CHAPTER 03
“Hindi ko kaya na hindi ka mahalin. After all these years, gusto kong sa ‘yo pa rin ako uuwi. Call me crazy but— ‘yon! Kissing scene!” Binatukan ko si Kiera sa ginagawa niya. Nakaupo siya sa carpet at nakahilig sa sofa habang kumakain ng popcorn.
“Aray naman, eh!” angil niya sabay sama ng tingin sa ‘kin.
Enjoy na enjoy siya sa panonood, may paiyak-iyak pa siyang nalalaman habang sinasabayan ang linya ko sa isang movie. Hindi raw siya busy kaya nag-surprise visit siya sa ‘kin ngayon.
“Ilang beses mo na ‘yang napanood hindi ka pa rin ba nagsasawa?” saad ko sa kanya. Kumuha na rin ako ng popcorn at kumain. Ang sabi niya ay movie marathon daw kami, wala kaming mapili na movie that’s why we end up watching this 2017 movie kung saan isa ako sa mga main cast.
“Ang tagal ko na kayang hindi napapanood ‘to! Saka ang cute mo rito, halatang nene ka pa.” Inirapan ko lang siya. That movie is quite special to me. Bukod sa marami akong nakasamang batikan na mga artista, sa movie na rin ‘yan nagsimula akong mapansin ng mga tao.
“Ang guwapo ni Percy d’yan, ‘no?” nakangiti kong saad. Ang tinutukoy ko ay ang partner kong lalaki sa palabas.
“Oo, sayang nga lang. By the way, napansin ko lang na medyo awkward ang kissing scene niyo r’yan. First time mo ‘yan, ‘no?” Ngumuso ako at muli siyang inirapan. Kaya ayaw kong pinapanood ang sarili sa TV, eh! Masyadong awkward para sa ‘kin. “Parang gulat ka or masyado kang stiff!”
“First kiss ko kasi ‘yan!” depensa ko sa sarili.
“Ilang taon ka nga d’yan?” tanong niya ulit. Tumitig naman ako sa screen ng TV.
“Eighteen,” sagot ko.
“Grabe! Kaka-eighteen mo pa lang pumayag ka na sa kissing scene! Dedicated, o crush mo lang talaga si Percy? Puwede ka naman magpa-double, ah?” panunukso niya.
“Kailangan talaga ng kissing scene. Saka anong crush ka r’yan?”
“Sige lang, deny lang! Pero sayang talaga si Percy. Kung siguro hindi siya namatay sikat na loveteam na kayo ngayon? Masyadong nag-click ang chemistry niyo sa movie na ‘to.” I sighed. Maski ako ay nahihinayangan din. Kasisimula niya pa lang sa showbiz industry pero sikat na agad siya. Mabenta dahil guwapo at ang innocent tingnan. Kaya lang, sa kasamaang palad ay maaga siyang binawian ng buhay. He got into an accident while driving his own car. Dead on arrival.
Katatapos lang ng show namin nang mangyari ‘yon. That time, an offer for a teleserye came for us kaya lang hindi natuloy dahil sa nangyari. I don’t like pointing a finger to someone pero malaki ang naging epekto no’n sa carer ko. We’re a rising loveteam, nang mamatay siya ay nahirapan na ang agency ko na hanapan ako ng kapareho. Anila ay pangit daw tingnan lalo na’t kamamatay lang ng dapat ka-love team ko. The people won’t like it kaya gano’n.
“Yeah, sayang nga.” It was a chance for me. Dapat ay ‘yon na ang kauna-unahang teleserye na ako ang bida. But unfortunately, unfateful things happened.
“By the way, anong gagawin mo the whole week?” tanong sa ‘kin ni Kiera. Tapos na ang pinapanood naming movie.
“Ah, may dalawa akong advertisement tapos isang guesting sa Friday morning. Pupunta nga rin pala ako sa University next week.”
“Mabuti ka pa at hindi hectic ang schedule mo!”
“Tss, ‘yon lang ang akala mo.”
Pagkatapos mag-dinner ay nagpasya nang umuwi si Kiera. I attended a virtual meeting with my P.A and Manager Rye after. Nag-discuss lang kami ng tungkol sa schedules ko at kung ano ang pwedeng mga isingit. Dahil katatapos lang ng movie ko with Ms. Liliene, hindi na ‘ko gaanong busy.
Nang sumunod na week ay gano’n nga ang mga nangyayari.
“Hello po, Ms. Kazz. Good morning,” bati sa ‘kin ng isang staff habang naglalakad ako sa premises ng station.
“Hi, good morning.” Ngumiti ako sa kanya at bahagyang tumango. Papunta ako ngayon sa station ng isang morning show. Ako kasi ang guest nila.
“Grabe, ang ganda mo po pala sa personal,” aniya sabay tawa.
“Naku, salamat po.” Bahagya akong natawa.
“Yes po, urgent? Pero may schedule po ng advertisement si Kazz mamaya. What? But I don’t think we can do that?” Nasa loob na kami ng elevator nang marinig ko ang reklamo ng personal assistant kong si Sheryl. “Okay, I’ll inform her,” aniya bago ibinaba ang tawag.
“Is there a problem?” I asked her. She pulled her hair, and she seemed frustrated.
“Manager Rye told me to reschedule your advertisement shoot later,” pailing-iling na aniya.
“Bakit daw?” kumunot ang noo ko. I’m afraid it’s impossible. Mahirap mag-reschedule ng shoot lalo na’t ngayong araw pa mismo magaganap.
“You have an important meeting with a VIP, that’s what he told me.” Nagbukas ang elevator kaya lumabas kami. Hindi ko naman pinutol ang pakikipag-usap sa kanya.
“Sinong VIP?” kunot-noo kong tanong. May isang staff naman ang lumapit sa ‘kin at giniya ako sa dressing room. Handa naman na ‘ko, maghihintay na lang ako ng oras.
“Hindi niya sinabi sa ‘kin, he just said that it’s urgent.”
“Baka nga importante talaga, hindi naman basta-basta ikaka-cancel ni Manager Rye ang isang project ko ng walang sapat na rason.”
“‘Yon din ang naisip ko, eh. Kaya lang masyadong alanganin. Ano na lang ang sasabihin ko sa kanila?” iritadong ani Sheryl.
Napabuntonghininga ako nang malalim. Madalas naming problema ang hectic na schedule pero hindi ko naman inaasahan na may magsasabay ngayon.
“Anong oras ba ang meeting with the VIP?” I asked.
“Manager Rye told me that it‘s around 2pm.” Napatango ako. One pm ang call time namin sa advertisement shoot, sigurado akong hindi ‘yon matatapos ng isang oras.
“Hindi ba natin pwedeng i-adjust sa twelve ang shoot?” Matamaan akong tiningnan ni Sheryl.
“Mas maganda ‘yon pero apektado ang lunchtime mo,” aniya.
“It’s fine, pwede naman akong kumain after the meeting, eh.”
“Sigurado ka r’yan, Ms. Kazz?” Bakas ang pag-aalala sa mga titig niya. I just gave her a reassuring smile. Sa biyahe ay kakain na lang ako ng biscuits para kahit papaano ay magkalaman ang tiyan ko.
Of course, I need to adjust with my schedules. Hindi ang schedule ang maga-adjust para sa ‘kin. Mabuti na lang at nasanay na ‘ko sa mga ganito. Sino naman kaya ang VIP na tinutukoy ni Manager Rye?