CHAPTER 18

2207 Words
Chapter 18 ANG DAMING pinagtapat sa 'kin ni Kaede kagabi. Kaya hanggang sa nag umaga nalang ay yun parin ang nasa isip ko. Dinala ako ni Kaede sa isang bahay kaninang madaling araw. Medyo malayo ang lugar na ito at masyadong tahimik dahil wala masyadong kabahayan. Ipinagtapat niya sa 'kin ang dahilan kung bakit siya umalis ng umagang yun. Nakatanggap pala siya ng message mula sa secretary niya na nawawala ang kanyang ina. Hanggang ngayon ay hindi parin nahahanap ni Kaede ang kanyang ina na hawak parin ngayon ng mga kalaban niya sa negosyo. Sa takot niyang pati ako ay madamay ay iniwan niya ako saka siya bumalik sa Spain. Habang nag e-explain siya sa 'kin ay nasampal ko pa ito ng maalala ko ang fiancè niya. Ngunit, ipinagtapat niya sa 'kin na ginagamit niya lang daw si Jasmine para siya ang mapagkamalan na mahal ni Kaede para si Jasmine ang mapahamak at hindi ako. Medyo masama ang ginagawa niya kay Jasmine pero hindi na ako umangal. Bahala ang babaeng yun mapahamak, napaka maldita pa naman. Hindi siya dapat magtatapat sa 'kin pero natatakot siya na mapunta daw ako kay Reagan kaya wala daw siyang choice kundi ang kunin ako. Kaya hanggang ngayon, ang alam ni Kaede ay boyfriend ko si Reagan. Hinding-hindi ko sasabihin sakanya na bestfriend ko lang si Reagan. Bahala siya mag overthink. Sinumbatan ko din siya sa mga sinabi niya sa 'kin n'ong nasa birthday party. Pero ang sagot lang niya ay uminit daw ang ulo niya kay Reagan. Pagulong-gulong lang ako sa kama habang nag-iisip ng gagawin dito sa bahay. Wala ngayon si Kaede dahil bumalik ito sa Manila para hindi magduda sakanya si Jasmine at ang mga kalaban niya. Hindi parin siya tumitigil sa paghahanap sa nawawala niyang ina. May kasama naman ako sa bahay, isang matandang babae siguro tyansa ko ay nasa 58 years old na si nanay Perla. Nalaman ko kanina na matagal na pala siyang naninilbihan sa pamilyang Verzabal. Inihabilin ako ni Kaede kay nanay Perla bago siya bumalik sa Manila. Panay ring din ng cellphone ko kaya pinatay ko nalang ng tuluyan ang phone ko. Naiirita na ako dahil panay tawag ni Kaede sa 'kin. Akala niya siguro ay napatawad ko na siya sa mga ginawa niya sa 'kin. Ano siya sine-swerte?? Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulala habang nakahiga sa kama. Kinuha ko nalang ang cellphone ko saka ko ito binuksan. Sunod-sunod na pumasok ang mga text messages ni Kaede. At lahat ng message niya ay sagutin ko daw ang tawag niya. May isa pa siyang message na pinagbabantaan niya ako. Ibinilapag ko ang phone ko sa kama at akmang tatayo sana para pumunta ng banyo ng biglang tumunog ito. Kinuha ko agad ang cellphone ko at agad napa buntong hininga ng makita ko na naman ang pangalan ni Kaede. Pinindot ko ang accept call saka ko inilagay sa teynga ko. "Ano ba?? Bakit ka ba tawag ng tawag??" Bungad ko sa kabilang linya. "I miss you," mahina niyang saad. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa sinabi niya kaya tumikhim ako. "Ano ba kailangan mo?" Pagalit kong tanong. "Kanina pa ako tumatawag sa'yo pero kahit isa.. hindi mo man lang sinagot," tampo niyang sabi. "Wala ako sa mood para makipag usap sa'yo. Hindi porke't sumama ako sa'yo sa bahay na 'to ay pinapatawad na kita." Sabi ko saka humiga sa kama. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Kaede sa kabilang linya. Napabangon ako bigla ng marinig ko ang malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. "Open the door, Audrey." Saad ni Kaede sa kabilang linya. "Ikaw ba ang kumakatok?" Tanong ko. "Yeah. Ayaw mo kasing sagutin ang tawag ko." Saad niya. "Ano ba kasing kailangan mo?" Tanong ko sabay sapo sa nuo ko. "Lalandiin kita, kaya papasukin mo ko." Sabi niya sa seryosong boses. "Baliw ka ba!!" Inis kong sabi at agad bumangon sa kama saka naglakad papunta sa banyo. Nang makapasok ako ay agad kong ni-lock ang pinto. "Papasukin mo ba ako o sisirain ko 'tong pinto?" Seryoso parin niyang sabi. "Magtigil ka nga! Bumalik ka na sa Manila," sabi ko saka pinatay ang tawag niya. Ngunit, agad kong narinig ang pag bukas ng pintuan sa kwarto at ang sumunod no'n ay ang pag katok ni Kaede sa pinto ng banyo. "Audrey!!" Tawag niya sa 'kin at pilit niyang binubuksan ang pinto. "Ano ba Kaede, tumatae ako! tawag ka ng tawag," pag sisinungaling ko. "Then, Let me watch you while you poop." Saad niya at agad bumukas ang pintuan. Nalukot ang mukha niya ng makita niya ako na nakatayo lang sa harap ng sink. Masama ko din siya tinignan saka binuksan ang gripo at naghugas ng kamay. Humarap ako sakanya saka ko siya tinaasan ng kilay. "Problema mo?" Tanong ko dahil magkasalubong ang kilay niya. "Iniiwasan mo ko," saad niya. "Buti alam mo," sagot ko saka naglakad at nilagpasan siya. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ng mabilis niyang hinawakan ang beywang ko at agad niya akong binuhat at pina-upo sa sink. "Ano ba!!" Sigaw ko sakanya dahil pilit niyang pinaghihiwalay ang dalawa kong binti saka siya pumagitna sa pagitan nito at mas lalong inilapit ang katawan niya sa katawan ko. "Hindi ka nakakatuwa, Kaede." Galit kong sabi sakanya ngunit ngumisi lang siya sa 'kin. Hindi ko nasundan ang ginawa niya dahil sa sobrang bilis niya. Ang alam ko lang ay sinisip-sip niya ang ibabang labi ko. Pilit niyang pinapasok ang dila niya sa loob ng bibig ko kaya agad kong itinikom ang bibig ko. Pero wala na akong nagawa ng mahinang pinisil ni Kaede ang isa kong dibdib dahilan para mapa-ungol ako. "Uhmm..." ungol ko sa loob ng bibig niya ng mapasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Napa pikit nalang ako habang sinasabayan ang dila ni Kaede. Narinig ko din ang mahinang daing ni Kaede habang hinahaplos niya ang isa kong binti. Napa awang ang labi ko habang nakapikit ng bumaba ang labi ni Kaede sa leeg ko. Napaliyad ako ng mahinang sinip-sip ni Kaede ang balat ko sa leeg habang ang isa niyang kamay ay gumagapang papunta sa isa kong dibdib. "Kaede.." Nagsimula ng uminit ang katawan ko sa ginagawa niya sa 'kin. Hindi ko tuloy alam kung itutulak ko ba siya palayo sakin. "Ayy.. dios mio!!!" Mabilis kong tinulak si Kaede ng marinig ko ang sigaw ni nanay Perla na agad tumalikod habang may hawak ng panlinis sa banyo. Bumaba agad ako sa sink saka nahihiyang lumabas ng banyo. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Kaede na hindi ko nalang pinansin. "P-Pasensya na kayo, akala ko kasi nasa kusina kayo kumakain." Naka talikod na sabi ni nanay Perla samin. "It's okay nana. You can start cleaning the bathroom." Saad ni Kaede saka siya lumapit sa 'kin. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako hinila palabas ng kwarto. "Hila ka ng hila sa kamay ko," reklamo ko sabay hila ng kamay ko na hawak niya at naunang bumaba ng hagdan. Dumeritso ako sa kusina dahil bigla akong nagutom. Mabuti nalang ay nakahanda na ang pagkain sa lamesa. Naramdaman ko naman na nasa likod ko si Kaede ngunit hindi ko nalang siya pinansin. Umupo ako at akmang aabutin ko na sana ang lagayan ng kanin pero naunahan ako ni Kaede. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko, kumuha din siya ng ulam saka niya inilagay yun sa plato ko. "Eat, now." Utos niya saka inabot sa 'kin ang kutsara. Kinuha ko naman yun at agad nagsimula kumain. Nagtataka naman ako kay Kaede na hindi naman kumakain. Nakatitig lang siya sa 'kin habang naka patong ang siko niya sa mesa at ipinatong ang baba niya do'n habang nakatingin sa 'kin. "Bakit hindi ka pa kumain?" Tanong ko habang naka taas ang isa kong kilay. "Nawalan na ako ng ganang kumain," seryoso niyang sabi. "Ang arte-arte mo. Ang dami pa namang niluto ni nanay Perla ohh," saad ko sabay turo sa mga ulam na hinanda ni nanay Perla. Umayos ng upo si Kaede bago siya sumagot. "Ikaw ang gusto kong kainin pero naudlot.. kaya nawalan na ako ng ganang kumain ng kanin." Sabi niya kaya agad ko siyang pinalo sa braso. Hinimas-himas naman niya ang braso niya na pinalo ko saka ngumuso sakin. "Lagi mo nalang akong sinasaktan, Audrey. Buti sana kung sa sarap mo ko sinasaktan eh," tampo niyang sabi kaya pinandilatan ko siya ng mga mata ko. Kumain nalang ako ulit at hindi nalang pinansin si Kaede na nakatitig sa 'kin. Nang matapos ako ay agad akong tumayo sa upuan habang hawak ang plato na pinagkainan ko. Lumapit ako sa lababo at hinugasan ang pinagkainan ko. Yumakap si Kaede mula sa likuran ko kaya napatigil ako sa pag sabon ng plato. "Lumayo ka nga!" Saway ko sakanya dahil sobrang higpit ng yakap niya sa 'kin. "Babalik na ako ng Manila," bulong niya sa teynga ko. "Eh di bumalik ka!" Suplada kong sabi sabay siko sa matigas niyang dibdib. "Pa-kiss muna ako," bulong niya sa teynga ko. Humarap ako sakanya saka mabilis siyang tinulak. "Umalis ka na! Baka hanapin ka pa ng fiancè mo," naka ngiwi kong sabi. Mahina siyang natawa saka lumapit sakin. "For now. Pero ikaw ang pakakasalan ko, Audrey. Pangako ko sa'yo yan," saad niya saka hinalikan ang nuo ko. Inilayo niya ang mukha niya saka hinaplos ang pisngi ko. "Get some rest, nag mumukha kanang multo dahil sa eye bags mo." Sabi niya kaya ngumuso ako. "Kasalanan mo kung bakit ako puyat. Umalis ka na nga!" Panunulak ko sakanya. Nagpaalam lang siya kay nanay Perla at hinabilin na naman niya ako. Nakatanaw lang ako sa papalayong sasakyan ni Kaede hanggang sa hindi ko na 'to makita. Bumalik ako sa kusina para tulungan si nanay Perla sa gawaing bahay. Naboboring kasi ako lalo na't sanay ako sa trabaho. "Nanay Perla, ako na po bahalang mag walis dito sa kusina." Saad ko kay nanay Perla ng kukunin sana ang walis. "Naku, hindi mo na kailangan gawin yan. Kaya ko pa naman," naka ngiti niyang sabi. "Kanina pa po kayo naglilinis kaya ako na po muna." Pagpupumilit ko saka nagsimulang magwalis. Wala ng nagawa si nanay Perla na humugot nalang ng upuan saka umupo. "Natutuwa ako kay Kaede dahil nagbago ang masama niyang ugali. Mukhang dahil yata yun sa'yo hija." Naka ngiting sabi ni nanay Perla. "Masama po ba talaga ang ugali niya?" Tanong ko naman kay nanay. "Oo, mas lalo pang sumama ang ugali niya ng mamatay ang kanyang ama ng tambangan ito ng mga kalaban niya sa negosyo." Malungkot na sabi ni nanay Perla saka bumuga ng hangin. "Pero n'ong nagkita kami ulit ni Kaede ay malaki ang pinagbago niya." Napa-iling nalang na sabi ni nanay Perla. "Nga pala hija, taga saan ka sa Manila?" Tanong sa 'kin ni nanay. Tumigil muna ako sa pagwawalis bago ako sumagot. "Ahm, naghahanap na naman po kasi ako ng bagong matitirhan. Umalis na po kasi ako sa dati kong apartment. Plano ko po sa Makati ako maghahanap ng malilipatan." Mahaba kong sabi kay nanay. "Ikaw nalang ba mag-isa? Nasaan ang mga magulang mo?" Tanong sa 'kin ulit ni nanay. "Wala na po sila. Namatay po sila sa aksidente n'ong 15 years old palang po ako." Sagot ko. "Ay ganun ba. Pasensya kana kung naitanong ko pa hija." Panghihingi ng sorry ni nanay. "Ayos lang po yun. Alam ko naman po na lagi akong ginagabayan ni mama at papa." Nakangiti kong sabi. "Ako naman ay matagal ng hindi nakaka uwi sa probinsya namin. Namimiss ko na din ang mga apo ko." Malungkot na sabi ni nanay. "Saang probinsya po ba kayo nanay?" Tanong ko saka nagwalis ulit. "Sa Bikol, hija. Nandoon lahat nakatira ang pamilya ko. Hindi ako makauwi dahil walang mag aalaga sa bahay na 'to." Sagot ni nanay. "Bikol po? Doon po ako lumaki bago po kami pumunta ng Manila." Nakangiti kong sabi. "Talaga? Ang galing naman. Baka naman kakilala ko ang nanay at tatay mo. Ano bang apelyedo mo hija?" Naka ngiting tanong sa 'kin ni nanay. "Vargas po. Ang pangalan ng tatay ko ay si Marcial Vargas at ang nanay ko naman ay si Lilibeth Vargas." Sagot ko kay nanay Perla pero agad akong nagtaka ng makita ko sa mukha niya ang pagka gulat. "A-ayos lang po ba kayo nanay?" Tanong ko saka lumapit kay nanay. Nag-aalala ako dahil para itong hindi humihinga habang nakatitig sa 'kin. "Si Lilibeth ang n-nanay mo?" Nauutal niyang sabi na parang hindi makapaniwala. Naguguluhan tuloy ako kung bakit ganun nalang ang gulat niya. "Dios ko!! Ikaw ang sanggol na binigay ko sakanya," saad niya na hindi ko maintindihan. "A-anong ibig niyo pong sabihin? Anong binigay po?" Tanong ko dahil alam kong anak ako ng mga magulang ko. Napalunok siya ng ilang beses habang nakatitig parin sa 'kin. "Ikaw ang sanggol na binigay ko sa mag-asawang Vargas dalawampu't apat na ang nakakalipas." Saad niya. "Hindi ako makapaniwala na makikita kita ulit hija." Dagdag niyang sabi at agad sinapo ang nuo niya. "Alam kung mahal ka ni Kaede, hija. Pero hindi kayo pwede.." saad niya kaya mas lalo akong naguguluhan, ano ba talaga ang sinasabi niya. "Hindi kayo pwede sa isa't-isa dahil magkapatid kayo ni Kaede." Halos nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD