CHAPTER 13

2135 Words
Chapter 13 MAAGA ANG pasok ko ngayong araw kaya maaga akong nagising. Naglaba muna ako ng labahan ko saka ako maliligo. Wala kasi akong day off ngayon dahil nasasayangan akong mag day off. Agad kong sinampay sa labas ng bahay ko ang mga nilabhan ko. Nasa gilid lang naman ang sampayan kaya ayos lang kung magabihan man akong umuwi. Bumalik ako sa loob at agad nagtimpla ng kape dahil wala na naman akong planong kumain. Mas lalo lang yata akong nalungkot ng makita ko si Kaede kahapon do'n sa companya ni Reagan. Sana lang, hindi ko na siya makita ulit. Panay din text sa 'kin si Reagan pero hindi ko sinasagot ang mga text niya. Malamang kasi tatanungin na naman niya ako at pipiliting umamin kung bakit ako umalis kahapon ng walang paalam. Nag-iisip na nga ako ng dahilan kapag tinanong ako ni Reagan. Nakatulala ako habang humihigop ng kape hanggang sa naubos ko nalang ito. Agad akong tumayo at hinugasan ang tasa na ginamit ko saka ako pumasok sa banyo para maligo. Nagtagal akong maligo sa banyo dahil medyo maaga pa naman, may oras pa ako. Hindi naman ako pala make up, lipstick at polbo lang ay ayos na ako. Nang matapos akong maligo ay agad akong lumabas ng banyo para makapag bihis. Nag suot lang ako ng fitted jeans at ang uniform namin na white polo. Monday kasi ngayon kaya white ang uniform namin pag martes naman ay red. Nag suklay lang ako ng buhok saka ko kinuha ang lipstick na nasa bag ko at nilagyan ang labi ko. Nilagyan ko nadin ng polbo ang mukha ko. Habang kinakalat ko ang polbo sa mukha ko ay napatitig ako sa mukha ko na simpleng simple lang. Hindi kasi ako marunong pano mag make up, kapag naglalagay ako ng blush on ay laging hindi pantay. Napabuga ako ng hangin ng marealize ko na ang pangit-pangit ko talaga. Ang haba narin ng buhok ko. Tumagilid ako para tignan kung gaano kahaba ang buhok ko. Napag desisyonan kong pumunta ng parlor pagkatapos ng duty ko mamaya. Deserve ko naman sigurong itreat ang sarili ko kahit paminsan-minsan. Hindi ko kasi magawang gumastos para sa sarili ko dahil nasasayangan ako. May pinag-iiponan kasi talaga ako kaya nga nagtitiis ako sa pangit na bahay na 'to. Mabilis kong inayos ang sarili ko saka ako lumabas ng bahay. Sinigurado ko munang lock ang pinto ng bahay bago ako tuluyang umalis. Naglalakad lang ako habang nakayuko dahil ang daming naka tambay na mga nanay sa tindahan. Mukhang nag chi-chismisan ang mga ito, 'yung isa pa nga may dala pang walis tambo na naka ipit sa kili-kili. Kaaga-aga chismis na agad ang almusal nila. Agad akong sumakay ng trycle at hinihintay na mapuno ito. Nang mapuno na ay agad pina-andar ni manong driver ang trycle niya. Tahimik lang ako habang ang katabi ko na dalawang babae ay nag kwekwentuhan. Hanggang sa makarating ako sa harap ng mall. Agad akong bumaba ng trycle at nag angat ng tingin ng mapansin ko ang nakatayong lalaki na nasa may hagdan. Kumunot ang nuo ko habang nakatingin kay Reagan. Ano na naman kaya ang ginagawa niya dito. Bumuntong hininga muna ako saka ako naglakad ulit. Lumingon siya sa gawi ko kaya agad niya akong nakita. "Hey, audy audy!!" Bati niya sa 'kin habang kumakaway pa ito. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa harap ng dibdib ko saka ko siya tinaasan ng kilay. "Ano na namang ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. "Bakit? Sayo ba 'tong mall?" Pang babara niya sa 'kin habang naka ngisi. Sipain ko kaya siya. Inirapan ko nalang siya at hindi na nag salita pa. "Bakit ka biglang nawala kahapon? Alam mo bang para akong tangang hanap ng hanap sayong babae ka!" Seryoso niyang sabi sakin. "Sumakit tyan ko kahapon eh, feeling ko na ta-tae ako kaya umuwi nalang ako," pagsisinungaling ko. "Bakit ka pa uuwi.. eh marami namang banyo sa company ko." Naka kunot nuong saad niya. "Namamahay pwet ko eh, paki mo ba?" Masungit kong sabi sakanya. "Akala ko may iniiwasan ka eh," natatawa niyang sabi kaya agad nanlaki ang mata ko. "Anyway, can you come with me later? Wala akong kasamang pumunta sa birthday party ng classmate ko n'ong collage eh," naka nguso niyang sabi. "Hindi pwede! May date ako mamaya." Sagot ko agad. "Date? Wala ka ngang boyfriend, date pa kaya!" Saad niya na hindi naniniwala sa kasinungalingan ko. "May date naman talaga ako. Ka date ko sarili ko. Bakit bawal ba yun?" "Baliw ka na! Sumama ka nalang sa 'kin mamayang gabi. Promise, saglit lang tayo do'n." Saad niya habang nakataas ang isang kamay niya na parang nangangako sa 'kin. "Ayaw ko nga! Pupunta ako ng parlor mamaya para mag-ayos para namang mag mukha akong tao," naka nguso kong sabi. Mahina naman siyang natawa saka tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Oo nga. Mukha kang engkanto eh," pag sangayon niya sa sinabi ko. Napaka supportive niyang kaibigan nakakalakas ng confidence. Inirapan ko nalang siya at akmang maglalakad na sana ako ng pigilan niya ako. "Ganito nalang, sagot ko na pag papaganda mo. Kahit ano pang gusto mong gawin sa sarili mo sagot ko na. Kung gusto mo pa nga pati mukha mo papalitan mo na eh, akong bahala— Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng malakas ko siyang pinalo sa braso. "Joke lang! Basta sagot ko na pag papaganda mo. Pero, sasama ka sa 'kin mamayang gagabi." Sabi niya sa 'kin. "Eh, birthday party? Pwede ba akong mag pantalon do'n? Wala akong dress eh," naka ngiwi kong tanong kay Reagan. "Pambihira ka! Ka babaeng mong tao wala ka man lang dress?" Saad niya na parang hindi makapaniwala na wala akong dress. "Hindi naman kasi ako mahilig sa dress kaya bakit pa ako bibili kung matatambak lang din naman," depensa ko. "Ohh siya, ako ng bahala bumili ng dress mo." Sabi niya habang may kinukuha sa likod ng bulsa niya. Inilabas niya ang wallet niya saka may kinuhang card. "Pumunta ka dito mamaya, tatawagan ko din ang may-ari niyan na pupunta ka para asekasuhin ka kaagad." Saad niya. Napangiti naman ako at agad tinanggap ang card. Buti nalang libre ang pag papaganda ko mamaya. Bigla tuloy akong nabuhayan ng dugo. "Sige na, papasok na ako." Pagpapaalam ko kay Reagan at agad na nilagpasan siya ngunit huminto rin ako agad ng may maalala akong itanong. "Nga pala, saan tayo magkikita mamaya?" Tanong ko. "Susunduin nalang kita sa salon," saad niya na ikinatango ko at agad tumalikod para pumasok na sa loob ng mall. May energy na tuloy ako para mag trabaho. Kanina ng pumasok ako ay para akong lantang gulay. Mabilis lang ang oras two hours nalang ay mag o-out na ako. Nasa labas lang ako habang ang kasama ko ay nasa counter. Nang dumating na ang oras ng out ko ay agad kong kinuha ang bag ko at nagpaalam sa kasama ko. Mabilis ang bawat hakbang ko para puntahan ang salon na sinasabi sa 'kin ni Reagan. Sasakay pa kasi ako ng jeep para makarating do'n. Sana lang talaga hindi traffic lalo na't rush hour ngayon. Kanina pa ako nag aabang ng jeep pero halos puno na. Nag abang pa ako ng ilang saglit ng may dumaan ulit ng jeep at saktong may bumaba na pasahero kaya agad akong nakipag unahan na sumakay sa ibang pasahero na nag aabang din. Agad kong inabot ang pamasahe ko sa unahan saka ako humawak ng mabuti sa hawakan dahil medyo maliit ang space ng inuupuan ko. Halos mangatog ang tuhod ko para lang hindi ako bumagsak kapag nag pre-preno si manong driver. Nang makarating ako ay agad akong bumaba at tinungo ang sinabing salon ni Reagan. Nahihiya tuloy akong pumasok dahil halatang pang sosyal ang salon na ito. Urong-sulong tuloy ako sa labas kung papasok ba ako o hindi. Ngunit may nagbukas ng glass door na parang staff ng salon at agad akong nginitian. "Ikaw po ba si Miss Audrey Vargas?" Magiliw niyang tanong sa 'kin. Naguguluhan naman akong tumango kung bakit niya alam ang pangalan ko. "Pasok ka po, Ma'am. Ibinilin ka samin ni sir Reagan na ayosan." Sabi sa 'kin ng bakla kaya agad akong tumango at pumasok. Nagulat pa ako ng makita ko ang picture ko na naka dikit sa pader ng salon. "Teka, bakit nandyan ang picture ko?" Naguguluhan kong tanong sakanya habang naka turo ang daliri ko sa picture. Ang pangit ko pa naman sa picture. Hindi man lang marunong kumuha ng anggulo. "Ahh.. si sir Reagan po ang nag dikit po dyan para daw alam namin na ikaw yung babaeng pinapapunta niya dito." Naka ngiting sabi sa 'kin ng bakla. Halos murahin ko si Reagan sa isip ko at agad na tinanggal ang picture ko na naka dikit. Ipapakain ko talaga 'to sakanya mamaya. "Halika ka na po, Ma'am." Aya sa 'kin ng bakla at iginiya ako sa isang kwarto. Pinalibot ko ang mata ko habang namamanghang nakatingin sa loob. Halata talagang mamahalin ang salon na ito. Kinapa ko ang cellphone ko saka ako nag tipa ng message at sinend yun kay Reagan. Mamaya pala, hindi niya bayaran ang ipapagawa ko dito, eh, 'di nakulong ako. Pinahiga naman ako ng bakla at kung ano-ano pinagawa sa 'kin. Sinabi ko din na gusto kong magpa gupit ng buhok. Ayaw pa niya akong payagan magpaputol ng buhok dahil sayang naman daw. Gusto ko kasing magpa iksi ng buhok yung hanggang balikat ko lang. Wala namang nagawa si bakla kaya sinunod ang gusto ko. Nagpa kulay narin ako ng buhok. Susulitin ko ang libre ni Reagan sa 'kin. Nagpalinis narin ako ng kuko ko sa paa at kamay. Mabuti nalang talaga ay nakapaglaba ako kaninang umaga. Ash brown ang napili kong kulay sa buhok ko. Sinimulan na ni bakla kulayan ang buhok ko habang ang isang babae ay naglilinis sa paa ko. Sinabihan ako kanina ng bakla na lalagyan niya ako ng make up para daw maganda ako sa birthday na pupuntahan namin ni Reagan. Hindi na ako tumutol pa para naman maka experience akona gumanda. Halos umabot ng tatlong oras ang pag-aayos sa 'kin. Minulat ko ang naka pikit kong mga mata at napasinghap habang nakatingin sa salamin. Nyemas, parang hindi ako. Tuwang-tuwa naman ang baklang nag ayos sa 'kin habang nakatingin din sa salamin. "Oh, pak! Sino ka dyan teh!" Sabi niya sa 'kin. Mahina akong natawa habang inaayos ang buhok ko, buti nalang bumagay ang maiksi kong buhok sa maliit kong mukha. Agad akong napatigil sa pagtitig ng maalala ko na wala nga pala akong susuotin. Sabi kasi ni Reagan ay siya na ang bahala sa susuotin ko. Akmang kukunin ko sana ang cellphone ko ng bumukas ang pintuan at pumasok do'n ang tumatawang si Reagan habang nakatingin sa 'kin. "Woah!! Naging tao ka na!" Pang-aasar na naman niya sa 'kin. Hindi ko nalang siya papatulan dahil libre pa naman niya 'to. Ngunit bigla kong naalala ang idinikit niyang picture ko sa pader. Agad kong piningot ang teynga niya kaya napa aray ito. "Aray! Ano na naman ginawa ko??" Naka ngiwi niyang sabi. "Bakit mo nilagay ang pangit kong picture do'n?" Inis kong tanong habang tinuturo ang pader kung saan ko nakuha ang picture ko. Tumawa muna siya bago ito nagsalita. "Yun ba? Ang pangit no?" Pang aasar na naman niya sa 'kin. "Bahala ka ng pumunta sa party na yan." Galit kong sabi saka ko binitawan ang teynga niya. "Sorry na, nag bibiro lang eh," naka ngiwi niyang saad. "Ito na dress mo. Sigurado ako bagay 'to sa'yo," naka ngiti niyang saad habang pinapakita sa 'kin ang isang malaking paper bag. Duda talaga ako dito sa lalaking 'to eh, baka kasi pinag tri-tripan na naman ako at baka ang dala niyang damit ay pang manang. Itatali ko talaga sa leeg niya pag nagkataon. Inagaw ko ang paper bag niyang hawak saka ako pumunta sa tinuro ng bakla kung saan ako pwedeng magpalit. Agad kong ni'lock ang pinto saka ko tinignan ang loob ng paper bag. Halos na pangiwi ako ng makita ko ang isang silver dress na kita ang likod. May slit din ito sa gilid at sigurado ako na makikita ang cleavage ko kapag ito ang susuotin ko. Tinignan ko pa ang laman ng paper bag at nakita ang high heels. Mas lalo lang tuloy ako napangiwi dahil hindi ako marunong magsuot no'n. Dapat pala talaga, hindi na ako nakipag sundo kay Reagan. Walang choice akong nagbihis, nahirapan pa akong suotin ang dress dahil may pa tali-tali pa ito sa likod. Nakatingin ako sa salamin habang naka side view at tinitignan ang likod kong kitang-kita. Bahala na talaga mamaya. Sabi naman ni Reagan saglit lang kami do'n kaya titiisin ko na muna ang dress na 'to at itong high heels. Yari talaga sa 'kin si Reagan kapag natapilok ako dahil sa kalokohan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD