°.¸¸.•´¯'» Dream 9: The Worst Date (Part 2)
NAGPUNTA AKO SA BAHAY NILA MINERBA para naman kahit papano eh! mapasaya ko siya. Kumalat na kasi sa buong school na may taning na ang buhay niya. Pagpunta ko sa bahay nila ay may nagbabantay na isang malaking aso. Sa palagya ko bulldog ang lahi nito. Buti nalang at tulog kaya naman eh. wala kong kaba na pumasok.
Kumatok ako sa pintuan nila. Yung pangatlong katok ko ay medyo yata napalakas. Kaya naman may nagising na nilalang sa likod ko.
GRRRRRR! galit nito.
Ayoko na sanang tumingin pero napilitan ako. Hala si Doggie nagising pala. Agad akong ng kakakatok sa pintuan ni Minerba habang sa likod ko naman ay paparating na yung aso.
Boom! Biglang bumukas yung pinto. Tamang tama naman ay isang dipa nalang yung layo ng aso. Muntik muntikan na akong sakmalin. Bigla akong napayakap sa nag bukas ng pinto. Tapos pinikit ko ang aking mga mata.
"Tommy!" wika ng pamilyar na boses.
Pag mulat ko nakayakap pala ako kay Minerba. langya! Feel na feel naman ni Minerba, Nahuli ko siyang inaamoy ang buhok ko. Parang adik lang.
Bigla akong tumayo. Inayos ko ang aking damit. At tumayo ng maayos. Nag patingin tingin muna ako sa paligid. WoW! ang ganda ng loob ng bahay nila Minerba. Pang mayaman. Malaki ang T.V. na flat screen, May chandilier, Carpited ang sahig, at hanggang 3rd floor ang bahay.
"Tommy bakit ka nandito?" tanong ni Minerba habang naka damit pambahay pa ata.
"A-aa-ah!" pautal utal kong sagot.
"Ano nga???" Ulit niya.
"Yayayain ko sana ikaw na lumabas." mahina kong sabi.
"Talaga." masayang sabi niya.
Agad akong niyakap ni Minerba. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit. Talaga bang may sakit to? parang wala naman.
Nagbihis na si Minerba ng magandang damit. Tinernohan niya ang suot ko. Nag suit na black dress din. kulang nalang walis tapos pwede na syang mangkukulam ha ha!
"Maganda ba Tommy?" tanong niya sakin with maching ikot ikot pa.
"Oo naman." madaling sabi ko.
"Talaga!!! buti naman at nagustuhan mo." wika niya habang todo ang ngiti.
Yes!!! naka set na ang lahat! Tinext kona si Mokong.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Arthur ilabas na ang sasakyan lalabas na kami.
End of text.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Syempre naman naka ready kaya ako. kaya naman inalalayan kona si Minerba papalabas.
Pag labas ni Minerba ay tila napaka layo ng tingin nito.
"Ahmmm anong hinahanap mo?" Tanong ko.
"Yung sasakyan." wika ni Minerba.
"Teka lang ahhh!" kaya naman agad na akong sumipol at lumabas na si Mokong na menamaneho ang sasakyan!
"TARRRRAAAANNN!" pa surpresa ko!
Ang yabang ni Arthur naka blue naman itong suit. At mane maneho ang Depadyak na saytgar.
"Dyan? Dyan tayo sasakay???" Gulat ni Minerba.
"Yes ofcourse!!!" yabang ko.
Nagpaalam ako sa maga magulang ni Minerba habang nakasakay sa saytgar. Tila napapangiwi sila sa akin. Ang hindi ko lang matiyak kung bakit??? Teka bakit nga ba???
Tumigil ang sasakyan.
"Sir dito napo tayo sa restaurant." wika ni mokong
" Sige! sige!" sabi ko.
Tanakpan ko ang mata ni Minerba at Tinulungan ko siyang bumaba. Medyo nahihirapan pa siyang bumaba dahil narin sa suot niyang magarbong gown. Mahigit 30 minutes din bago pa siya makalabas. Kailangan pa namin ng tulong ng sampung katao. ha ha!
"Ang tagal naman!" Reklamo ni Minerba.
"Malapit na." sabi ko. "Okey yan na!" kaya naman tinanggal ko na ang kamay ko sa mata niya.
"Ito nayon!!!" sita niya.
"Of course yan na yon!"
Pumasok na kami sa Aling Kikay's Kanto Restaurant. Ang astig ng ambiance tabi ng ilog with matching mga batang naliligo. Ano to libreng live show??? ha ha!
"Aling kikay bigyan nyo po kami ng special nyo for today!" sabay kumpas ng kamay ko.
"Teka lang." sagot naman ni Aling kikay.
Makalipas ang isang taon este 10 minute lang eh dumating na ang aming pag kain. Ang mga ito ay nakatakip pa. Pag lapag nito sa aming lamesa ay unti unti itong binuksan ni aling Kikay.
"Presenting!" pag yayabang pa niya.
Tatlong pirasong Kwek kwek with Hot sauce
Piniritong dilis
Sweet and sour na pwet ng manok.
At may free pang sabaw na mata ng baka.
"Enjoy!!!" sabi ni aling Kikay sabay alis.
Nag simula na kaming kumain. Okey naman so far ang lasa. Mas favorite choice ko dito yung pwet ng manok. Yummy!!! Samantalang si Minerba naman ay todo tilamsik ng laway habang kumakain kami. Ano to umuulan???
X~X~X
Hinatid ko na si Minerba sa bahay nila. Pag dating namin ay nag aabang ang mga magulang niya.
"Tommy salamat ahhh!" wika ni Minerba na parang napapaiyak pa. habang tumatalsik pa ang laway.
"Welcome!" sagot ko.
Sabay pasok niya sa loob. Naglakas akong tanungin ang mga magulang ni Minerba tungkol sa kung ano talaga ang sakit nito.
"Mr and Mrs. Gaspar. Ano po ba ang sakit ni Minerba?" malumanay kong tanong.
"Yun ba iho. Sinipon lang siya." walang kagatul gatil na sabi nito.
"Hooo! wla pong taning ang buhay niya?" Tanong ko ulit.
"Nako wala iho!!!" nakangiti pa nitong sabi. "Sige maiwan nanamin kayo at marami palang salamat dahil pinasaya niyo ang anak namin." sabay pasok.
Napatulala kami ni Arthur sa labas ng pintuan nila Minerba. Parang gusto kong sumigaw at sabihing.
Ibalik niyo ang tatlong oras ng buhay ko!!!!!