Chapter 23 THREE YEARS ANG nagdaan, at marami ang nangyari sa buhay ko. Masaya akong kasama ang pamilya ko sa probinsya kahit pa nga panay ang asar sa 'kin ng kumag kong kuya. May sarili narin akong negosyo katulad ng lagi kong pinapangarap n'ong bata palang ako. Isang flower shop at coffee shop ang pagmamay-ari ko. Sa tulong ni daddy ay nakamit ko ang minimithi kong negosyo. Sa tatlong taon na nagdaan.. ang daming nagbago sa buhay ko. Tinanggap ko ang pagsubok na binigay sa 'kin ng panginoon at hindi ko naman pinagsisihan 'yon. Nasa flower shop ako habang tinutulungan ko ang kasama ko na nag a-arrange ng bouquet. Masaya ako dahil mamahalin pa ang inorder niya na nagkakahalagang 32k. Isang tao palang yun ngayong umaga kaya sana dumami pa ang pumunta dito sa shop. Araw ng mga puso kasi

