CHAPTER 07
“Sha!” Sabay na napatingin sa ‘kin sina Mommy at Daddy. Horror are on their faces when they saw me standing. “A-anak,” natataranta na ani Mommy. Gulat at kaba naman ang nakabakas sa ‘king mukha. I looked at my Dad and I saw him sighed, he pulled his hair pagkatapos ay umiwas siya ng tingin sa ‘kin. “K-kanina ka pa ba d’yan, Sha?” Mom went out in her room. Agad niya ‘kong hinawakan.
“A-anong ibig sabihin ng narinig ko?” lito kong ani. Fix marriage? Ano’ng fix marriage? Pakiramdam ko bigla ay ako ang pinaka bobong tao sa mundo.
“Sha, let me explain. A-ano, let’s not talk this way.” My mother cried, hinawakan niya ‘ko sa magkabila kong braso. Umiling siya sa ‘kin nang umatras ako. Inilingan ko rin siya.
“No, explain to me! Ano ‘yung narinig ko? Ano’ng fix marriage ang pinagsasabi n’yo?” Hindi ko na napigilan ang maluha. Kanina pa ‘ko pagod na pagod kaiiyak, I just had my breakdown at ang inaasahan ko rito ay pahinga at comfort tapos ito? Ito ang maabutan ko?
“Let’s talk this over the dinner, Sha,” pilit niya sa ‘kin. Gusto kong mainis, sumigaw, magalit. Ewan! Nagkahalo-halo na ang emosyon sa isip ko. Parang gusto ko na lang pumatay ng tao sa galit ko.
“No! Ngayon n’yo sabihin sa ‘kin ang lahat!” pwersa ko. Pilit na ‘kong hinahawakan ni Mommy, panay naman ang piglas ko.
“Calm down, Sha please?” pakiusap sa ‘kin ni Mommy.
“B-bakit, ano na naman ‘tong naiisip n’yo?”
“Let’s talk about this after dinner,” my father said with authority before walking out. Napapikit na lang ako ng mata. My mother hugged me but I felt numb.
“Sha, pakinggan mo muna kami, okay?” aniya. Napailing na lang ako, tila nawalan na ‘ko ng lakas na makipagtalo sa kanila.
Pakiramdam ko ay para akong robot habang kumakain. Wala akong gana pero pilit kong nilulunok ang pagkain na nasa plato ko. I’m really numbed at this time. This is not what I expected.
“About what you heard,” Dad opened up the topic. Tapos na kaming kumain lahat at pilit ko na lang tinitiis na manatili sa upuan na ito.
Sa ilalim ng mesa ay naikuyom ko na lang ang kamao. Kulang na lang ay masugatan ko na ang kamay ko gamit ang kuko dahil sa higpit ng pagkakakuyom ko.
“Malinaw sa ‘kin ang narinig ko kaya ipaliwanag n’yo nang maayos,” ani ko. Hindi ko mapigilang samaan sila ng tingin. Kahit anong pigil ko sa sarili ko ay naiiyak pa rin ako. Isang beses kong pinalis ang butil ng luha na tumulo sa ‘king mata.
“Sha, don’t disrespect your father,” ani Mommy sa ‘kin.
“Disrespect? Really? You have that concept in your life now after making a decision in my life? Fix marriage huh?”
“Shayerah!” galit na sigaw ni Daddy. I shut my mouth, kahit galit ako ngayon ay may takot pa rin ako kay Daddy.
“You heard it right, fix marriage,” ani Daddy pagkatapos ng mahabang katahimikan. Muli kong naikuyom ang kamao. I shut my eyes tightly.
“Shayerah please listen to your dad,” ani Mommy. Matamaan ko naman siyang tiningnan. Hindi ko alam kung gugustuhin kong makinig sa kanila ngayon. Parang gusto ko na lang tumakbo at magpakalayo-layo.
“This is the right time for you to help me in our company, Sha. Tama na ang paglalaro mo sa industriyang pinili mo. This fix marriage will strengthen our company. This will have a big impact lalo na’t medyo tagilid din tayo ngayon. We need investors and this fix marriage will solve our problem. This will save us, this will save you.” Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi ni Daddy. I respect him so much pero nabobobohan ako sa rason niya ngayon.
At ano’ng paglalaro ang pinagsasabi niya? All this years ‘yon lang ang tingin niya sa ginagawa ko? That I am just playing? Pangarap ko ang pinag-uusapan dito, pangarap ko ‘yon!
Alam ko namang ako lang ang inaasahan ni Daddy sa company. Nag-iisang anak lang ako pero aaminin kong wala akong interes doon. Kaya kahit alam kong malaki ang pagtutol nila sa pangarap ko, malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil ibinigay nila ang suporta na kailangan ko. Lalo na pagdating sa pinansyal.
Kahit na palagi kong kailangan na patunayan ang sarili ko sa kanila, malaki pa rin ang pagpapasalamat ko. Hindi ko nga lang inaasahan na ganito kalaki ang magiging kabayaran ng supportang iyon sa ‘kin. Hindi ko alam na ganito kalaki ang paniningil na kanilang hihingin.
“Alam n’yo ba kung gaano kabigat ang hinihingi n’yo sa ‘kin, Dad? Alam n’yo ba kung paano niyo ‘ko nasasaktan ngayon?” Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang sinasabi ang mga katagang ‘yon. Pakiramdam ko ay dahan-dahan na dinudurog ang puso ko sa sakit. “Alam n‘yo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon?” umiiyak kong ani. Pakiramdam ko ay ay may malaking bukol sa ‘king lalamunan. Marami pa ‘kong gustong sabihin ngunit hindi ko na maisatinig.
“I already expected that from you Sha, but I want you to understand that this is important for us!”
Kumunot ang noo ko, “Important? Ako po ba hindi importante sa inyo? Hindi n’yo ba naisip na parang binibinta n’yo ang nag-iisa n’yong anak?” Napapikit nang mariin si Mommy. May luha na ring lumandas sa kanyang pisngi. “Fix marriage? My gosh! Twenty-firdt century na ngayon, hindi na po uso ang gan’yan. Siguro nasobrahan lang kayo kapapanood ng kung ano-ano sa TV kaya pati ako naisipan n’yong—”
“This is not a joke Sha,” putol sa ‘kin ni Daddy. I pulled my hair in frustration, pakiramdam ko ay ito ang ikakabaliw ko. “I guess we’ve done enough, pinalaya ka namin noong sinabi mong gusto mong mag-isa, we supported you on your career, give you anything you needed. Siguro naman sapat na ang mga ‘yon para paluguran mo kami? Hindi lang ‘to mahirap para sa ‘yo, sa ‘min din ng mommy mo.”
“Kailangan po ba pagbayaran ko ‘yon sa inyo?” nasasaktan kong ani.
Kita ko ang pait sa mga mata ni Daddy ngunit madali niya iyong naitago sa ‘kin, siguro nga ay sa kanya ako nagmana sa galing umarte.
“Isa pa, fix marriage don’t work. Impossible po ang hinihingi niyo sa ‘kin.”
“Your Mom and I are a product of fix marriage, but it worked, Sha!” pakunswelo ni Daddy. Siguro nga ay sarado na ang isipan nila at hindi ko iyon mababago ngayon.
Mabuti na lang at nakakuha ako ng lakas upang tumayo. Pakiramdam ko kasi kapag nanatili pa ‘ko rito ay mamamatay ako, nakakasakal mapalibutan ng mga taong ayaw makinig sa mga paliwanag at hinaing mo.
“I’m sorry Mom, I’m sorry Dad. But I can’t do that,” I said with a heavy heart before walking out.