagmamasdan ko ang mga ngiti namin sa litrato. Mahal ko na nga siguro siya. At kahit si Matt ay walang magagawa doon.