CHAPTER 05

3235 Words
CHAPTER 05 It’s not the first time na nakatanggap ako ng ganoong klaseng text messages. And it always bothered me. Hindi ko kilala ang taong ito at hindi ko alam kung ano ang mga kakayahan niya. Giving me these creepy text messages creeped me to death. It already gives me harm, paano na lang kaya kung may gawin na siya sa ‘kin sa personal. I don’t know the capability of this person. It’s always that kind of feeling whenever I’m experiencing this. Maraming mga tanong ang nabubuo sa isip ko gaya ng, paano niya nalaman ang number ko? Saan niya nakuha? Gaano niya ‘ko kakilala? At ano ang pakay niya sa ‘kin. I sighed everything and immediately deleted the text message. I checked my car’s door before walking on the elevator. Sa takot ko ay kulang na lang takbuhin ko ang elevator at paliparin ito papunta sa ‘king unit. Pabagsak kong hinulog ang sarili sa kama nang makarating sa unit ko. I’m exhausted for today kahit hindi naman ganun ka extra ang mga ginawa ko. Siguro ay napagod ang utak ko kaka-imagine sa project na in-offer nila sa ‘kin. Now that I’m alone, dahan-dahan nang nagsi-sink in sa ‘kin ang project na ‘yon. Kanina kasi ay parang ayaw tanggapin ng utak ko. That project is too good to be true! It’s actually brilliant, a reality show na kung saan magpapanggap ang isang babae na bago siya sa invironment na iyon. It’s exciting to know how people will approach her lalo na’t nerd siya at medyo weird nga naman ang makakita ng literal na nerd sa panahon ngayon. I mean, the nerd with braces, long skirts, long hair, eyeglasses, and weird fashion style— ‘yung katulad sa libro? This project is reality slap, wala ng ganun sa mundo. Ang mga nangyayari sa libro, mananatili na lang sa libro kasi hindi ganoon ang realidad. Pero paano kung meron? Masasagot ‘yon sa project na ito. Paano kung totoo pa rin pala ang fairytale? Ang mga cliche plots sa libro, movies, at mga teleserye? Paano kung nangyayari rin pala iyon sa totoong buhay? Aside from that point of view, this project also talks about bullying which is a really relevant topic to talk about. Pero totoo kaya ‘yon? ‘Yung mga napapanood ko sa movies? ‘Yung isang estudyante na pinagtutulungan ng lahat? Tinatapunan ng kung ano-ano, nila-lock sa C.R, dinidikatan ng bubble gum sa buhok, o ‘di kaya ay nilalagyan ng pula ‘yung palda. Totoo kaya ang mga ganun? Sometimes kasi, movies are exaggerating things just to make it more painful for the character. Ewan ko, siguro nga nangyayari ‘yon. Wala naman akong masyadong alam kasi hindi ko pa nasubukang pumasok sa campus. I’ve been homeschooled since high school. And by the way, nabanggit nila na sa Harrison University ang magiging setting ng project na ‘yon. What a coincidence na roon din ako nag-aaral. Home schooling nga lang. Halos hindi ako makatulog kaiisip sa project na ‘yon. No matter how brilliant it is, it’s still foolishness and too good to be true. Paano naman nila magagawa ang lahat ng ‘yon? It’s kinda impossible for me to imagine. Pag-gising ko kinabukasan, text message ni Manager Rye ang bumungad sa ‘kin. He said he wanted to meet me. Agad naman akong nag-reply para sabihin ang pagpayag ko. I know what are we going to talk about. It’s the project and I know what he’s going to do. Nagsuot lang ako ng simpleng peach floral dress. I tied my heart into a half ponytail and I just wore a black two inch heels to match everything. Maaga akong dumating sa meeting place namin pero hindi ko inaasahan na mas maaga si Manager Rye. Nauna pa siya sa ‘kin. “Kazz!” aniya nang makita niya ‘kong palapit sa kanya. He’s smiling ear to ear at me. Halatang may gustong ipakiusap sa ‘kin. “Good morning po,” ani ko sabay halik sa kanyang pisngi. “Fresh as always, upo ka.” Iminuwestra niya sa ‘kin ang katapat niyang upuan. Pag-upo ko ay saka siya tumawag ng waiter. Nasa isang mamahaling restaurant kami ngayon, pero dahil maaga pa. . . wala pang masyadong tao. “Nakatulog ka ba ng maayos? How are you?” tanong niya ulit sa ‘kin pagkatapos niyang um-order. Halos lahat ng in-order niya ay mga paborito kong pagkain. Napahawak na lang ako sa ‘king leeg. “I’m fine Manager Rye, pero aaminin kong hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.” Tipid siyang ngumiti sa ‘kin. Manager Rye is a famous gay comedian who works in the industry for almost twenty-five years now. At dahil mahal niya rin ang industriya ng showbiz. Napili niyang e-align na lang dito ang investment. Isa siya sa mga may-ari ng agency na pinapasokan ko ngayon. My Dad hired him for me, hindi lang ako ang artista na hina-handle niya kaya hindi talaga siya tutok sa ‘kin at hindi ko siya laging kasama. I have my assistant for that. “I understand your reaction Kazz, maging ako man noong una kong narinig ang project na ‘yon ay nagulat din ako. But l realized that this is really a big shot! Aabangan ‘to nang marami. At naisip din kita para sa project na ito, ito na ang matagal mong hinihintay. Ang maging bida.” Malungkot akong umiling kay Manager Rye. Kita ko ang disappointment sa mga mata niya dahil sa ginawa kong iyon. “I’m sorry po, pero hindi na talaga magbabago ang isip ko.” “Kazz, para mo na ring tinapon ang grasya na hinahain sa ‘yo ng pagkakataon.” Nalungkot ako roon. Ganito ba talaga ‘yon? Yes, I’ve been waiting for the perfect opportunity to arrive pero bakit kailangan ganito? Pwede namang normal na project lang, ah? Mas tatanggapin ko pa ang maging supporting actress kaysa rito. “Manager Rye, kilala mo ‘ko. Alam mo kung gaano ko kaayaw ang manakit ng ibang tao para lang sa pansariling interes. Mali, eh. Ayaw kong sa pag-akyat ko, may dala akong konsensya sa maling nagawa ko. Simple lang po ang prinsipyo ko sa buhay. At alam ko pong alam mo kung ano iyon.” Pareho kaming natahimik pagkatapos kong sabihin iyon. Sa huli ay buntonghininga na lang ang naisagot ni Manager Rye. “You’re an angel Kazz. Don’t be offended pero mas bagay ka sa langit kaysa sa industriya ng showbiz.” I just laugh of what he said. Akala ko ay titigil na si Manager Rye pero hindi pa pala siya tapos. Habang kumakain kami ay paulit-ulit niyang binabanggit ang tungkol sa project. He’s very eager to make me said yes. Pero talagang hindi na magbabago ang isip ko. “What if that guy will not chase after you kapag nalaman niyang project lang ang lahat ng ‘yon? What if he’s a cool person?” ani ni Manager Rye. Tinawanan ko lang naman siya dahil kung ano-anong mga conclusion ang sinasabi niya para lang mapapayag ako. “What if walang magkagusto sa ‘kin doon?” balik ko sa what if niya. Sumimangot naman siya. “Ayaw mo bang ma-experience na pumasok sa campus? Gumising ng maaga, makipag-bardagulan sa teachers, at magkaroon ng mga kaibigan?” Napaisip ako sa sinabi niya. Syempre oo ang sagot ko roon. Pero may iba namang paraan kung gugustuhin ko talagang mag-focus sa pag-aaral. Kaya lang iba ang pangarap kong maging ngayon. Nasa bituin ang focus ko. Pagkatapos naming kumain ni Manager Rye ay malungkot siyang nagpaalam sa ‘kin kasi hindi niya pa rin ako napapayag. Umuwi muna ako ng condo unit at nagpalit ng simpleng pants, loose t-shirt, at sneakers. Nag-aya kasi si Kiera kaya lalabas kami. Nagdala na rin ako ng cap at eyeglasses para hindi ako makilala ng mga tao. Mabuti na lang nang matapos ako sa pag-aayos ay nag-text na si Kiera na nasa parking lot na siya. Agad na ‘kong bumaba para puntahan siya. Sasakyan niya ang gagamitin naming service kaya siya rin ang driver. “Naks, mysterious yarn?” aniya nang makasakay ako sa front seat. Natatawa niyang pinasadahan ang suot ko. “Tse!” Sinimangutan ko siya. “Hey guys! May kasama akong artista sa kotse ngayon! Hala, dumugin n’yo siya!” At nagsisisigaw pa talaga siya sa loob ng kotse niya na akala mo ay marami ang nakakarinig sa kanya. Minsan talaga ay may kakalogan itong si Kiera. “Oh, sige ba! Para makilala ng mga tao ‘tong kotse at plate number mo. Para lagi ka ng habulin kahit saan. Naks, sana all hinahabol,” ani ko sa kanya. Natatawa naman siyang umiling. “Saan tayo?” “Sa mall, na-miss ko na mag-shopping!” excited na aniya. “Talaga ba Kiera?” I gave her a doubtful stare na tinawanan niya lang naman. At dahil mahaba ang oras naming dalawa ngayon. Napagdesisyunan naming gawin ang usual bondings namin kapag nasa mall kami. Una naming ginawa ay ang manood ng sine, sakto namang “To The Moon But Never Back,” ang pinapanood namin. At walang ibang ginawa si Kiera kundi mang-bash sa bidang babae. That movie is supposedly to be mine, naibigay na nga sa ‘kin ang script. Kaso bigla akong kinansel dahil binigay nila sa iba ‘yung project. Kakapanalo lang kasi ng artista na ‘yon sa isang reality show at maganda raw ‘yung role and storyline para sa debut niya sa showbiz. Bagay din daw sa kanya ‘yung role. That was three years ago already but I still remember how I cried my eyes out after knowing na hindi na ako ang gaganap sa movie na ‘yan. Halos isumpa ko nga ang movie at hindi ko talaga pinanood dahil sobrang sakit sa dibdib. This is the first time that I‘m gonna watch it and with me is Kiera who’s bashing the leading lady. “Ang pangit ng acting niya! Ang OA umiyak, ah? Hindi ba nila ‘yan pinag-workshop?” “Pinag-workshop of course, I heard about it.” “Talaga? Ba’t ang panget umarte? No wonder hindi nag-blockbuster ang movie na ‘to. Siguro kung ikaw ang naging bida nito, hindi ‘to nalaos. Ang ganda kaya ng storyline, ang pangit naman nila pumili ng bida.” Hindi ko alam kung matatawa ba ‘ko kay Kiera o susuwayin siya. Halata namang pinapaburan niya lang ako, eh. Pagkatapos naming magsine ay saglit kaming nag-stroll sa paborito niyang brand. Wala naman siyang napili kaya dumeritso na lang kami sa isang Italian restaurant sa loob lang din ng mall. Sakto at nagugutom na rin ako at nagke-crave ako ng pasta. “Oh, anong bagong project natin?” aniya habang sumusubo ng pasta. Agad akong napatuwid ng upo sa tanong niya. I know that it’s confidential pero si Kiera naman ‘to, eh. And I trust her, alam ko namang wala siyang pagsasabihan na iba. “May bagong offer si Manager Rye sa ‘kin, leading lady ako.” I saw how her eyes got bigger. Sinadya kong doon simulan ang pagkukwento para ma-excite siya. Kagaya kung paano ako na-excite nang marinig ko iyon kay Manager Rye. “Talaga! Movie? Teleserye?” excited niyang tanong. Ngumisi naman ako para mas lalo pa siyang ma-excite. “Series, at gaganap ako bilang si Shahana Montez.” “Ang bongga, ah! Ano’ng genre? Sino pa ang makakasama mo?” At. . . kweninto ko nga sa kanya ang buong detalye ng project. Pati na rin kung paano ako tumanggi. Kagaya sa naging reaksyon ko, mukhang na-speechless si Kiera pagkatapos marinig ang kwento ko. Wala siyang masabi at parang hindi rin ma-absorb ng utak niya ang mga sinabi ko tungkol sa project na iyon. “Is that even real? Or jino-joke time mo lang ako? Alam mo, pwede ka na maging writer d’yan, ah! Bongga ‘yan.” Natawa ako sa kanya. “I’m not joking, Kiera! It’s true! Kanina nga ay nakipagkita sa ‘kin si Manager Rye para kumbinsihin akong pumayag.” This time ay mukhang naniwala na talaga siya sa ‘kin. “Just wow! Tama naman at may point ka sa desisyon mo, pero sayang din, ah. Many will be curious on that series. Kita mo naman kung paano inabangan at binaliw ‘yung mga tao sa kalye serye ng kabilang istasyon dahil sa pagiging unique.” Saglit akong natulala at napaisip sa sinabi ni Kiera. Everything is too good to be true. Hindi ko pa rin tatanggapin ang offer. “And for the next stop! Jewelry store,” excited na ani Kiera. Katatapos pa nga lang naming kumain pero heto na naman siya. Hindi talaga nauubusan ng energy ang babaeng ‘to. Buti na lang at kaibigan ko siya! “Oh, no! Don’t tell me you’re going to invest your money na naman?” Lagi niya kasing gawain ‘to, at kapag naubos ang pera niya. . . manghihingi lang siya sa daddy niya. What a brat! Mabuti na lang at magandang investment ang jewelries. “Hindi ‘no! Matagal ko na ‘tong gustong gawin kaya lang lagi kong nakakalimutan.” Marami pa siyang sinabi na tinawanan ko na lang hanggang sa mahila na niya ‘ko sa paborito niyang jewelry shop. Kilala na nga siya ng mga sales lady dahil sa dalas niya rito. “Nasaan ang mga couple bracelets n’yo?” aniya. Kita ko pa ang bahagyang pagkagulat ng mga staff nang makita nila ako. Tipid lang naman akong ngumiti. “Ah, t-this way Ma’am.” Sumunod kami ni Kiera sa isang staff. “Gusto kong bumili ng couple bracelet for us.” Magandang idea ‘yon kaya napatango ako. “What do you think?” Nakangisi na siya at nakataas ang kilay sa ‘kin. Tuwang-tuwa dahil nagustohan ko ang idea niya. “I want it.” I smiled at her. Sabay naming tiningnan ang mga bracelets na naroon. Lahat ay maganda at kumikinang. Sa huli ay napili namin iyong silver bracelet na may limang maliliit na crystals. Meron din siyang design na parang vine at nakapulupot sa mga crystals. It looks simple and elegant, bagay na bagay sa ‘ming dalawa. It’s quite expensive pero worth it naman. Pagkatapos sa jewelry shop ay napagpasyahan na naming umuwi. Nananakit na rin kasi ang mga paa ko kalilibot sa mall na ito. “Kapag nakahanap ako ng boyfriend at kapag binigyan niya ‘ko ng bracelet. Tatanggalin ko na ito.” aniya na ang tinutukoy ay ang bracelet niya sa kamay na kabibili pa lang namin. “Grabe ka, ah! Subukan mong gawin!” Sinamaan ko siya ng tingin bago nagpamaunang lumabas sa elevator. Nasa basement na kami ng mall. Natatawa naman siyang sumunod sa ‘kin. “Joke lang! As if naman makakahanap tayo ng jowa,” nakasimangot na aniya. “Friendship goal ‘yon!” Pareho kaming natawa ni Kiera sa sinabi ko. “Ah! Magnanakaw, tulong!” Sabay kaming napalingon ni Kiera sa likod namin nang marinig ang malakas na sigaw. Nanggalin iyon sa isang ale na kalalabas lang ng elevator. Ang magnanakaw naman ay tumatakbo na papunta sa deriction namin ni Kiera. Dala-dala niya ang bag na sigurado akong ninakaw niya. Sa gulat at takot ko ay hindi ko nagawang gumalaw sa ‘king kinatatayuan. Alam mo ‘yung pakiramdam na sa gulat mo ay ayaw ng gumalaw ng paa mo? ‘Yung parang na-stuck ka na lang katutulala kahit na dapat ay umiiwas ka. “Sha!” I heard Kiera’s shout. Nakatakbo na siya paglingon ko. I was about to run pero naabutan na ‘ko ng magnanakaw. We bumped into each other. At dahil malaki ang katawan niya agad akong nawalan ng balanse. Napapikit na lang ako habang inaasahan ang pagbagsak ng sarili sa semento. I expected my right shoulder to fell first but it didn’t happen. Instead, a warm arm envelope my waist. Naramdaman ko rin ang malambot na pagtama ng braso ko sa katawan ng kung sino. Pakiramdam ko ay bigla akong nawala sa mundo ng ilang segundo. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Naghalo-halo ang takot, gulat, at taranta sa sistema ko. I opened my eyes and the first thing I saw was someone’s dark hooded eyes. Malamig ang mga mata nito ngunit tila nangungusap sa ‘kin. “You okay?” tanong niya. His voice almost gave me chills. Napakurap-kurap ako bago na-realize kung ano ang nangyari. I didn’t fell because he’s right on time to catch me. “Y-yeah,” it was almost a whisper. “Sha! Are you okay?” Narinig ko ang papalapit na boses ni Kiera. Mabuti na lang at tinulungan ako ng lalaki na makaahon upang maayos ko ang tayo ko. Agad ko ring naibalik ang sarili sa tamang huwisyo. “Y-yeah, okay lang ako.” Napatingin ako sa paligid upang hanapin ang magnanakaw. Sa dulo ay nakita kong dinadakip na siya ng guards habang sinusubukan sipain ng ninakawan niya. I felt relieved. Agad ko namang binalik ang tingin sa lalaki. “Maraming salamat,” ani ko. Nang titigan ko ulit ang mga mata niya ay na-realize kong familiar siya sa ‘kin. It’s like I saw him before. “Welcome,” he said in a deep voice. Bahagya siyang tumango sa ‘min bago nagpamaunang umalis. “Infairness! Ang guwapo niya, ah! Knight in shining armor ang peg ni Kuya kanina!” tilhi ni Kiera habang nagmamaneho sa kanyang sasakyan. Ako naman ay nanatiling nakatulala, iniisip ko kung saan ko nga ba nakita ang lalaking ‘yon. Pamilyar talaga siya sa ‘kin, eh. “Pero, familiar siya, ah?” Napatingin ako kay Kiera, “Right! He’s really familiar. Artista ba siya? Model?” tanong ko. Iniisip kung saan ko nga ba siya nakita. “Hindi, I didn’t saw him on TV. Sa campus yata?” ani Kiera. Bahagya namang kumunot ang noo ko. My eyes widened when I finally remember where did I saw him. “Sa grocery store!” I shouted. Natawa ako sa sarili, yeah it’s him! Wow! Small world. “Huh? Ano’ng pinagsasabi mo?” litong tanong ni Kiera. Nakangisi naman akong umiling. “W-wala,” natatawa kong ani. “Anong wala? Nakangiti ka d’yan, eh!” Right, he’s the guy who helped me on the grocery store. Sa kanyang cart din ‘yung nabangga ko nang biglang may nagpa-picture sa ‘kin. “Hoy! ‘Yang ngiti mo Shayerah Kazz Lemuels halatang may something!” Kulang na lang ay sabunotan ako ni Kiera para may sabihin ako sa kanya. “Wala nga!” natatawa kong ani habang inaalala ang araw na ‘yon. Nakagat ko na lang ang labi para pigilan ang pag-ngisi. Naa-amaze lang ako kasi nagkita kami ulit. Small word really! “Love at first sight?” pamimintang ni Kiera. Kinunotan ko naman siya ng noo. “Ikaw yata ‘tong gusto maging writer, eh! Wala nga sabi,” balik ko sa kanya. “Eh, sige e-deny mo lang. Pero in all fairness talaga, ah. Ang guwapo niya! Ack! Kinilig ang bituka at nerve cells ko kanina sa ginawa niyang pagsalo sa ‘yo. Alam mo ‘yon? Para siyang multo na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan? Oh, gosh!” Napailing na lang ako sa kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD