°.¸¸.•´¯'» Dream 2: Afternoon Snack
PAGKATAPOS NG KLASE ay napag usapan namin ni Arthur na gumala. Alam nyo naman yan ang mga peburits ng mga kabataan. Ang mag laro ng Video games, Mag videoke, Kumain kasama ang mga kaibigan.
At yun na nga sabi ni Mokong mag bibihis lang siya.
"Dito moko hintayin dude... sandali lang to."
"O sige sabi ko."
Halos isang oras na ang nakalipas ultimo anino ni Mokong eh hindi nagpakita...
TooooT!!!
TooooT!!!
Aba buti nakuhang mag text...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dude sorry! di ako pinayagan ni ermat naiinis na nga ako eh!
End of Text!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Langya! gusto ko ng maiyak sa inis!!! Grrr!!!
Di na ako ng replay baka kung ano pa ang masabi ko.
Kaya umuwi nalang ako ng bahay at manonood na lang ako ng DVD.
Pag uwi ko ng bahay wala si Mama nakanang ang kalat!!!. Busing busy ba mga tao dito!!!
Eh di nag ayos ako... ayos dito ayos doon... habang nag aayos ako dumating si Mama. Nag punta pala sa groceries store.
Yan okey na! sabi ko na medyo nalinis na ang bahay. Makakanood na ako.
Pinrente ko na ang sarili ko at ni ready na sa panonood ng biglang sumigaw si Mama.
"Ahhhh!"
Bigla kaong tumakbo sa kusina. "O bakittt!" gulat ko!
"Wala may nakalimutan lang akong bilihin!" wika nito habang nag kakamot ng ulo at halatang nayayamot.
"Ma naman! Akala ko kung ano na! makapag react eh!!!" sabay balik sa sala para umpisahan ko na ang panonood.
Nang pipindutin ko na ang play.
"Nakkk???" nang malumanay na boses.
"Maaa??? bakit?"
"Bili mo naman ako sa tindahan."
(Istorbo naman!!!) "Nu po yun???"
"Napkin!" pabulong nito....
"Whatttttttt!!!!" bakit ako pa.
"O sige manonood ka o bibili???"... banta nito...
"Syempre bibili".... Ngiti ko kunyari. (Langya!)
X~X~X
Nag masid muna ako sa labas kung may bumibili...
Swerte ko yata nagyon ahhh walang tao... dyahe kaya pag may makakita sa akin. Nakakahiya!
Kaya dali dali akong bumili...
"Aling petra pabili po ng Modess dalawang piraso" ( sa mabilis na boses)
"Anoooo???" sabi ni aling petra. (Matanda na kasi) "pakiulit totoy."
kaya inulit ko nalang no choice eh!!! "pabili nga po ng M-O-D-E-S-S dalawang piraso."
(Sa mabagal na boses)
"Ahhhh teka lang totoy!"
Punyemas ang bagal kumilos ni aling petra inaabot pa yung pack ng modess sa itaas ng istante...
Purdiyos pursanto naman ohhhh!
Hanggang may bumili.
"Pabili po ng shampoo pantene."
Shit!!! kilala ko yung boses na yun!!!
Pag harap ko si Nikka! (Punyamas!)
"Anong binibili mo dito Tommy?"
"Ahhhh wala sabi ko." Grabeeee tumutulo yung pawis ko.
"Totoy ito na ang binili mo." langya anong gagawin ko. Buti mabilis ang kamay ko. Bago pa makita ni Nikka yung napkin kinuha kona...
"Sige Nikka alis nako"...
"Wait Tommy pakopya ng tanong sa assignment."
"Sige sige! Mamaya" sabay takbo ko papuntang bahay.
X~X~X
Tamang tama ng dumating si Nikka nasa end credit na yung pinapanood kong movie...
Buti nalang maganda tong movie at nakalimutan ko ang inis ko kay mokong.
"Nikka pasok ka sabi ko"... tamang tama at kahit papano pala nag linis ako.
Maganda ang bahay ninyo ahhh maaliwalas. Yung amin pipinturahan pa ni Papa.
Manghang mangha si Nikka sa bahay namin... Nakakatuwa para siyang bata.
Habang abala si Nikka sa pag tingin sa bahay namin. Umektra nanaman tong si Mama.
"Anak mali pala yung nabili mong napkin kanina. Dapat pala with wings."
"Langya!!! busted ako." Alingawngaw pa naman yung boses ni mama sa loob ng bahay. Wahhahahah! Gusto ko ng mamatay! ( Ang O.A.)
Si Nikka naman ay parang na shock din sa gilid. Ultimoy siya rin ay nahihiya sa akin.
Nang biglang nagpunta si Mama sa sala.
"Oyyy nak may bisita ka pala!!!" bulalas ni Mama! "Tamang tama may miryenda akong ginawa"...
"Nag mieryenda kami".... Kaihit na medyo napahiya ako eh... ok narin dahil hindi ako makapaniwala na nandito si Nikka at kumakain sa bahay namin. Ang saya ko!!!
Habang kumakain kami eh umandar nanaman ang bunganga ni Mama.
"Masarap ba iha?"
"Opo na miss ko tong ginatang bilo bilo."
"Bakit?"
"Mahilig po kasi itong lutuin ng lola ko eh"...
"Eh nasan na siya." Tanong ulit ni Mama.
"Wala na po siya." Sagot ni Nikka na halatang nalungkot.
Tinabig ko yung paa ni mama sa ilalim ng lamesa.
Kaya kunyari eh iniba ni mama yung topic.
"Alam mo ba neng ano pala pangalan mo?"
"Nikka po."
"Alam mo Nikka na ikaw lang ang unang babae na pinapasok ni Tommy dito."
"Po... talaga habang namula si Nikka."
"Maaaa!!!" sabi ko.... Na nahihiya rin ako.
"Kasi naman lagi kong nakikita dito yung kaibigan niyang si Arthur... nakakasawa na yung muka."
Hanggang sabay kaming nagtawanan.
Pag katapos naming kumain ay umuwi na si Nikka.
"Nikka eto na pala yung Notebook ko. kopyahin mo na lang yung tanong. Wag lang yung sagot kasi puro mali yan he he!"
"Sige salamat ahhhh!"
"Nikka.... Saka pasensya kana pala sa Mama ko ahhhh."
"Ano kaba okey lang... Ang cool nga eh."
"Sige salamat ulit. Masarap yung Bilo bilo. Sabay alis ni Nikka."
Buti na lang pala eh hindi kami natuloy ni Mokong na magpunta ng mall. Kung natuloy kami eh! Hindi ito mangyayari. Na isa sa pinaka masayang araw sa buhay ko.