°.¸¸.•´¯'» Dream 6: Sleeping Beauty (Part 2)
"MAHAL KONG PRINSESA BAKIT KA NAMATAY!!!" Agad akong lumuhod at unti unti kong nilapit ang aking mga labi sa labi ni Nikka my love. Napalunok ako. Mas maganda pala si Nikka sa malapitan. Ang mahahaba niyang pilik mata. Matangos niyang ilong, Maputi niyang balat at ang higit sa lahat ang mapupula niyang mga labi.
Sabi ko sa rili ko. "Wala na tong urungan" at yun na nga kinilos kuna ang bandang itaas nang aking katawan upang ipadama kay Nikka ang aking halik este dahil yun ang kinakailangan sa eksena...
Ng biglang...
CUTTTTT!!!! Sigaw ni Ma'am Ancheta.
"Punyamas naman oh! Malapit na eh! yun na eh! kahit kailan talaga tong si Ma'am ohhh! pahirap sa buhay ko."
"Dude ang galing mo!!!" si Mokong pagkalapit sakin.
"Weeee hindi nga?"
"Oo nga pang oscar ang dating" habang pumapalakpak pa ang kamay.
"Dagukan kaya kita" Nang aasar pa. Ako habang aastang dadagukan siya.
"Acuesta" Tawag ni Ma'am.
"Yes ma'am" Agad namang tugon ko.
"Medyo gandahan mo pa ang pag bato ng mga lines. Sa totoo lang eh ang pangit pangit" with matching aling dionisias face.
"Eh kaylan ba kayo ma'am nagandahan" Bulong ko.
"Ano? May sinasabi ka" Usisa ni Ma'am.
"Nako ma'am wla po". Pagsisinungaling ko. Sabay alis.
X~X~X
Sa bakuran namin pag uwi galing school...
"Mahal kong prinsesa... pwede bang makuha ang iyong magagandang kamay." With matching action.
Di ko pala alam na si Mama eh nasa likod ko.
"Alam mo ba nung nasa highschool ako favorite ko yang mga ganyan. Lagi akong nag tataas nag kamay pag yung teacher namin nagtatanong kung sinong sasali" sabi ni mama pabigla bigla.
Napatigila ko sa pag acting ko. "Naman Ma wag kang nangugulat" Sermon ko.
Lumapit si mama hinawakan niya ang kamay ko. Tapos inayos niya. "Dapat kasi ganto yan" pag aayos niya.
" Osige basahin mo ulit yung line mo." sabi ni mama.
"Mahal kong prinsesa... pwede bang makuha ang iyong magagandang kamay." With more feelings.
"Yan yan nak ganyan nga!" habang pumapalakpak si mama.
Nag bow ako sa harap ni mama na parang araw na ng play. Ang arte ko diba. he he!. Tumigil na si Mama ng may pumapalakpak parin. "Sino yun?" pag tataka ako. Laking gulat ko ng si Nikka nakadunagw pala sa kabilang pader. Nakakahiya!
"Oi Nikka! nadyan ka pala" Bati ni mama. "Galing ng anak ko no?" Biglang tanong nito.
"Oo nga ho eh! Parang nasa play na." Dagdag ni Nikka.
"Lika dito iha" Yaya ni Mama.
Agad namang nagpunta si Nikka. Aba game na game din.
"Nu po yun Tita?" Tanong nito.
"Alam mo mas naisip ko kung mag paparactise kayo ngayon eh!" biglang sambit ni Mama.
"Ma" Angal ko.
"O bakit para naman mahasa at mas gumaling pa yang mga acting nyo diba Nikka?"
"Poooo P-p-poooo!" Parang napipilitan si Nikka.
Makalipas ang ilang oras. Todo acting nga ang ginawa namin. Kumpas dito, Kumpas don. Lakad dito, Lakad don. Tuwad dito, Tuwad don ( Joke lang!). At di pa don natuwa si Mama nag halungkat pa nag costume sa baul. Punyemas feel na feel. Sya nalang kaya ang gumanap dun sa play???
"O eto mag juice muna kayo" Sabay labas ng orange juice.
"wahhhh" Ang sarap lalo na pagf ganto ka kapagod nakaka relief talaga.
"Bilisan niyo dyan at may final act pa tayo. Hirit ulit ni mama.
"Anong final act?" Tanong ko pagkaubos ko ng isang basong juice.
"Basta!" sige juice pa alok nito kay Nikka.
"Okey okey!" At ngayong na energize na kayo eh lika na sa kwarto!" sabay panik ni mama.
Nagkatinginan kami ni Nikka parang may hint na kami kung anong sunod na eksena ang gagawin namin.
"Tommy, Nikka" Akyat na kayo" Tawag ni mama.
"Nikka kaw muna mauna" sabi ko kay Nikka sa mahinang boses. Pagkatingin ko kay Nikka ay namumula siya. Tong si mama kasi eh. kung anong pinag gagawa sa buhay. Nakakahiya.
So yun na nga nag punta na kaming dalawa sa may taas.
"Okey ang final act natin ngayon ay ang kissing scene" malakas na sabi ni mama.
"Nakanang ano to live show?" bulong ko.
"Nikka higa kana" utos ni mama.
"Pooo" hiyang sagot ni Nikka.
"Dali na" sabi ulit ni mama habang hinawakan na niya nag kamay ni NIkka.
Unti unti nang humiga si Nikka. Halatang kinakabahan, Painagpapawisan.
"Okey Tommy! lapit ka dito" utos nanaman ni mama.
"Dahan dahan lang ang pag halik ha! Dampi lang... Wag ibubuka ang bibig!" pangaral ni mama.
"Ma naman di ko gagawin yon ohhhhh!" apila ko.
"Paninigurado lang anak!" sabay tingin sakin sa gilid.
Agad na akong kumilos. Lumuhod ako at unti unti kong inilapit ang aking mukha kay Nikka. Bumubilis ang t***k ng puso ko.
"Yan ganyan nga anak dapat my passion kahit papano." pag didirek nito.
Pinikit ko ang aking mga mata at unit unit kong hinalikan si Nikka. Pagdampi ng labi ko ay bigla akong tayo.
"Nak naman anong klase yan" inis ni mama.
"Ma okey na po yun" angal ko.
"O sige sige. sa totoo lang konting polishing nalang at makukukha nyo na yan. Basta wag lang kayong kabahan. Okey!" sabi ni mama.
"kaw rin Nikka magaling karin"
"Salamat po" Wika ni Nikka na medyo namumula pa.
X~X~X
Pag dating ng araw ng play ang daming tao. Halos mapuno ang buong autorium.
"kinakabahan ako" wika ni Nikka sa di kalayuan.
"Basta Dude dito lang ako ahhh.wag kakabahan" Pag aalala ni Mokong.
"Ako pa" yabang ko.
Nagpunta na si Ma'am Ancheta sa gitna. "Im gladly present to you the section Avocado's Sleeping beauty.
Biglang nagpalakpakan ang mga tao. Bigla nang binaba ang pulang telon at nag punta na kami ni Nikka sa gitna nag stage... : )