Dream no.8

835 Words
°.¸¸.•´¯'» Dream 8: The Worst Date (Part 1) PAG PASOK KO SA UMAGA ay nakita kong may nag pupulong sa may harap ng black board.  "Dude" bati agad sa akin ni Mokong mukang alive na live ang loko. "Bakit?" bigla ko ng sabi. "Basta punta ka dun bilis" excited niyang sabi. Pag punta ko sa harapan ay nakita ko si Anthony. ( Nagbibida bidahan nanaman) May hawak hawak siyang notebook na kulay pink ito at may nakasulat na my inner secrets. Wow ah! parang libro lang ng mangkukulam ha ha! "Sa umagang ito ay maririnig niyo ang bawat mensahe na nasa librong ito!" sigaw ni Anthony. Tinaas niya ang libro at sinabi. "Lets begin." Agad niyang binuklat ang uang pahina.  Dear Diary, April 9: Nakita ko nanaman ang crush ko. I love him so much much!.  Lalo na pag nakakatulog siya sa klase ang cute cute niya kamuka niya ang tuta namin sa bahay!  Nagtawanan ang lahat... pati ako napatawa ha ha! biruin niyo yun kinompare pa siya sa aso. Kaawa awang nilalang. Ang lahat ng mga kakalase ko ay naging wild. More more more paulit ulit nilang sabi. Ano to jungle??? pati si mokong nakikisali. tumitingin tingin pa akin habang mayabang niyang sinasabi na more more more! "Ok! ok ok! sabi ni Anthony." kaya nman muli itong nagbasa. April 10: Nakita ko nanaman si crush ang sarap talagang pumasok sa school. sayang lang dapat mag ki kiss kami nag kabulutong lang ako. ako na sana ang prinsesa sa play. Napatahimik ang lahat, parang naputulan ng dila ang bawat isa. OMG! nasabi ko habang parang alam ko na kung kaninong diary yun!!! Anak ng tupa! Biglang lumabas sa crowd si Minerba. Agad niyang nilabas ang maliliit niyang braso at sinabing. "Akin na ang diary ko" Putcha confirmed kay Minerba nga! At I have no idea na cruch niya paal ako. At isa sa mga pinapangarap niya ay ang halik ko. A.K.A My precious kiss. Hindi nagsigalawan ang lahat parang ang lahat ay nabigla. nakooo! nakakahiya kay nikka my loves! Hanggang dumating si Maam Ancheta at ang lahat ay nagpuntahan sa kanilang kinauupuan. "Minerba" agad tawag nito. "Sumama ka sa akin sa faculty room" utos ni Maam. Agad na kinuha ni Minerba ang kanyang bag at agad na sumama kay Miss. pero di parin ako maka get over sa pag kakahiya ko kanina. Assaaarrrr! X~X~X Kinabukasan. Hindi pumasok si Minerba. Hindi man kami close pero nag aalala parin ako.  Ano kaya ang problema niya? Bakit kaya siya tinawag kahapon? Ako na ang may concern. "Class hindi muna makakapasok si Minerba for private purposes." wika ni Maam habang malungkot ang muka. Parang semana santa. Nang nasa canteen kami ni Mokong bigla naming napag kwentuhan si Minerba. "Dude for sure liligaya ka kay Minerba if naging kayo" wika niya habang umiinom ng ice coffee. "Gusto mong maligo ng wala sa oras?" sabi ko na sobrang nakangiti. "Sus! joke lang po" sabay baba ng baso. Sa may likod namin ay may nag chichismisan. Medyo malakas ang boses nila kaya naman narinig namin. Girl 1: Oy nabalitaan nyo nba ang nangyari kay Minerba? Girl 2: Sino yung nasa section Avocado? Girl 1: Tumpak!!! Girl 3: O bakit naman! Girl 1: May taning na daw ang buhay niya. Nadura ko ang iniinom kong tubig. sa narinig ko. Langya di biro yun ahhhh! Kumalat na ang chismis sa buong school. Pero mas maigi paring i confirm. Kaya naman nag punta ako kay Ma'am Ancheta for clarification. Wow english! "Ma'am. totoo po ba ang chismis?" tanong ko sa mahinang boses.  hindi sumasagot si Ma;am nakatalikod lang sakin. Hanggang nagsimula siyang humikbi hikbi parang hinahabol ng hininga. "Oo tama ang mga narinig mo' sabay gagulgol ni Ma'am halos masayaran pa niya ng uhog niya ang malinis na uniform ko. Ewwww! Bigla akong naawa kay Minerba nag eemo ako sa may tambayan namin. parang yung mga napapanood ninyo sa mga teleserye. Ng biglang dumating si Nikka. Tinabihan niya ako. "Alam mo nung namatay yung lola ko. Nalungkot ako ng sobra kasi hindi ko manlang siya nakita. Hindi ko manlang siya ulit nayakap for the last time." wika niya. Hindi lang ako kumikibo. Kahit na nag sasalita siya ay gulong g**o parin ang isipan ko. Hanggang bigla ulit siyang nagsalita.  "kailangan mong pasayahin si Minerba Tommy. Kung hindi mo kaya? Isipin mo nalang na ito ay para sa akin." sabay patak ng luha ni Nikka. "Wag ka nang umiyak my loves este Nikka" sabi ko. sabay punas ko sa mga luha niya. X~X~X Kinabukasan humingi ako ng tulong kay Mokong nag arkila kami ng suit, todo gel at ang kintab ng black kong sapatos. Si mokong naman todo support sa akin. "Dude ang gwapo mo san ba lamay este lakad natin?" sabi niya habang pinapagpag ang likod ko. "Dyan lang magpapakamatay este sa date" pagkasamid ko. "kanino kay Nikka?" wika ni Mokong. "Hindi" tipid kong sagot. "Eh kanino nga?" ulit na tanong niya. "Kay M-m-m-inerba!" bulong ko. "ANOOO!" nasabi ni Mokong sa pag ka bigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD