CHAPTER 17

1759 Words
Chapter 17 NAPAKURAP-KURAP ako ng mabilis akong niyakap ni Kaede. Hindi na yata ako humihinga habang mahigpit niya akong niyayakap. Naguguluhan ako kung bakit siya nandito sa harap ko. Nang makabawi ako sa pagkaka gulat ay agad kong tinulak si Kaede. "Wag mo nga akong yakapin!! Bakit ka nandito? Hindi pa ba kayo tapos ng fiancé mo sa pagpapahirap sa 'kin?" Galit kong sigaw sakanya. Nakatingin lang siya sa 'kin saka ito tumingin sa malaking bag na dala ko. Tinaasan ko siya ng kilay saka sinipa ang binti niya. Kanina ko pa talaga gustong gawin 'to sakanya. "Ano masaya ka na? Ano?? Sumagot kang hayop ka!!" Sunod-sunod kong sigaw sakanya. Kanina pa ako minamalas tapos nandito na naman siya ngayon. Hindi ko alam kung anong pina-plano niya na naman. Bumuga siya ng hangin habang hinihimas ang binti niya na sinipa ko. "Come with me," sabi niya sabay lahad ng kamay niya sa harap ko. "Bakit naman ako sasama sa'yo? Mamaya ipa-salvage mo pa ako." Sagot ko saka kinuha ang bag na dala ko. Kahit mabigat ay sinukbit ko parin ang bag sa balikat ko at agad naglakad. Nilampasan ko si Kaede at mabilis ang mga hakbang na ginagawa ko para makalayo sakanya. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ng agawin ni Kaede ang dala kong bag at mabilis niya akong binuhat na parang sako ng bigas. "Ibaba mo ko!! Ano ba!!" Sigaw ko habang hinahampas ang likod niya. Hindi naman siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Medyo madilim ang bahaging kalsada na nilalakaran ni Kaede pero nagpatuloy parin siya sa paghakbang. Siniko ko siya sa batok pero talagang hindi man lang siya nasaktan sa ginawa ko. Iginalaw ko ang katawan ko para sana makawala pero huminto si Kaede sa paglalakad kaya tumigil ako sa ginagawa ko. "Ulitin mo pa yun, ibabagsak kita sa lupa." Sabi niya sa seryosong boses bago siya nagpatuloy sa paglalakad. "Ibaba mo nga kasi ako!!" Sigaw ko. Feeling ko ay pumunta lahat ng dugo mula sa katawan ko papunta sa ulo ko sa pagkakabuhat niya sa 'kin. Nakita ko agad ang itim na kotse ng makarating kami ni Kaede sa walang ka tao-taong lugar. Binuksan niya ang pintuan ng backseat saka niya hinagis ng walang kahirap-hirap ang bag ko sa loob. Samantalang ako halos magka kuba-kuba sa pagbubuhat ng bag na yun. Sunod niyang binuksan ang pintuan ng passenger seat saka dahan-dahan niya akong inilapag sa upuan. Ang akala ko nga ay ihahagis din niya ako katulad ng bag ko pero nagkamali ako. Maingat niya akong inilapag na para bang mamahaling gamit saka niya isinara ang pinto. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng mabilis na tumunog ang lock no'n. Kainis! Umikot siya papunta sa driver seat at agad na pumasok sa loob ng kotse. Tumingin pa siya sa 'kin hanggang sa bumaba ang tingin nito sa dibdib ko. "Bakit mo tinitignan dibdib ko? Bastos ka talaga!!" Inis kong sabi sakanya at agad pinagkrus ang dalawa kong braso sa dibdib ko. Umangat ang sulok ng labi niya at agad nag iwas ng tingin sa 'kin. "Hindi ko tinitignan ang flat mong dibdib. Nakatingin ako sa seatbelt kaya wag kang pranning dyan!" Sabi niya at agad binuhay ang makina ng kotse. Dahan-dahan ko namang binaba ang dalawa kong kamay at agad ikinabit ang seatbelt. Bwesit, napahiya ako do'n. Malay ko bang sa seatbelt siya naka tingin. "Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sakanya na agad pina-usad ang sasakyan. Hindi siya sumagot kaya tumingin nalang ako sa labas. Tinitignan ko kung dadlhin ba niya ako sa bangin at baka do'n niya ako ihuhulog. Pero sa totoo lang, hindi ako kinakabahan na kasama ko si Kaede. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay safe ako na kasama siya. Buong byahe tahimik ang katabi ko. Nalunok na yata ang dila niya kaya hindi na nakapag salita. Napahawak ako sa tyan ko ng sumakit ito dahil siguro sa gutom. Tumingin naman sa 'kin si Kaede habang palipat-lipat ang tingin niya sa daan. "Hindi ka pa ba kumakain?" Seryoso niyang tanong sa 'kin. Masama ko siyang tinignan saka itinaas ang kamay ko para duruin siya. "Kasalanan mo! Kasalanan din 'to ng demonyeta mong fiancè kaya ako hindi nakakain. Bagay na bagay talaga kayo mga piste kayo." Galit kong sabi at agad na tumingin sa kalsada. Bumuntong hininga naman si Kaede sa tabi ko at mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan. Napakapit pa ako sa seatbelt sa sobrang bilis niyang ng pag papatakbo niya. Nag drive-thru lang si Kaede at agad na inabot sa 'kin ang inorder niyang pagkain. Kahit galit ako sakanya ay inabot ko parin ito dahil talagang sumasakit na ang sikmura ko. Agad akong kumagat sa burger habang si Kaede naman ay nagmamaneho. Tahimik na naman siya kaya hinayaan ko nalang. Ayaw ko naman siyang kausap kaya mas mabuti ng ganito. Sunod-sunod ang subo ko dahil baka ito na ang last meal ko. Hindi ko alam kung anong plano niya sa 'kin kaya kailangan maging handa ako. Pumasok sa isipan ko si Reagan kaya napakamot ako sa nuo ko. Mukhang hindi ako makakapag paalam sa kaibigan ko dahil lowbat na ang cellphone ko. Balak ko sanang mag send ng last message sakanya at sabihing si Kaede ang pumatay sa 'kin. Para alam niya kung sino ang ipapahuli niya sa mga pulis. Inihinto ni Kaede ang sasakyan kaya agad akong tumingin sa labas. Shuta, mukhang bangin yata 'tong hinintuan namin. Tanaw na tanaw mula dito ang mga ilaw ng buong city. Ang ganda tuloy pagmasdan. Ang sarap siguro tumambay dito mag-isa habang naka tanaw sa buong lungsod. "Dito mo naba ako ihuhulog?" Tanong ko kay Kaede. "Baka naman pwedeng sa may kabahayan kunti para naman mabilis mahanap ang bangkay ko. Pucha, maaagnas nalang ako lahat-lahat hindi parin ako mahahanap dito." Reklamo ko sakanya. Naka kunot nuo naman siyang nakatingin sa 'kin. "Anong pinagsasabi mong babae ka?" Seryoso niyanv tanong saka pinitik ang nuo ko. "Aray!" Reklamo ko sabay haplos sa nuo ko. "Bakit mo kasi ako dinala dito?" Sigaw ko na naman sakanya. Wala na akong ginawa kundi sigawan siya pero ang lalaking 'to, kalmado lang na naka upo. Mabuti nalang talaga nakakain ako para kung itutulak man niya ako sa bangin hahablutin ko siya para kaming dalawa ang mahulog. Damay-damay na 'to. "Satingin mo talaga ihuhulog kita sa bangin, Audrey? Ganun na ba talaga ka demonyo ang tingin mo sa 'kin?" Seryoso niyang tanong. "Gusto mo sagotin ko yan?" Nakataas kong kilay na sabi. Tatanungin pa niya eh demonyo naman talaga siya. "Halikan kita dyan eh," Bulong niya pero rinig na rinig ko naman kaya agad akong napatitig kay Kaede. "What?" Galit niyang sabi ng makita niya akong titig na titig sa mukha niya. Mabilis ko siyang pinalo sa balikat ng ilang beses bago ako nagsalita. "Wag mo ng akong sinisigawang lalaki ka!" Inis kong sabi sakanya at mabilis ko siyang sinuntok sa mukha. "f**k!" Mura niya habang sapo-sapo ang pisngi niya na sinapak ko. Kulang pa kaya yung sapak ko sakanya. "Ibalik mo na ako sa city." Walang emosyon kong sabi kay Kaede. "No way!" Sagot niya agad kaya pinalo ko ulit siya gamit ang kamay ko. Todo ilag naman siya at sinasalag ang mga palo ko gamit ang mga kamay niya. "Stop it, Audrey." Inis niyang sabi saka hinuli ang dalawa kong kamay. "Bitawan mo ko!" Nang gigil kong sabi sakanya. "Napaka tigas talaga ng ulo mo," seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. Naguguluhan naman ako kung bakit niya sinabi yun. "Matagal ng matigas ang ulo ko kaya wag ka ng magreklamo." Sagot ko sabay hila sa mga kamay ko. "Dito na muna tayo." Saad niya habang nakatanaw sa buong city. "Ayaw kitang makasama.. kaya ibalik mo ako ngayon sa city." Sabi ko kay Kaede na ikina-iling naman niya. Tinanggal niya ang suot niyang suit at agad niyang ipinatong yun sa katawan ko. "Gusto kitang makasama kaya dito muna tayo. Wala akong pakialam kung ayaw mo akong makasama." Sabi niya sa seryosong boses. Nagtataka naman ako sa mga sinasabi niya. Kanina lang umaga ay pinagbabantaan pa niya ako tapos ngayon gusto niya akong makasama. Nag aadik yata 'tong lalaking 'to. "I'm sorry.." mahina niyang sabi pero malinaw ko paring narinig. Tumingin siya sa 'kin kaya nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. "Pasensya ka na.. kung pag gising mo ng araw na yun ay wala ako sa tabi mo." Malungkot niyang sabi. Bakas sa mukha niya ang lungkot ngunit ayaw kong magtiwala sa lalaking 'to, baka kasi nag dra-drama lang pala 'to. "Nagsinungaling ako sa'yo." Saad niya na parang binibitin niya ako sa gusto niyang sabihin sa 'kin. Nakatitig lang ako sakanya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Nagsinungaling ako na wala akong maalala." Sabi niya saka yumuko. Nanlaki naman ang mga mata ko habang nakatingin sakanya. "Ano??" Tanong ko sakanya. "I-Ibig sabihin.. may naalala ka talaga n'ong panahon na yun?" Tanong ko kay Kaede na ikinatango niya. "K-Kung ganon.. bakit hindi ka.. bakit hindi ka bumalik sa pamilya mo agad kung may naalala ka naman pala." Putol-putol kong sabi dahil hindi parin ako makapaniwala. Nag angat naman siya ng tingin sa 'kin kaya napalunok ako ng ilang beses. "Kasalanan mo!" Seryoso niyang sabi. "Teka, bakit parang kasalanan ko?" Saad ko sabay turo sa sarili ko. "Kung hindi ka ba naman gago, nag panggap-panggap kang may amnesia kahit wala naman pala talaga. Tapos ngayon, isisisi mo sa 'kin!" Galit kong sabi sakanya. "Kasalanan mo naman talaga! Kung hindi ako na bighani sa ganda mo eh, 'di sana umalis na ako agad sa mabahong lugar na yun." Seryoso niyang sabi na ikinatigil ng paghinga ko. "Pero putangina! Nakaya kong tumira sa squatter area makasama ka lang. Mas gugustuhin ko pang tumira sa squatter na yun basta ikaw ang kasama ko, Audrey." Mahaba niyang sabi. Hindi ako naka sagot sa mga sinabi niya. "Pero nakaka inis talaga ang buhay. Kung kailan gusto ko ng mamuhay ng simple do'n naman lumabas ang mga kalaban ng daddy ko." Saad niya saka napasandal sa likod ng upuan. "Ayaw kitang mapahamak, Audrey. Sobrang mahal na mahal kita kaya mas gugustuhin kong iwanan ka kaysa mapahamak ka." Mahina niyang sabi. "Pero ang gagong Reagan na yun ay inaagaw ka niya sa 'kin." Galit niyang sabi habang matalim na nakatingin sa 'kin. Napakurap-kurap ako habang nakatitig kay Kaede at mabilis umiwas ng tingin dahil nakakatakot ang tingin niya. Pilit kung iniintindi ang mga sinabi niya kanina. Mahal niya ako? Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang lalaking 'to. Sumasakit tuloy ang ulo ko sa mga pasabog ni Kaede ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD