°.¸¸.•´¯'» Dream 4: Who's your Idol now?
MAGANDA ANG ARAW KO pag pasok ng school ng makita ko si Mokong...
Aba nagulat ako dahil may babaeng humalik sa pisngi niya...
"Oiii sino yun???" sita ko.
"Yun? Yun ba ang tinatanong mo? Girlfriend ko in short GF"... pagyayabang niya sakin.
"Weee di nga???" Langya tong si Arthur ohhhh naunahan ako... Asssaaar...
Biglang bumalik yung GF daw kuno ni Arthur... Mukang may nakalimutan.
"Babe!!! Eto pala sayo!" sabay bigay ng sandwich na nasa especial na lalagyan.
Muntikan na kong masuka... BABE pa ang tawagan Ewwwww!!!
"O pare si Bernadette pala." Sabay kaway sakin ni bernadette.
"Hi!" tugon ko... (inferness maganda siya)
Bago umalis si Bernadette ay humingi pa ng halik kay mokong...
"See you on lunch"... sabi nito.
"Wow! naka jackpot!!!"
Habang nag lalakad kami ay super parin ang pag tataka ko sa sarili ko kung pano napasagot ni Mokong si Bernadette.
Magsasalita palang ako ng...
"Oh! dude"... "alam ko na ang sasabihin mo. Kung pano ko napasagot si bernadette no???"
"Nu bayan naunahan ako!!!" (sabi ko sa isip ko)
"Lika pare may papakita ako sayo"...
Agad kaming pumunta sa kanila.
Putcha ang g**o ng kwarto ni Mokong... Kung kwarto pa bang matatawag to...
Agad na may kinuha si mokong sa drawer nya...
"TARANNNN!!! pabida niya"...
"Ang libro ng pogi points!!!"
"Epic!" sabi ko... sa pagka tulala.
Astang kukunin ko na ng...
"Oh! dude medyo smooth lang ang hawak ah! super ingat ako dyan eh!".
"Hampas ko pa sayo to gusto mo???"
Anong meron kaya sa libro na to... Na eexcite tuloy ako...
Lumang luma na yung libro.... halatang panahon pa ng dinasour este ni mahoma... kulay kape na ang pages, at medyo nabubura na yung mga sulat...
"Dude! akbay sakin ni Arthur... dahil Best friend kita eh... pwede mong iuwi yang libro na yan... basta ingatan mo ah"...
Nakoooo sambang samba si mokong sa libro na to ah... Sabagay try lang naman eh... wala namang mawawala sa akin...
Kaya nung gabi binasa ko yung ilang mga pages....
Putcha puro naman kalokohan to eh...
Ayon sa libro...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Upang mapaibig mo ang isang tao ay maglagay ng picture ng taong nagugustuhan sa
ilalim ng iyong unan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Putcha wag mong sabihing ginawa to ni Mokong.... talaga naman oh....
Pero ng nilipat ko ang pahina ay may nabasa ako na pumukaw sa aking interest.
Sampung paraan upang mahalin ka ng babae....
Woww ahhh! may maganda rin palang page tong libro na to...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
1. Mag papansin sa harap ng napupusuan (nagawa ko na yan!)
2. Kahit na corny ang mga hirit niya ay tumawa ka lang ng tumawa. (All the time)
3. Ipadama sa kanya ng siya lang at wala ng iba (Oo naman)
4. Ipag luto siya ng pag kain. (Tapos narin.) (See Dream: 3)
5. Ipakita ang natural na ikaw... Mas natural mas maganda...
6. Magpaganda ng katawan ex. 6 pack abs. (Pass!!!)
7. Maging aktibo sa paaralan... Ipakita mo na matalino ka... ( kanina nakakuha ako ng 15 to
20 for the first time okey na yun!)
8. Igalang ang kanyang mga magulang... (tapos na rin)
9. Maging malapit sa Diyos. (Nagsisimba ako!)
10. At gayahin ang kanyang pinaka paboritong Idolo!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ano??? Idolo!!!!
pati ba naman yun???
Teka sino nga pa lang idolo ni Nikka.
Di pa namin yan napag uusapan ahhhh.
Napaka obvious naman kung tatanungin ko ng harap harapan. lam ko na sa note book niya. Diba yun yung uso kung sinong ido mo ng rerefleck sa note mo. Or mga gamit mo.
Sigeee. Bukas sisilipin ko note niya.... hi hi!
X~X~X
Kinabukasan sinimulan ko na yung plano ko...
Hi Nikka bati ko... pag dating niya...
Pag daan niya... Wowww ang bango niya... Heaven!
Kinikilig nanaman ako.
Yan na nilalabas na niya yung notebook niya.
Langyan di ko makita nakaharang yung kamay niya...
Maam C.R. lang po ako sabi niya...
Yes pag kakataon ko na.
Pag labas ni Nikka. Sinilip ko kaagad yung notebook niya... Ano to... korean band...
LED APPLE.
Putcha ang daming member. Anim!!! San kaya dito pinaka favorite nya?.... Namaaaan!
kaya humingi na ako ng tulong sa kaibigan ni Nikka si Allison.
"Allison... Lam mo yung Led Apple"...
"Oo naman favorite namin yun eh"... Na halatang kinikilig pa.
"Eh si Nikka sinong favorite niya don?"
"Ahhhh di ako sure eh... teka iisipin ko."
(Langya ang bagal mag isip!)
"Ahhh si kyumin!"
"Sino dun yun!"
"Ung kulay pula yung buhok!"
"Whattttttt! pagkabigla ko."
"Bakit???" gulat ni Allison...
"Wala" sabi ko... sabay alis...
Pagkatapos ng klase...
Agad akong humingi ng tulong kay Arthur....
"Dude?"
"Oh bakit???"
"Mag papakulay ako ng buhok"...
"Anong nakain mo bakit naman?" taka ni Arthur...
"Sabi dun sa libro na pinahiram mo... Sabi kasi dun na gayahin ang idolo ng taong iyong
napupusuan. Kaya yun"...
"Ganun ba... O sige handa ako dyan"...
Kaya pag uwi galing school ay sinimulan na namin ang plano....
Kinulayan ni Mokong yung buhok ko...
"Wow dude ang tingkad ng pag ka pula"... habang hawak hawak ni Arthur ang picture ni kyumin
at tila kinukumpara sa buhok ko.
"Yan pare mapapansin kana ni Nikka"...
"Siguraduhin mo lang dude"... Kundi patay ka sakin...
"Basta mag tiwala lang tayo sa libro"... Wika ni Mokong.
X~X~X
Nagsimula na akong mag papansin kay Nikka mga bandang hapon... Ugali kasi ni Nikka
ang mag pa hanign sa labas pag gantong oras.
"Nikka" tawag ko!
Pag lingon ni Nikka nagulat siya na parang na amaze....
"Yes" sabi ko....
Lumapit siya... "Bakit ganyan yung buhok mo?"
"Wala ka bang na rerecognize"...
"Wala???" sabi niya
"Sigurado ka?"
"Wala ehhh!" sabay isip... "Ayyyy!!! si Kyumin ganyan yung buhok nya"...
Finally! (sabi ko sa isip ko!)
"Nagustuhan mo''...
"Oo naman eh idol ko yun ehhhh lalo na dun sa time is up nilang kanta...
Super love ko siya dun"...
Yes! Yes! 1000 points for me!!!! sumisigaw ang kalooban ko sa saya!
Para akong nasa langit tapos binubuhat ng mga anghel.
"Kaya lang???" hirit ni Nikka.
"Huh!" napahinto ako sa pag iimagine!...
"Mas favorite ko talaga si Iron man"...
Nahulog ang panga ko... Di ako makapag salita...
|Sige! Tommy uwi na ako"... Sabay alis ni Nikka!
Agad kong tinext si Arthur....
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dude kailangan ko ulit tulong mo!!! ASAP!
End of text.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~