°.¸¸.•´¯'» Dream 1: Newbie
MONDAY NA!!! Teka ano nga bang maganda sa monday???
Ang sagot! WALA!
Di yata maganda yung gising ko... Super antok na antok pa ako... pano naman tinapos ko pa yung pinapagawa ni Mrs. Ancheta na project. Tungkol sa first civilisation dito sa pilipinas... Pano naman kasi tong si Arhur tanong ng tanong nahuli tuloy kami. At ako pa ang napagalitan.
Arggggg!
By the way ako nga pala si Leonardo de Carpio... ha ha! Joke lang Tommy Acuesta... 16 years old. Third year high school sa Saint Magnus Academy.
Wala akong magagawa eh. kaya gumising na ako sa kama.
Ewan ko ba pero biglang nangati yung pwet ko... kaya ano pa kinamot ko.
Kamot kamot kamot!
Oooopppps!
Pagtapat ko sa bintana. nakalimutan ko...
May tao na pala sa tapat.
Pinikit ko nalang yung mga mata ko....wi ni wish na sana walang tao
pag kamulat ko nakita ko si Nikka tumatawa. Na nasa kabilang bintana.
Ay sus nagkatapat pa kami ng bintana. Kwarto ko sa kawarto niya.
Nakalimutan ko na may nakatira na pala sa kabilang bahay... Di na nasanay.
Ohhh s**t! at nakita niya yung pag kamot ko. nakakahiya...
kaya tandaan... laging isara ang bintana kung may gagawin na di kanais nais na bagay.
X~X~X
Nag ayos na ako ng sarili papunta ng school. Dala dala ang pina book bind ko na 100 pages na pina project ni Miss Ancheta.
Habang nag lalakad ako ay nakita ko si Arthur...
"Langya ka tignan mo ginawa mo"...
"Yan naba yun???"
"Ay hindi Imagination lang to... Ano pa.... Pinagpuyatan ko yan"... ng may kasamang pag kunot
ng noo.
"Sorry na dude!"
"Ano pa nga ba. Tapos na eh!"
Nakarating na kami sa school pati yung teacher namin.
"Acuesta yung project mo???"
"Miss ito na po... Good mag tanda kana ahhhh."
"Opo Miss"... Habang pinipilit kong ngumiti.
"By the way may bago tayong student"... Wika ni Miss.
Nagbulungan ang buong klase..
"Tahimik!!!" Sigaw ni Miss!
"Iha pumasok kana."
Eh abala ako sa pag aayos ng gamit....
"Okey class welcome natin si Nikka Anne dela Crus"...
Teka ano to coincident.... magka pangalan pa sila ng bago naming kapitbahay. Pero maganda parin yung makatiyak.
Kaya. Unti unti akong tumingin papataas...
Unang nakita ko ang maputi niyang paa.
Maliit na bewang.
Balingkinitag katawan..
Pag dating sa ulo...
Confirmed.... Si Nikka nga!
"Hoyyy Tommy!!!" sabi niya sakin sabay ngiti...
"Hiiiii!" tugon ko.
X~X~X
Recess time!!!
Nag punta kaming Canteen ni Arthur lilibre nya daw ako... Babawi ata sakin si mokong...
"Dude... O!" sabi sakin ni Arthur habang may dalang dalawang hamburger at softdrink.
Susubo nako ng nag tanong si mokong sakin.
"Dude kilalala mo pala si Tisay"...
"Sino yun?"
"Sino pa eh di si Nikka yung newbie."
"Ahhhh bagong kapit bahay namin."
"Talaga!"... habang tumatalsik pa ang laway ni Arthur habang ngumunguya ng burger.
"Dude hinay hinay lang umuulan"... puna ko...
"Swerte mo dude!"
"Sus kaya mo ba ako nilibre dahil babawi ka o mag papatulong ka kay Nikka???"
"Well"...
"Anong well well tigilan moko!"
"Wait dude speaking of of Nikka!"
Si Nikka paparating. Nag iisa.
Biglang nag papansin si Mokong!
"Nikka dito o maluwag" sabi nito....
At di nga binigo ni Nikka si Arthur... Lumapit siya kung san kami nakaupo...
Bigla akong napakain ng hamburger...
Biglang tumibok ng malakas yung puso ko.
Umupo si Nikka sa tabi ko.
Punyemas ang bango niya.... Walang kapares na bango.
Hinay hinay ka lang sabi nito sakin. Habang ako eh busing busy sa pakain ng hamburger. Hanggang AHMMMMMM nabulunan ako.
Napapiyak nako sa sakit ng lalamunan ko...
"Eto eto".... yaya ni Nikka sa inumin niya.
"Dude parang pressure ka???" sabi sakin ni Arthur habang tumatawa.
"Hindi ahhhhh!" habang pinupunasan ko ang pawis ko. Pero deep inside super pressure ako...
Tinuloy namin ang pag kain ng humirit nanaman si Mokong.
"Nikka newbie ka dito diba?"... "Nakalibot ka naba dito sa school?"
"Di pa nag eh!"
"Ahmmm si Tommy lilibot ka daw niya... diba dude???"
Muntikan ko ng maluwa yung kinakain ko... Putres tong si Mokong ohhh!!!!
"Really! sige gusto ko yan!"
"Ahhhhh" napa nganga ako.... (sige na nga) sabi ko sa isip ko.
Sabay inom ng softdrink.
X~X~X
Una ko siyang dinala sa library, Science building, Math building, Filipino building, English building, Quadrangle, Science lab, Computer lab, Music room, Library, C.R. ng boys (joke lang!), at sa tambayan namin. Yung mini garden sa likod ng school.
Umupo kaming dalawa doon.
Nakakapagod pero masaya ako. "Ang laki pala dito!" wika ni Nikka!
"Ay oo"... Pag sang ayon ko.
"San pala kayo galing?" tanong ko....
"kami Cavite." agad niyang sagot.
"Ahhhh talaga taga don dati yung"... Natigilan ako.
"Sino?" Tanong ni Nikka sakin habang medyo hinihingal pa.
"Wala yung kaibigan ko"... (pagsisinungaling ko)
Biglang lumakas yung hangin...
"Ohhh ang sarap" wika ni Nikka hanggang napatayo siya!
Pag tingala ko nakita ko ang panty niya...
Bigla akong tumungo agad....
Pag upo ni Nikka. Napansin niya ang pag kapula ng pisngi ko... "O bakit ka namumula?"
"Wala!!!" sabi ko sa mahinang boses.
"Salamat ahhhh!"
"Para san?" Tanong ko.
"Sa pag sama sakin." Masaya ang first day ko dito. sabay ngiti niya.
"Ayyiiiieee! Wala yon!!!" sagot ko....
"Sayo rin! Maraming salamat. Dahil pinasaya morin ako!" ( sabi ko sa isip ko)