Chapter 12
SIMULA NG makita ako ni Reagan sa mall n'ong isang linggo parati na itong pumupunta dito sa store. May dala-dala pa siyang pagkain para sa 'kin. Minsan ay hinihintay niya ang out ko at lagi niya akong nililibre sa restaurant.
Napagkakakamalan na nga ng kasamahan ko dito sa store na boyfriend ko daw si Reagan. Agad ko namang sinabi ang totoo na bestfriend ko lang ang lalaki. Pinaka ayaw ko kasi sa lahat ay ginagawan ako ng issue.
Nang malaman niyang bestfriend ko si Reagan, ayon, todo pa cute kapag pinupuntahan ako ni Reagan sa store. Malapit ko na sanang sabihan na bakla si Reagan pero ang totoo lalaki naman talaga siya. Nakwento kasi sa 'kin ni Reagan ang pag papanggap niyang bakla sa secretary niya. May gusto kasi siya sa babae kaso ayaw siyang patulan, galit kasi daw ito sa mga lalaki. Kaya ang tukmol, nag papanggap ng bakla para lang makalapit sa babae.
May isang beses pa nga ay magkasama kami ni Reagan sa bar dahil niyaya niya ako. Sakto din nang paglabas namin sa bar ay nakita naming dumaan ang secretary niya. Kaya ayon.. nakita ko kung paano mag bakla-baklaan si Reagan.
Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway ng makita ko siyang may pahawi-hawi pa kunwari sa buhok niya sabay yakap sa babae na dikit na dikit ang dibdib kay Reagan. Walanjo talaga 'tong lalaking 'to.
Ibubuking ko sana siya sa scretary niya pero bigla akong sinuhulan ni Reagan ng pera para itikom ko daw ang bibig ko. Madali naman akong kausap kaya nanahimik ako.
Kaya sa t'wing nakikita ko agad si Reagan ay natatawa na ako.
Pa out na ako at nandyan narin si Reagan sa labas. Gusto daw kasi niya akong isama sa company niya ulit. Balak nga niya, do'n nalang ako mag trabaho sa companya niya ngunit umayaw ako.
Baka kasi tambakan lang ako ng trabaho niya, kutong lupa pa naman siya, laging malakas mang trip sa 'kin at grabe kong mang-asar. Sinabi ko nga rin ang nangyari sa 'kin na iniwan ako ng lalaki na naka home run sa 'kin. Kaya ayon, nagalit siya sa katangahan ko. Halos pagalitan niya ako n'ong araw na yun. Nagsisi tuloy ako kung bakit ko kwenento sakanya. Pero nakahinga ako ng maluwag dahil nailabas ko ang mabigat sa dibdib ko. Hindi katulad dati na sinasarili ko lang ang problema.
Kampante talaga ako kapag nag kwekwento ako ng problema kay Reagan, dati pa naman, n'ong mga bata pa lang kami. Lagi ko siyang kakampi kapag napapagalitan ako ng mga magulang ko dati. At kapag kaming dalawa ang napagalitan ni Reagan do'n kaming dalawa sa gilid ng kalsada uupo at magkwe-kwentuhan.
"Ang tagal mo naman lumabas," saad niya ng makita akong lumabas sa store.
"Bakit sinabi ko bang maghintay ka?" Suplada kong sabi sakanya sabay irap.
"Wag mo nga akong irapan Audrey at baka mahipan niyan ng hangin mga mata mo, tuluyan na yang maging ganyan," saad niya habang dinuduling ang mata niya.
"Okay fine, baks." Nakangiti kong sabi kaya agad niya akong binatukan ng mahina. Hindi rin ako nag patalo kaya binatukan ko din siya ng malakas sa ulo.
"Aray ha!" Reklamo niya sa 'kin.
Binelatan ko lang siya saka ako naunang maglakad sakanya. Nahabol naman niya ako at sinabayan ang mga hakbang ko.
"Doon ka na kasi magtrabaho sa companya ko, malaki ipapasahod ko sa'yo!" Saad niya sabay akbay sa balikat ko. Nalukot ang mukha ko dahil ang bigat ng braso niya.
"Kung tatanggapin ko yang inaalok mo sa 'kin, anong position ko do'n? Encoder ba? Assistant?" Sunod-sunod kong tanong.
"Janitress syempre," nakangisi niyang sabi kaya agad ko siyang siniko sa dibdib.
"Ewan ko sa'yo! Uuwi na ako. Hindi na ako sasama do'n sa companya mo." Sabi ko sabay tanggal ng braso niya sa balikat ko. Ang bigat ng braso niya.
"Samahan mo lang ako saglit. May kukunin lang ako sa secretarya ko saka kita ihahatid sa bahay mo," sabi niya at agad na hinawakan ang braso ko at hinila ako.
"Sus.. may kukunin daw. Ang sabihin mo.. tsa-tsansingan mo lang ang secretarya mo. Napaka bastos mo Reagan eh no!" Nakangiwi kong saad.
"Hoy! Judgemental ka masyado sa 'kin." Naka nguso niyang sabi.
Hanggang sa naka labas kami ng mall ay hila-hila niya ang braso ko. Siya pa talaga ang nagbukas ng pintuan ng passenger seat saka niya ako tinulak papasok ng kotse. Walangya talaga!
Hinintay ko lang na makapasok siya sa sasakyan saka ako nagsalita. "Maybayad 'to ha!" Sabi ko.
"Pagkain?" Tanong niya agad habang pinapa andar ang kotse. Tumango naman ako at hindi na nagsalita pang muli.
Nakatingin lang ako sa labas hanggang sa makarating kami sa companya ni Reagan. Pinark niya muna ang sasakyan saka niya pinatay ang kotse.
"Forda bakla-baklaan na naman ang person," pang-aasar ko sakanya.
"Umaayos ka siz!!" Maarte niyang sabi na may pahawi-hawi pa sa invisible niyang bangs. Bwesit talaga 'to, matatawa nalang ako ng wala sa oras.
Agad akong bumaba ng kotse at hinihintay na bumaba si Reagan maganda. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko ng makita ko ang mga daliri niyang naka straight na parang bagong pedicure habang sinasara ang pinto ng kotse.
Humarang si Reagan sa harapan ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Ano na naman?" Tanong ko.
"Dapat ba.. kumending-kending ako papasok ng office o hindi na?" Tanong niya sa 'kin.
"Kung gusto mo mag thumbling ka nalang papasok, sayo naman comapanya eh, walang magbabawal," natatawa kong sabi.
Hindi naman siya sumagot habang nakatingin lang siya sa likuran ko. Nakatitig lang ako sa mukha ni Reagan na agad ngumiti habang nakatingin sa likod ko. Siguro ay nasa likod namin ang secretary niya kaya siya napangiti. Yan ang nasa isip ko.. ngunit nagkamali ako.
"Verzabal?" Saad ni Reagan habang naka ngiti sa kausap niya na nasa likod namin. Bigla yata akong natulos dahil kilala ko ang aplyedong yun. Kaede Verzabal. Si Niko.
Agad na umalis si Reagan sa harap ko at agad nag lakad lumapit do'n sa kausap niya. Ako naman ay hindi gumalaw sa kinatatayuan ko. Halos tatlong buwan narin simula ng huli kong makita si Niko.
Halos hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nilang dalawa ni Reagan sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ako nag dalawang isip na umalis sa pwesto ko at agad naglakad papunta sa isang poste dito sa parking lot.
Napasandal ako sa poste habang hinahaplos ang dibdib ko. Bakit ba ako kinakabahan sakanya. Wala naman kaming relasyon at isa pa, may fiancé na siya
Nakakainis ka talaga Audrey para kang tangang nagtatago sa poste. Kausap ko sa sarili ko.
Nang mapakalma ko na ang sarili ko ay sumilip ako sa pinagtataguan ko. Nakita ko agad ang walang emosyong mukha ni Kaede habang kausap niya si Reagan. Naka suot siya ng mamahaling black suit na bagay na bagay sakanya. Lalo lang yatang lumapad ang balikat ng lalaki. Mas lalo siyang gumwapo lalo na sa buhok niyang naka brushed up.
Agad akong nagtago sa poste ng tumingin si Reagan sa paligid na parang hinahanap ako. Mabilis akong naglakad na walang ingay at agad akong lumabas ng parking lot.
Nagmamadali akong naghanap ng sasakyan para maka alis ako sa building ni Reagan. Ayaw kong makitang muli si Kaede. Hindi na siya ang Niko na inalagaan ko ng wala siyang malay ng ilang araw. Ngayon ay ibang-iba ang hitsura niya, para itong hindi marunong ngumiti. Hindi katulad sa Niko na nakasama ko ng ilang buwan na pala ngiti at lagi akong inaasar.
Nakasakay agad ako ng jeep at doon lang yata ako naka hinga ng maluwag dahil malayo na ako sa companya ni Reagan.
Mamaya nalang ako mag t-text kay Reagan para humingi ng pasensya sa biglaan kong pag-alis. Alam ni Reagan ang kwento ko pero ang alam niyang pangalan ay Niko. Malay ko bang magkikita ulit kami ni Kaede. Kaya hindi ko na sinabi kay Reagan ang totoong pangalan ni Niko. Napatampal ako sa nuo ko dahil mukhang magkakilala pa sila ng kaibigan ko.
Hindi ko maisip kung pano kaya kung nagkita talaga kami ni Kaede. Ano kaya ang sasabihin niya sa 'kin?
Mapait akong napangiti ng may pumasok sa isip ko, baka kasi.. kapag nagkita kami baka magkunwari lang itong hindi ako kilala.
Walang buhay akong naglakad sa eskinita namin ng makababa ako sa jeep. Hindi parin mawala-wala sa isipan ko ang gwapong mukha ni Kaede.
Ang swerte ng fiancé niya kung sakali. Maganda rin naman ang fiancé ni Kaede. Isang sikat na model din kasi ito sa US kaya talagang bagay na bagay sila.
Bumuga ako ng hininga ng makarating ako sa harap ng bahay kong luma. Ang lakas ng loob kong pangarapin si Kaede pero ang estado ng buhay ko hanggang dito lang. Wala ako sa kaling-kingan ng fiancé niya kaya hindi ako magtataka kung magkukunwari siyang hindi ako kilala kapag nagkrus ang landas naming dalawa.
Lumapit ako sa pinto at agad kong kinuha ang susi para buksan ang pinto. Agad akong pumasok ng mabuksan ko ito saka ko isinara ng pinto at nilock.
Malungkot akong dumeritso sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Nakatulala lang ako habang nakatitig sa kisame hanggang sa tumunog ang cellphone ko sa bag.
Bumangon ako sa kama saka ko kinuha ang bag ko at kinuha ang cellphone ko. Nakita ko agad ang pangalan ni Reagan kaya nag dadalawang isip akong sagotin ito.
Pinatay ko nalang ang tawag ni Reagan dahil wala ako sa mood makipag kwentuhan sakanya. Humiga ako ulit sa kama na parang sira na nakatulala.
Gusto ko ng matulog para hindi ko maisip ang mukha ni Kaede ngunit sa t'wing ipipikit ko ang mga mata ko ay mukha parin niya ang nakikita ko.