CHAPTER 14

1663 Words
Chapter 14 KINAKABAHAN AKONG naglalakad kasama si Reagan papasok sa isang magarang bahay. Halatang hindi ako belong dito pero 'tong letcheng Reagan na 'to hinila ako pababa ng kotse. Gusto ko na sana mag back out dahil sa labas palang kitang-kita na ang mga bisitang mayayaman. Sinabi ko na nga kay Reagan na mapapahiya lang siya sa 'kin. Kainis naman kasi, hindi yata ako makaka kain ng maayos sa party na 'to. Mas lalo lang akong kinabahan ng makapasok kami sa napaka gandang bahay. Ang daming mga sosyalin na tao na nag uusap habang may mga wine na hawak. Akmang maglalakad na sana si Reagan ng hilain ko ang kamay ko na hawak niya. Ayaw kasi niyang bitawan dahil baka daw tumakas ako. "Reagan, baka pwedeng sa labas nalang ako ng gate," nakangiwi kong sabi sakanya. "Silly. C'mon. Akala ko ba nagugutom ka na?" Tanong niya sabay hila na naman sa kamay ko. Nagpatianod nalang ako kay Reagan na naglalakad papunta sa buffet. Napayuko pa ako dahil pinagtitinginan kami ng mga bisita. Agad kumuha ng pinggan si Reagan saka niya binitawan ang kamay ko. Inilibot ko ang aking paningin dahil, kami lang yata ni Reagan ang kumukuha ng pagkain dito. "Reagan, hindi pa yata oras ng pagkain," saway ko sakanya saka pinalo ang kamay niya na kukunin na sana ang serving spoon. "Hayaan mo sila, nagpapa sosyal lang ang mga yan." Walang pakialam na sabi ni Reagan saka kumuha ng pagkain. Kinuhaan din niya ako ng plato saka niya nilagyan ng pagkain ang hawak ko. Nang matapos kami ni Reagan ay agad niyang hinawakan ang kamay ko saka kami naghanap ng mauupuan. Pinaghugot naman ako ng upuan ni Reagan saka siya umupo sa bakanteng upuan na katabi ko. "Hoy, Reagan, wag na wag mo akong iiwan dito na parang pusa ha! Sinasabi ko sayo.. hindi na talaga kita papansinin," bulong ko sa teynga niya para marinig niya ang sinasabi ko. Baka kasi ewanan niya ako dito kapag may lumapit na negosyante na gustong makipag usap sakanya. "Oo na!" Sagot niya saka siya sumubo ng pagkain. Sumubo narin ako dahil nagugutom na ako. Habang kumakain ay nakatingin lang ako sa mga sosyal na bisita na nagtatawanan. Natigil lang ang mga ito ng ipakilala na ng emcee ang birthday celebrant. Pumapalakpak ako habang bumababa ng hagdan ang isang napaka gandang babae na naka suot ng royal blue na gown. Siniko ko naman si Reagan na walang pakialam sa paligid dahil panay subo ng pagkain sa bibig niya. "Grabe ang ganda naman niya," naka ngiti kong saad. "Sess.. mas maganda pa ang secretary ko sakanya." Kontra sa 'kin ni Reagan na agad kong ikina nguso. Maganda naman talaga ang secretary ni Reagan. Matangkad na babae at ang ganda ng kurba ng katawan. Hindi katulad sa 'kin na matangkad nga wala namang kurba ang katawan, flat chested pa. Nakikinig lang kami ni Reagan habang nagbibigay ng message ang parents ng birthday celebrant. Halos hindi ako makahinga sa sobrang ka busugan. Ang dami kasing nilagay ni Reagan sa plato ko, nahihiya naman akong hindi ubusin kaya pinilit ko. "Flat yung tyan mo kanina, tapos naging buntis na ngayon." Natatawang sabi ni Reagan habang nakatingin sa tyan ko. Kainis kasi, bakit kasi fit na fit sa 'kin ang dress. "Anong oras tayo uuwi?" Tanong ko kay Reagan habang hinihimas ang tyan kong busog na busog. Natawa naman si Reagan sa 'kin na hindi ko malaman kung bakit. "Walangya ka! Katatapos lang natin kumain. Uuwi na agad ang nasa isip mo." Saad sa 'kin ni Reagan kaya inirapan ko siya. "Salazar.. is that you?" Agad kaming napalingon ni Reagan ng marinig namin yun. Tumigil yata ang paghinga ko at feeling ko ay lalabas ang kinain ko ng magkasalubong ang tingin naming dalawa. Tumayo naman si Reagan sa tabi ko saka siya lumapit sa bagong dating na si Kaede kasama ang fiancè niya. Umiwas agad ako ng tingin at agad kinuha ang isang basong tubig at mabilis na ininum yun. Ang sarap kutusan ng sarili ko sa mga oras na 'to. Bakit ba nawala sa isip ko na baka nandito si Kaede. Mas lalo lang ako kinabahan ng umupo si Kaede at ang fiancé niya sa dalawang bakanteng upuan sa harap namin ni Reagan. "Ang ganda naman ng girlfriend mo, Reagan." Saad ng babae na hindi ko pa alam ang pangalan dahil wala naman akong pakialam sa kanya. Kaya nga hindi ko na binasa ang pangalan niya no'n sa magazine na nakita ko. "Hi, I'm Jasmine Sy." Nakangiti niyang pakilala sa 'kin. Mukha naman siyang mabait kaya tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. "Audrey Vargas po," nahihiya kong pakilala sa babae. Sa mukha lang ako ng babae nakatingin dahil ayaw kong tignan ang nasa harap kong lalaki. Hindi ko siya kayang tignan. Ibang iba na siya ngayon sa nakikilala kung Niko. Kung sabagay, wala siyang memorya dati. "And this is my fiancè, Kaede Verzabal." Magiliw na sabi ng babae sa 'kin sabay halik sa pisngi ni Kaede kaya napatingin ako sa ginawa niya. Feeling ko ay maiiyak ako, hindi ko alam kung bakit. Nanlalamig din ang palad ko na pawis na pawis kaya pinupunasan ko sa suot kong dress. Hindi naman nila makikita dahil nasa ilalim ng lamesa ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong hinawakan ni Reagan ang kamay ko. Agad akong napalingon sa gawi niya. Bored na nakatingin si Reagan kay Jasmine at kay Kaede saka niya inangat ang kamay naming dalawa at agad na dinampian ng halik ang likod ng palad ko. "Ohh.. so, girlfriend mo talaga si Audrey? Ikaw ha! Masyado kang malihim," saad ni Jasmine kay Reagan. Nakayuko lang ako habang pinapakinggan ang sinasabi ni Jasmine. Feeling ko naiihi ako sa sitwasyon ko ngayon. "Hindi ko alam na sumasalo ka na pala ngayon ng tira-tira." Agad nanlaki ang mga mata ko habang nakayuko. Feeling ko tutulo na ang luha ko ano mang oras ng marinig ko ang baritonong boses na yun. Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya yun. "Yeah. Hindi kasi ako katulad ng lalaking naka una kay Audrey na bigla nalang nang iiwan pagkatapos niyang makuha ang p********e ni Audrey." Pagtatanggol sa 'kin ni Reagan. "Hays.. kaya nasisira ang imahe nating mga lalaki eh, dahil sa mga walang kwentang lalaki na nabubuhay sa mundo. Pati kaming matitino ay nadadamay." Dugtong na sabi ni Reagan. Pinisil pa niya ang palad ko na parang sinasabi nito na siya ang bahala sa 'kin. "Hindi ka ba nandidiri na may ibang gumalaw sa girlfriend mo?" Tanong ni Kaede. Gustong-gusto ko siyang sipain sa binti. Pero piste! hindi ko magawa. "Bakit naman ako mandidiri? Hindi naman katawan ni Audrey ang habol ko. Ikaw ba.. hindi ka ba nandidiri na iba-iba ang gumalaw sa fiancè mo?" Sarkastimong tanong ni Reagan. Napalingon ako sa sinabi ni Reagan. Nakita ko siyang naka ngisi na parang iniinsulto si Kaede. Maging si Jasmine ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Reagan. "So, patas lang tayo. At least sa 'kin, walang kwentang tao ang naka una kay Audrey. Mabuti nga nawala na ang lalaking yun. Sana nga mamatay na ang lalaking nang ewan kay Audrey." Nakangising sabi ni Reagan. Agad akong tumayo at agad kong hinila si Reagan para maka alis na kami dito. Hindi na maganda ang nakapalibot na tensyon kay Reagan at Kaede kaya kailangan kung hilain si Reagan at baka saan pa mapunta ang usapan. Alam kung alam na ni Reagan na si Kaede ang tinutukoy kung Niko. Hanggang sa makarating kami sa naka paradang kotse ni Reagan ay tahimik ito habang seryoso ang kanyang mukha. Pinagbuksan ako ni Reagan ng pintuan ng kotse kaya agad akong pumasok. Isinara muna niya ang pinto saka siya umikot papunta sa driver seat. Agad niyang binuhay ang makina ng kotse at agad pina-usad. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang iniisip ang sinabi ni Kaede kanina. "Sa dami-daming lalaki sa mundo kay Kaede ka pa talaga nagpadali, Audrey. Alam mo bang gago ang ugali no'n?" Pagalit na sabi ni Reagan sa 'kin habang palipat-lipat ang tingin sa gawi ko at sa daan. Hindi ako sumagot dahil wala akong maisip na pwedeng isagot kay Reagan. Alam ko namang katangahan talaga ang ginawa ko ng mangyari yun samin ni Niko. Kung pwede ko nga lang ibalik ang oras na yun ay ginawa ko na. "Stay away from that man, Audrey. Delikado ang lalaking yun kaya umiwas ka." Saad ni Reagan sa 'kin. "Kapag hindi ka nakinig saking babae ka, tutok-tukan talaga kita sa bunbonan mo." Dugtong pa ni Reagan kaya napanguso ako. "Ano? Hindi ka sasagot?!" Sigaw sa 'kin ni Reagan. "Oo na!" Suko kong sabi sakanya. Huminga naman siya ng malalim na parang pinapakalma ang sarili niya. "I'm sorry. Dapat pala hindi na kita sinama sa party. Kung sinabi mo lang sana sa 'kin ng maaga eh 'di sana aware ako. Pinaka ayaw ko sa lahat ay kinakawawa ka ng ibang tao. Do you remember nang mangako ako sa'yo n'ong mga bata pa tayo.. na kapag may umaway sa'yo.. kasangga mo ako." Mahabang sabi ni Reagan. Napangiti naman ako ng maalala ko yun. Inaway kasi ako ng mga batang lalaki na payatot daw ako n'ong mga bata pa kami ni Reagan. Tinulak pa ako ng mga lalaki kaya mas lalo akong umiyak dahil dumugo ang tuhod ko sa lakas ng pagtulak nila sa 'kin. Naalala ko pa kung pano ako pinagtanggol ni Reagan no'n. Halos binugbog niya ang tatlong bata na umaway sa 'kin kaya napagalitan kaming dalawa ni Reagan ng malaman ng mga parents namin dahil pinatawag ang mga magulang ni Reagan sa barangay office. "Nangako ako sa'yo dati kaya tutuparin ko yun, Audrey. Para na rin kitang kapatid. Kaya ayaw kong makitang pinapahiya ka, kahit sino pang satanas yan.. kung kinakailangan kung makipag away gagawin ko." Seryosong sabi ni Reagan. Napa pahid tuloy ako ng luha sa gilid ng mata ko sa sinabi niya. Mabuti nalang talaga, nandito na si Reagan sa tabi ko. May kasangga na ako sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD