Dream no.5

847 Words
°.¸¸.•´¯'» Dream 5: Sleeping Beauty (Part 1) NAGMAMADALI AKONG PUMASOK NG MAAGANG YON. "Nako!!!" patay naman man ako, mukhang nagsimula na ang klase. Masungit pa naman si Maam Tuklas! Nang mga oras pala na yon eh nag tatawag na si Ma'am Tuklas ng class record. "Nicholas Spark!" "Present!!!" "Antonio Luna!" "Present!!!" "Princess Sarah!" "Present!!!" "Tommy Acuesta!" Walang sumasagot... Nanahimik ang buong klase! "Tommy Acuesta!" Muling inulit ni Ma'am. Wala paring sumasagot... Last na to ahhh! "Tommy Acuesta!" sigaw ni Ma'am na halos marinig na sa hallway ng school. "Ma'am present" sabi ko habang winawagayway ko ang aking kamay! (Yes nakaabot!!!) "Late ka nanaman Tommy!"  "Sorry po Ma'am" sabi ko! na nakatungo. "Dahil dyan bibigyan kita ng parusa." sabi ni Ma'am habang nakataas pa ang kilay (favorite talaga ako!) "Ikaw ang gaganap na prinsepe sa ating dula dulaan!" "Ma'am naman!" pagsusumamo ko. Habang nakatingin sakin ang buong klase. "Bakit may angal ka???" Sambit ni Ma'am habang lumalaki na ang mata. "Joke lang! Ma'am gustong gusto ko nga po eh!" "O sige umupo kana!" Naman naman!!! dati pinaluhod na nya ako sa pasilyo, pinakain ng sili, pinag sulat ng 100 times na hindi na po ako uulit, Nagpabili ng floorwax, Chalk, Eraser, Masking tape, Ball pen, Pad paper, Cocom ban (ay coupon band pala!), Tapos ngayon ipapahiya ko ang sarili ko sa harap ng daan daang tao. Lalo na sa harap ni Nikka my loves... Naman naman... Kawawa naman ako. Pagka upo ko. Kinausap agad ako ni Mokong... "dude naman kasi bakit ka na late!"  "Kasi naman si Mama nagkwento pa ng talambuhay nila ni Papa. simula Elementary, Highschol, Hanggang College." "Talaga!!!" bulalas ni Mokong habang parang gusto rin malaman ang love story ni la mama. Makapunta nga sa inyo. "Tigil tigilan mo ko ahhhh." Hindi pwede.... "Okey Class. Ngayong meron na tayong Prince kailangan nating ng Princess." "Whooooo nagsigawan ang buong klase"... feeling ko pag kakaisahan nila ako. "Okey  I open the nomination for the role of princess"... Agad na may nag taas ng kamay... "Okey Bernadette." Ika ni Maam. "I nominate Kimberly for the role of princess." "Not bad" sabi ko... pero si Kimberly parang nandidiri sakin... "I nominate Nikka for the role of princess".... Nakanang naman ano to dream come true... Inii magine ko tuloy dun sa kissing scene namin ni Nikka.. (ha ha! excited!) "Then the last one"... sabi ni Ma'am.. "Yes anthony"... "Ma'am i nominate Minerba for the role of Princess"... Sabay tawa ni Anthony... Biglang napatahimik ang lahat... parang naging ghost town ang katahimikan... Pati ang pag iimagine ko naging nightmare... Teka teka bakit ko nasabi yun??? Kasi naman hindi naman sa pag lalait eh. Pero di kagandahan tong si Minerba. Tapos pag kumakain siya naiipon yung laway niya sa dulong labi niya.... Pano nalang kaya yung kissing scene namin kunyari. Waahahahah! ayoko! Ayoko! "Okey class mag vote na tayo!!!!" X~X~X "Condolence pare sabi ni Arthur pag katapos ng lamay este meeting pala"... Habang hinahapo niya yung likod ko. Langya! sa di inaasahan na pangyayari eh si Minerba pa ang nanalo. "Pano nalang dude yung kiss! yung kiss! yung kiss!" paulit ulit kong sinasabi. "Bakit dude confirmed naba kung may kissing Scene???" Banat ni Mokong. "Oo nga no teka"... Agad akong tumakbo papunta kay Miss Ancheta "Ma'am siguro wala naman po yung kiss diba??? diba???" sabi ko habang nag papa cute. "Ano kaba Tommy Eh yun nag yung highlights ng story diba... buti nalang pina alala mo balak ko pa namang dagdagan ang kissing scene... ha ha!" wika ni miss sabay talikod. Whaaaaaaaaaa! napaluhod ako sa hallway pabalik kay Arthur... Eto na yata ang pinaka matindi kong parusa. "Oiii Tommy" anong nagyari sayo tanong ni Nikka sakin. Habang nakita niya akong nag eemo. "Nikka ikaw pala." sabi ko sa mahinang boses. "Tommy galingan mo ahhhh!" sabay ngiti nito...  Wow naman buti nalang talaga nadyan si Nikka. kahit papano nalakasan ako ng loob. X~X~X Kinabukasan. Inagahan ko nga ang gising... Hinanada ko na ang aking sarili dahil eto ang aming first practise sa play. "Oooo!!! Tommy very good at hindi ka na late... Yan ganyan dapat be a role model"... Syempre parang lilipad ang ulo ko. ang saya saya pala na papurihan paminsan minsan. Tinawag na ang lahat ng gaganap.  Pero napansin ko parang kulang. Wala si Minerba... Aapila pa sana ako ng biglang nagsalita si Ma'am. "Guys may kongting pag babago sa cast natin." Biglang nag bulungan ang lahat. "Tahimikkk! sigaw ni Ma'am"... "Okey pasok kana dito"... Sabi ni Ma'am sabay turo sa may pintuan ng auditorium. Mula sa pintuan ay may pumasok na babae. Nakakasilaw ang ilaw kaya hindi namin agad nakita ang kanyang mukha. Nag makalapit na siya ay dun lang namin napag tanto na si Nikka pala. Pero bakit siya nanadito anong ginagawa niya dito??? Guys nagkabulotong si Minerba kaya napag disisyunana ko na siya ang perfect substitute for the role of Princess. Nagulat ako... pati ang lahat ng tao sa auditorium... Bigla nilang binati si Nikka. Pati narin ako... "Nikka congrats!"... sabi ko na medyo nahihiya. "Salamat sabi niya." At ngayon naniniwala na ako sa swerte he he! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD