CHAPTER 04

2651 Words
CHAPTER 04 “Sigurado ka bang ‘yan lang ang kakainin mo, Ms. Kazz?” tanong sa ‘kin ni Sheryl pagkatapos kong itabi ang pack lunch kahit na limang subo pa lang ang nagagawa ko. Tumango ako sa kanya at agad na pumunta ng restroom para makapag-hilamos. Kahit na nagugutom talaga ako ay kailangan kong magmadali. Mabuti na lang at natapos ko kaagad ang commercial shoot na iyon. I did great despite the adrenaline rush cause by my busy schedule. Nagkakamali talaga si Kiera nang sabihin niyang hindi hectic ang schedule ko. I’m looking at myself in the reflection of the mirror when I suddenly remember the little details I got for the meeting later. VIP daw ang kikitain ko. Hindi naman basta-basta sinisingit ni Mr. Rye ang kung ano-anong schedule ng ganun kadali kung hindi important. Sino kaya ang ka-meetingan ko mamaya? Maganda kaya ang mangyayari? Malaking project offer kaya ‘yon? Siguro naman may nakapansin na sa ‘kin pagkatapos ng recent movie ko with Ms. Liliene. I sighed everything sabay hawak sa leeg ko. Hindi nakakatulong ang ginagawa kong pago-overthink ngayon. Kung ano man ang mangyayari mamaya, sana lang maganda talaga. To be honest I have a bad feeling about it kasi, eh. Sana lang din nagkakamali ako. Pagkatapos maghilamos ay ako na ang nag-ayos sa sarili ko. I put my long hair on a high ponytail and wear a simple make-up. Sinadya ko lang na medyo e-highlight ang eyes ko para naman bumagay sa outfit ko. I just wore a black and white mock neck plaid top partnered with a skirt and a black combat boots. I smiled with my outfit and look for today. It reflects the brave and fierce version of myself. I have this feminine, simple, and light pretty face kaya naman natutuwa talaga ako kapag nakikita ang sarili sa ganitong style. Sa isang luxurious hotel ang venue ng meeting. It sounds weird for me but I guess, ganito lang talaga siya. It’s an intimate meeting kaya sigurado akong mahalaga ang pag-uusapan namin nina Manager Rye kasama ang sinasabi niyang VIP. I held unto my neck, isang malalim na buntonghininga ang ginawa ko bago buksan ang pinto na nasa harapan ko. This is the exact place Manager Rye texted to me. Ang totoo ay kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Unang bumungad sa ‘kin ay ang mahabang mesa na puno ng mga pagkain at magarang table design. Hindi na nakakapagtaka iyon dahil luxurious hotel itong pinasokan ko. It’s just that, it’s too luxurious for an unknown meeting. Dumapo ang tingin ko kay Manager Rye nang tumayo siya at salubungin ako. “Kazz, you’re here!” masiyang aniya sabay tayo at yakap sa ‘kin. My mind immediately went blank when I saw the person sitting on the kabisera of the long table. Naawang ko na lang ang labi sa gulat, ni hindi ako makagalaw. Hindi ko na nagawang tugunan ang yakap at pagbati sa ‘kin ni Manager Rye. “Oh, you must be surprised?” Hagikhik si Manager. Sinabi niya ‘yon nang mapagtanto niyang natulala ako sa sinasabi niyang VIP. “Kazz?” He snapped his fingers on me. Agad naman akong nagising sa pagkakatulala. “Ah, M-manager Rye.” Agad akong nangapa ng sasabihin, agad akong nataranta. Pakiramdam ko ay may kung ano’ng sumilab sa tiyan ko. Gusto kong sumigaw at magtitilhi sa tuwa. “Do I need to introduce him to you Kazz?” Natatawa akong umiling kay Manager Rye. Hinayaan ko siya at dahil sobra akong na-excite ako na mismo ang lumapit sa nakatayong si Mr. Lim. “I-it’s nice to meet you po,” kabado kong ani. Sa taranta ko ay hindi ko na alam ano’ng klase ng pagbati ang gagawin ko. Mabuti na lang ay nauna niyang itinaas ang kamay upang makipag-kamay sa ‘kin. “Pleasure is mine,” tipid nitong ani. Ang mga singkit niyang mata ay nakangiti sa ‘kin kaya pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere. “I’m Kazz Lemuel’s by the way. Fan na fan n’yo po ako.” Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa tuwa. Hindi ko na napigilan ang sarili na mag-fangirling. Si Mr. Lim ay isang sikat at batikang direktor— an award winning director to be exact. Una ko siyang nakatrabo noong bata pa lamang ako at nagsisimula pa lang sa industriya ng showbiz. Saglit lang ‘yon, dalawang araw lang ‘ata ‘yon? Pero isa siya sa mga dahilan kung bakit ko nagustuhan ang mundong ito. Siguro ay hindi na niya ‘ko naaalala, sampung taon na rin ang nakalipas. Pero ayos lang, masaya ako na makita siya sa malapitan ngayon! Lahat ng series at movies na siya ang nagde-direct ay palaging may malaking ratings, blockbuster at laging pinipilahan sa sinehan. A spotlight maker. Nakaraan taon lang yata ‘yon nang manalo siya ng isang international awards sa paggawa ng isang kalidad na pelikula tungkol sa mga kabataan. He’s a brilliant director kaya naman malaki talaga ang respeto ko sa kanya. He’s not active in showbiz industry anymore since last year. Ang sabi ay magpapahinga lang muna siya pagkatapos ng kanyang sunod-sunod na mga projects. Sobrang tagal niyang bumalik kaya akala ko ay nag-quiet na talaga siya sa industriya ng showbiz. Nalungkot ako noon dahil naisip kong hindi ko na siya makakatrabaho, isa pa naman ‘yon sa mga pangarap ko. Ang makatrabaho siya. Mr. Darius Lim chuckled at my reaction. I think he found me funny with my fangirling reaction today. Medyo humanga ako roon, it’s obvious that he has a Chinese blood, kita rin ‘yon sa mga mata niyang singkit. But he has this serious facade that looks like he is of Spanish descent, unang tingin mo pa lang sa kanya ay masasabi mong istrikto siyang tao at perfectionist sa trabaho. It’s true though. “Yeah, I heard a lot from you,” he said. Hindi ko naman alam kung maniniwala ako roon. I’ve been an actress for years pero hindi gaano nag-boom ang career ko. Hindi ko akalain na makikilala ako ng isang sikat na derictor ngayon. Or maybe I’m just exaggerating things because of my excitement. “Ang ganda ng alaga ko hindi ba?” natatawang lumapit si Manager Rye sa ‘min. “Hindi ka nagkakamali d’yan Rye,” ani Mr. Lim sabay pasada sa suot ko. Agad naman akong nakaramdam ng awkwardness. “Have a seat everyone,” he said sabay senyas sa ‘king upuan. Tumango naman ako at nakangiting umupo. “Thank you for inviting me po,” ani ko nang makita ang iba’t ibang putahe ng pagkain sa ‘ming mesa. May wine din doon at maliit na chocolate fountain. Napatingin ako kay Manager Rye, kita ko ang ngiti sa kanyang mga mata habang tinititigan ako. He‘s giving me a look saying, this is it Kazz! Sana nga tama ako. We started eating, at habang kumakain kami ay pinag-uusapan namin ang career ko sa nakalipas na sampung taon. I know I’m not that a shining star pero kahit papaano ay confident naman ako. I’ve been working in this industry for ten years, alam na alam ko na paano gumalaw sa industriyang ito. I know my acting skills don’t suck at all, hindi na mabilang sa daliri ang acting workshops na pinasokan ko. It’s just that opportunity is not good to me. At some point, alam ko kung bakit. “Kazz is what you’re looking for. She’s very patient, kind, and a woman with a big dream,” Manager Rye chuckled. “Hindi naman sa binubuhat ko ang alaga ko pero parang ganun na nga. It’s true though. Kazz is a very passionate person.” I smiled at Manager Rye. Pakiramdam ko ay may kung anong natunaw sa loob ko dahil sa mga sinabi niya. Nangangalahati na ‘ko sa ‘king pagkain. Gustuhin ko mang magtanong kung para saan ang meeting na ito— pero hindi ko magawa. Ayaw ko namang magtunog bastos o ‘di kaya ay masyadong excited. Mabuti na lang at si Mr. Lim na ang mismong nag-open ng topic. “I think you’re wondering why are you here today?” Mr. Lim eyed me. Pareho naman kaming napaayos ng upo ni Manager Rye. I know that we’re digging now to the purpose of this meeting. Ngumiti ako ng tipid at dahan-dahang tumango. Tumingin ako kay Manager Rye, he nodded at me. He’s like urging me to say something. “Ang totoo ay nagulat po talaga ako na makasama kayo ngayon sa m-meeting na ito.” Hindi ko masabi ang salitang meeting nang maayos, this is like a dinner appointment for me. Mabuti na lang pala at konti lang kinain ko kanina. Kung hindi ay hindi talaga ako makakakain dahil sa awkwardness na nararamdaman ko ngayon. “I expected that already, at naiintindihan ko ang nararamdaman mo,” he paused. “Pati na rin ang magiging reaksyon mo sa offer ko sa ‘yo.” Nang marinig ko ang salitang offer ay agad akong napalunok. Ito na nga ba ang hinihintay ko? “But before anything else, I want you to stay silent to anyone Kazz. Wala kang pagsasabihan ng mga pag-uusapan natin dito, maging ang meeting na ‘to. This is confidential.” Bahagyang napakunot ang noo ko sa sinabi ni Manager Rye. Gusto kong magtanong kung bakit pero sa huli ay tumango na lang ako. Alam ko naman kung gaano kahalaga ang salitang confidential sa industriyang ito. “The reason why you’re here is for the project that I’m going to offer to you exclusively.” Muli akong bumaling kay Mr. Lim. “Anong project po?” tanong ko. “A reality show,” he said that coldly. It made me shiver a little to be honest. May kakaiba kasi sa paraan ng pananalita niya. Masyado rin siyang seryuso. “Reality show?” I asked. Hindi ko na maitago ang excitement sa loob ko. Kahit anong challenge pa ‘yan ay kaya kong tanggapin. Lalo na’t malaki ang tiwala ko kay Mr. Lim. “You will be the leading lady on this project. Gaganap ka bilang si Shahana Montez, isang university student.” “A reality show? Pero gaganap ako bilang ibang tao?” tanong ko. Medyo nalito ang utak ko sa ibig-sabihin ni Mr. Lim. He nodded at me. “Sa loob ng ilang buwan, papasok ka sa Harrison University at magpapanggap bilang si Shahana Montez. A nerd University student. You will come to experience a life of a student with bullies around you, how they cope, and what hardships they are facing because of bullying. And most importantly, this show involves romance. Sa loob ng ilang buwan, kailangan mong humanap ng lalaking magtatanggol at magmamahal sa ‘yo. Kapag nagawa mo ‘yon, magiging successful ang show na ‘to. You will do everything you have to while the camera’s are secretly rolling around.” Pakiramdam ko ay biglang nag-loading ang utak ko sa sinabi ni Mr. Lim. Nagrambulan yata ang mga brain cells ko. May naiintindihan naman ako pero hindi yata kayang pumasok ng mga ito sa utak ko. I will pretend as someone? Pagkatapos ay maghihintay ng lalaking magmamahal sa ‘kin? Is this a fairytale? “This is a social experiment, Kazz. Malaki ang project na ito, at kung tanggapin mo ito. Sigurado akong aakyat sa tuktok ang career mo,” ani Mr. Lim. Tumango naman si Manager Rye, malapad ang ngiti niya at kita sa ningning ng mga mata niya kung gaano siya natutuwa para rito. “This is what you’re waiting for right? This is a big shot,” dagdag naman ng manager ko. “A cliche plot. Isang nerd na babae, transfery at binu-bully ngunit makakahanap ng lalaking magtatangol sa kanya. But what make this project unique is this is a reality show. Aabangan ‘to nang marami.” “Saglit lang po,” ani ko sabay taas ng aking kamay. Nalilito ako at hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Ngunit, isa lang ang malinaw para sa ‘kin. “Find a guy who will fall for me despite the looks?” I asked. Pareho naman silang tumango. “Ibig n’yong sabihin ay manloloko ako ng mga tao para sa project na ito?” “Kazz,” saway sa ‘kin ni Manager Rye. Umiling siya at tumingin kay Mr. Lim na seryoso ang tingin sa ‘kin. “This is a social experiment, this is an eye opener for all the people. Lalo na ang mga naka-experience ng bullying.” “P-pero—” “Do you want to take it or not?” Natigilan ako sa tanong ni Mr. Lim sa ‘kin. He want an honest and straight answer. Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago huminga ng malalim. “I’m sorry. But I’m not accepting the offer.” It’s foolishness! Gusto kong sabihin na kahibangan ang offer na ito ngunit mas mabuting tumahimik na lang ako. “Can you give me a one concrete reason why you’re not accepting this project?” he asked. Matamaan niya ‘kong tinitigan sa ‘king mga mata. “Ayaw ko pong umangat na may nasasaktang iba. Is that an enough reason?” Marami akong rason para hindi tanggapin ang offer ngunit iyon talaga ang pinaka-una. Hindi ko kayang manakit ng ibang tao para sa pangarap. I’m sure there is another way for me to become a star. Kaya ko pang maghintay at hindi sumuko basta’t nasa mabuting paraan lang. That is worth waiting for than this. I can accept any challenge in a clean and good way. Anything that doesn’t inflict pain to others. I walked out on that meeting after bidding them farewell. Sinubukan pa ‘kong habulin at kumbinsihin ni Manager Rye pero buo na ang loob ko. Habang nagmamaneho pauwi ay iniisip ko pa rin ang project na ‘yon. I know I made the right decision and I’m not going to change it. That project is impossible and chaotic. I know Mr. Lim for being creative and brilliant, hindi ko alam na aabot siya sa ganito. His project is really great and thrilling, a reality show. This will be a great comeback for him. Ang mali nga lang ay makakasakit sila ng ibang tao. Shayerah Kazz Lemuel. It’s been ten years since people are calling me “Kazz” my stage name. Sampung taon na rin ang nakalipas simula nang pasokin ko ang mundong ito. Nakakalungkot nga lang na hindi ko pa nakakamtan ang gusto kong kinang pero alam ko sa sarili ko na kailanman ay hindi ako susuko. I invested ten years of my life here, wala ng rason para umatras pa. Even though people are labeling me a “pambansang extra,” hindi pa rin ako titigil. Lalo na’t may mga taong naniniwala sa ‘kin. I have my best friend Kiera, my fans, and my parents— they supported me kahit na ayaw nila sa mundong ito. The make-up artist, assistant, manager, and agency that I have and I’m in now is because of them. Sana lang talaga ay hindi sila tumigil sa pagsuporta sa ‘kin. I hope they won’t stop having a faith on me. I wiped a tear on my left check. Nagiging emotional na ‘ko kaya hindi ko napigilan ang maluha. Bahagya ring bumigat ang dibdib ko. “Okay lang ‘yan, Kazz! Patuloy pa rin tayong lalaban,” I cheer for myself. Pagkatapos mag-parking ay agad na ‘kong bumaba. I walk towards the elevator but I suddenly stopped when my phone vibrated. It’s a text message. Akala ko ay si Mom o ‘di kaya ay ang manager ko but it was an unknown number. I read the text message, agad akong napahawak sa ‘king leeg nang mabasa iyon. From: 09*** You know what kind of star you are? A dark star.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD