CHAPTER 06

2679 Words
CHAPTER 06 “Bye, Kiera! Thanks for today,” I said to her while waving. She sweetly smiled at me and waved her hand too. “Thank you rin, sa uulitin!” aniya bago pinaandar ang sasakyan. Isang beses pa siyang kumaway sa ‘kin bago tuluyang umalis. I held the cute bracelet on my wrist. Hindi yata ako magsasawa na tingnan ‘to. I smiled a little before walking to the elevator. Lagi namang tahimik ang basement pero mas kakaiba ang katahimikan ngayon. I shrugged my shoulders. Tinatakot ko na naman ang sarili ko. Napatigil ako sa paglalakad nang bigla akong makatanggap ng sunod-sunod na mga messages. Kinuha ko ang cellphone sa bag at nakitang text message iyon ni Mommy at isang unknown number na pamilyar sa ‘kin. I read my mom’s text message, she’s inviting me to dinner at home tomorrow night. Saglit akong nag-isip doon, hindi naman yata busy ang schedule ko. Saka isa pa, matagal-tagal na rin akong hindi nakakauwi ng bahay. Siguro ay e-tsi-check ko muna ang schedule ko bago mag-reply kay Mommy. Sunod ko namang binasa ay ang text message na mula sa isang unknown number. It’s another creepy text message. Napailing ako roon, bahagya pang nanindig ang balahibo ko. From: 09*** A dim star will never shine. You’ll die. Napatingin ako sa paligid, tahimik ang basement at wala ng ibang tao bukod sa ‘kin. Sa takot ko ay nagmamadali akong naglakad papunta sa elevator. Nang makarating ay agad ko itong sinirado at pinindot ang floor kung nasaan ang unit ko. It’s really creepy but I felt like someone is watching or stalking me from afar. And this is not the first time that I felt it. Nakakatakot, it bothered me for real. Parte na ‘to ng buhay sa industriya ng showbiz, may mga ganoon talagang klase ng tao, pero nakakatakot pa rin. Huminga ako nang malalim at pilit na kinakalma ang sarili. I kept thinking that I’m safe in this small space of elevator. I opened my phone and blocked the number. Naghanap din ako sa phone book ko kung sino ang pwede kong tawagan para maging abala ako. I saw Sheryl’s number, siya na lang ang tinawagan ko. Itinanong ko sa kanya ang schedule ko para bukas. She said that I’m having a photoshoot tomorrow for a skin care product. Aniya ay umaga iyon, wala na ‘kong ibang schedule sa gabi at hapon. Agad naman akong nakahinga ng malalim nang makapasok na ‘ko sa unit ko. This is really my safe space. Kinabukasan ay maaga akong nagising. I did my usual morning routines bago nagpalit ng sports bra at leggings. Dahil sa nangyari kagabi ay pinili ko munang sa unit ko na lang mag-work out. I just did easy routines bago ko napiling mag-yoga. It helps me to calm myself lalo na’t nae-stress na naman ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Pagkatapos mag-exercise ay nagluto na ‘ko ng pagkain para sa sarili ko. Sheryl is updating me about the shoot details. Sa studio lang naman ‘yon sa loob ng station kaya malapit lang. Pagkatapos kumain ay agad na ‘kong nag-ayos ng gamit. Nagsuot lang ako ng simpleng white maong shorts at white hoodie. Magpapalit din naman ako roon kaya ganito na lang ang pinili kong suotin. Pagdating sa studio ay abala na ang lahat, mas maaga ako sa call time kaya mahaba ang oras ko para mag-prepare. “Dito po,” may isang staff ang gumiya sa ‘kin papunta sa isang bleacher. Nakahanda na roon ang team na mag-aayos sa ‘kin. Meron na ring helira ng mga damit na susuotin ko roon. “Ayusan ka na po ba namin?” tanong sa ‘kin ng make-up artist pag-upo ko sa assigned chair na para sa ‘kin. I smiled at her, “sige po,” I said. Agad na nilang sinimulan ang pag-aayos sa ‘kin. The make-up artist and hair stylist are busy doing their work habang ako naman ay nakapikit lang at nire-relax ang sarili. “Alam mo ba? Narinig kong may bago na namang project si Ms. Liliene, grabe talaga.” Rinig kong usapan ng mga staff na nasa paligid ko. “Sinabi mo pa! Ang galing din kasi niyang umarte, eh.” “Nako tama ka r’yan. Kaya nga idol na idol ko ‘yon, eh. Aabangan ko kung ano man ang project niya.” “Oo nga, mabait din saka down to earth.” Tahimik akong napangiti sa pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nasabi na hinahangaan ko talaga si Ms. Liliene. Mabait talaga siya gaya ng sabi nila, noong nakatrabo ko nga siya ay siya pa ang unang nag-approach sa ‘kin. Sobrang bait niya sa ‘kin sa set, sa tuwing ka-eksina ko siya at nagkakamali ako ay lagi niyang sinasabi na ayos lang. Sa totoo lang ay may parte sa ‘kin ang naiinggit sa kanya. Parang nasa kanya na kasi ang lahat, ganun pa man. . . isa ako sa mga pumapalakpak sa kanya sa tuwing nakakakuha siya ng mga achievements sa buhay. Hindi naman nagtagal ang shoot, photogenic ako pagdating sa camera at nakuha ko agad ang gustong mangyari ng photographer. He wanted it to be angelic and innocent. Natural na sa ‘kin ‘yon kaya hindi ako nahirapan. Masaya rin katrabo ang mga staffs dahil mababait silang lahat. Katatapos ko lang magbihis ng natanggap ko ang text message ni Manager Rye. Aniya ay puntahan ko raw siya sa opisina niya rito sa istasyon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya, sana lang ay hindi na niya e-open up ulit ang tungkol sa project na ‘yon. Sinabi ko kay Sheryl na pupunta muna ako sa office ni Manager Rye. Tumango lang naman siya, siguro ay alam na rin naman niya. “Magandang araw po,” bati sa ‘kin ng isang staff habang naglalakad ako sa lobby papuntang elevator. I smiled at her and greeted her the same way. Pagpasok ko sa elevator ay may limang tao ang nakasakay roon. Ang iba sa kanila ay nagulat, ang iba naman ay nasanay na sa mga artistang nakakasalamuha nila rito. “Hi po, Ms. Kazz. Ang ganda n’yo po pala sa personal.” Nahihiya akong ngumiti sa papuri ng isa sa ‘kin. I suddenly felt like there’s a butterfly on my stomach. “Thank you,” I said. All of them agreed and they started talking about me. Puro positive naman iyon kaya nakakatuwa. “Pwede pong magpa-picture?” tanong ng isa. “Sure, sure,” I smiled. Lumapit ako sa kanila at ngumiti sa camera. “Maraming salamat po.” Parang kinilig pa ‘yong lalaking impleyado sa ‘kin kaya bahagya akong natawa. Nauna akong bumaba sa kanila kaya nagpaalam sila sa ‘kin. Nang marating ko ang room ni Manager Rye ay agad akong kumatok bago pumasok. Saglit siyang tumingin sa ‘kin, sa mesa niya ay puno ng mga papeles. Mukhang abala siya kababasa ng mga ‘yon. “Kazz, have a seat,” aniya. Tumango ako at umupo sa upuan na nasa harap ng table niya. Simple lang ang office ni Manager Rye rito. It’s a plain white wall, a desk with two chairs in front of it. A sofa set with a black mini glass table in the center. May maliit din na ornamental plant sa loob, at isang puting cabinet nanam sa likuran niya. “So, bakit mo ‘ko pinatawag?” tanong ko. Nagsusungit kunwari. He gave me a look as if alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Sabi ko na nga ba, eh. I sighed, binigyan ko siya ng natatawang tingin. “Manager Rye—” “Oo na, alam ko na ang sasabihin mo,” putol niya sa ‘kin. “Na hindi ka papayag dahil ayaw mong nakakasakit ng tao. Pero Kazz, ayaw mo ba talaga e-consider ang factor na ‘to? S-some actresses knew about this project and they are very eager to do it.” “Then give it to them then,” I said easily na para bang hindi ako natatakam sa mga projects. Manager Rye sighed. “Bagay ka talaga sa role na ‘yon, eh. You don’t have to act to much because the role of Shahana Montez suits you perfectly.” Ang boses niya ay puno ng pangungunsensya sa ‘kin. What? I don’t have to act too much? Eh, buong pagpapanggap ang gagawin sa project na ‘yon. “Manager Rye, hanapan n’yo na lang po ako ng bagong project. Huwag lang po ‘yan. Alam mo naman po na—” “So, it’s you?” Pareho kaming napabaling ni Manager Rye sa pinto nang biglang pumasok si Ms. Liliene. Oh, I forgot to mention na manager niya rin pala si Manager Rye. “Ms. Liliene,” nakangiti kong bati sa kanya. I missed her, lalo na sa shoot. Lalapit sana ako upang makipag beso kaya lang napatigil ako nang bigla siyang umtras. Umawang ang labi ko nang bigla niya kong isnobin. Naglakad siya palapit sa mesa ni Manager Rye, napatalon na lang ako sa gulat nang bigla niyang inihampas ang palad niya sa mesa. “I can’t believe it Manager Rye. Ayaw mong ibigay sa ‘kin ang project kasi sabi mo, someone deserves it better than me. And that better is her?” Tumaas ang kanyang boses ng ituro niya ‘ko. Pakiramdam ko ay nanliit ako nang tingnan niya ‘ko mula ulo hanggang paa. I felt so insulted. Nagulat ako ako kay Ms. Liliene, this is the first time I saw her like this. “Liliene calm down,” Manager Rye said. He looked at me apologetically. “No! I deserved it more than her! I’m more capable than her, mas marami akong fans sa kanya, mas sikat ako sa kanya, mas magaling ako sa kanya!” Napansinghap na lang ako sa mga sinabi niyang ‘yon. I can’t believe it! “Kaya nga bagay kay Kazz ang role, because she’s not that famous. Hindi siya madaling makikilala.” And that stabbed me for the nth time. I can’t believe Manager Rye said that. “Kahit na! Her acting skills suck, hindi siya magaling na artista!” Isang Liliene Fuentevilar, hinahangaan at tinitingala ng lahat. . . pero heto siya ngayon. Sumisigaw sa harap ko while degrading someone. And that someone is me! Pakiramdam ko ay tinusok ako ng napakaraming kutsilyo sa likod. My heart bleed and I felt like I’m going to shatter. Hindi ko akalaing maririnig ko ang mga salitang ‘yan ngayon mula pa sa taong hinahangaan ko. “Liliene!” bulyaw sa kanya ni Manager Rye. Hindi ko na napigilan pa ang sunod-sunod na alpasan ng mga luha ko. Tumingin sa ‘kin si Manager Rye, napaawang na lang ang labi niya nang makitang sunod-sunod na ang tulo ng luha sa ‘king mga mata. “Kazz, listen to me—” Umiling ako at agad na umtras. I wiped my tears before running on that room. Ang ibang mga empleyado ay nakatingin agad sa ‘kin paglabas ko ng pinto. I think they heard the shoutings. Kita ko ang gulat at pagtataka sa mga mata nila. Nagmamadali naman akong tumakbo. Mabuti na lang ay mag-isa ako sa elevator, kahit ano kasing punas ko sa luha ko ay ayaw pa rin nitong magpapigil. Hindi ako makahinga ng maayos, I felt defeated kahit na hindi naman dapat. I pity myself so much. I can’t believe that someone like her sees me this way. Sa isang iglap ay bigla kong nakalimotan na tinitingala ko siya. She can have it all! The fame, the skills, the fans, and opportunities! She can have it all and I care not. I just can’t believe that she has to degrade someone just to get what she wants. Kailangan ba talagang gano’n? Kailangan niya ba talagang sabihin ‘yon sa mukha ko? Hindi ko alam kung ano ang mas mabuti, ang malaman na nagpapanggap lang siya sa harap ng maraming tao just to have the image she have today o sana hindi ko na lang narinig ang sinabi niya sa ‘kin. Because it hurts like hell! Para ano pa’t at naging artista ako? Kahit parang pinapatay na ang puso ko sa narinig. Pinilit ko ang sariling umayos. I wiped my tears and forced myself not to shed a single tear. When the elevator door opened, I walked as if nothing happened. Pilit kong itinataas ang noo, habang tinitingnan ng iba. I walk stoically as if my confidence wasn’t shattered earlier. I already texted Sheryl, naghihintay na sa ‘kin ang sasakyan ko sa labas. “Ayos lang sa ‘yo na mag-drive? I can drive you home,” Sheryl offered na agad kong inilingan. “I’m fine, you can go home na. Saka isa pa, dederitso na ‘ko sa bahay namin.” Sheryl smiled at me. Tipid naman akong ngumiti bago sumakay sa ‘king sasakyan. I stepped on the gas, pinaharurot ko iyon hanggang sa makalayo ako sa istasyon. Napunta ako sa kalsada na hindi gaano dinadaanan ng mga tao, I parked my car beside the street at doon. . . ibinihos ko ang lahat ng gusto kong iiyak. Ang boses ni Ms. Liliene at ang mga sinabi niya sa ‘kin kanina lang ay parang sirang plaka na bumabalik-balik sa utak ko. I remember all of her words clearly. That I am nothing compared to her, that I suck! Dang life! Hindi ko alam kung ilang oras akong naka-park doon at umiiyak. I felt so drained after breaking down at this hour. Pakiramdam ko ay paulit-ulit na binibiak ang puso ko sa sakit. I saw my Mom’s text message. Somehow it comforted me, it made me miss her so much. I want her comfort, I want her hugs and kisses. Pilit kong ibinangon ang sarili. Bago muling nag-drive. I stopped on a flower shop to buy some flowers for my mom. Mahilig kasi siya sa bulaklak. Umuwi muna ako sa unit ko para makapaghanda sa dinner. I needed to do extra make-up dahil namamaga ang mukha ko sa ginawang pag-iyak. Hinintay ko lang ang oras bago nagpasyang umalis dala ang pasalubong kong bulaklak para kay Mommy. Medyo may kalayuan ang byahe papunta sa subdivision ng bahay namin, pero ayos lang dahil maaga naman akong umalis. Sigurado akong magugulat si Mommy dahil maaga akong dumating kaysa sa inaasahan niya. Inaliw ko na lang ang sarili sa pagpapatugtog habang nasa byahe hanggang sa makarating ako sa bahay namin. Ilang buwan na ‘kong hindi nakakapunta rito pero wala gaanong ipinagbago ang bahay namin. I pushed the doorbell, mabuti na lang at si Yaya ang nagbukas ng pinto para sa ‘kin, mabuti ‘yon para ma-surprise ko si Mommy. Nagulat pa si Yaya nang makita ako, sa excitement niya ay nayakap niya ‘ko. “Shayerah! Nako, mabuti naman at nakauwi ka na! Matagal ka ng hinihintay ni Ma’am Samantha,” naiiyak na aniya. Niyakap ko naman siya pabalik. “Huwag n’yo pong sabihin kay Mommy na dumating na ‘ko, I’ll surprise her.” Tumango naman si Yaya sa ‘kin. Nagpatulong muna ako sa kanya sa pagbukas ng gate para ma-i-park ko na na ang kotse ko. “Nasa taas pa po sina Ma'am at Sir,” ani Yaya nang makapasok na ‘ko. Tumango naman ako sa kanya at nakangiting umakyat. Dumeritso ako sa room nila Mommy, napangiti ako nang marinig na nag-uusap sila ni Daddy. Bukas ang pinto kaya rinig ko ang mga boses nila. I’m about to show myself but I suddenly heard my name. “Papayag kaya si Sha, sa fix marriage? She love her showbiz career so much, Amulek.” I heard my Mom’s voice. “This is for her own good, Samy. . . Wala ng patutunguhan ang career niya sa showbiz.” For the nth time today, my heart dropped. Kasabay nun ang pagkahulog sa sahig ng dala-dala kong bulaklak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD