CHAPTER 08 “Sha, bakit ka umiiyak?” tanong sa ‘kin ni Yaya habang sinusundan ako palabas ng bahay. Nakasalubong niya kasi ako kaya sinusundan niya ‘ko ngayon. Pinalis ko ang luha at tuloy-tuloy pa rin na naglakad palabas. “Ano ba’ng nangyari?” I stopped walking and face Yaya, hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Kahit anong punas ko ay agad na may pumapalit na panibagong patak. “W-wala po.” Umiling ako sa kanya, as if naman mapapaniwala ko si Yaya sa sinabi kong ‘yon. “Wala? Eh, umiiyak ka, eh.” Lumapit siya sa ‘kin at niyakap ako. “Ano ka ba namang bata ka!” aniya. Dahil sa yakap ni Yaya ay mas lalo lang akong napahagulhol ng iyak. Ito ‘yung kailangan ko kanina pa, eh! Isang mainit na yakap mula sa taong nagmamahal sa ‘kin. Mabuti na lang at nandito si Yaya upang iparamdam sa ‘kin

