CHAPTER 02
“Ang galing mo, Sha! While watching the movie kanina parang gusto kong isigaw na anak kita.” Natatawa akong napailing kay Mommy. “The storyline was so good! Mas maganda sana kung ikaw ang bida, mas bagay sa ‘yo ang role.” I frowned.
“Maganda rin naman ang role ko roon, kaibigan ng bida,” I said. Naglakad ako papuntang kusina para maghanap ng pagkain. Alas diyes na nang umaga pero wala pa ‘kong breakfast. Katatapos ko lang mag-work out nang tumawag si Mommy.
Actually, third week na ng showing ng movie. Ngayon lang sila nakapanood dahil sa busy nilang mga schedule.
“By the way, nakakuha ka ba ng autograph from Rico?” I spinned my eyes. Here she is again, fangirling sa idol niyang artista. Nag-cameo kasi si Sir Rico sa show— he’s a famous actor, sikat noong panahon niya.
“Mommy! Nakakahiya,” sabi ko. I opened my fridge pero napangiwi lang ako nang makitang wala ‘yong laman. Kailangan ko nang mag-grocery ngayon.
“Anong nakakahiya roon? Beside, he’s a director now! Mas tamang kumapit ka sa mga maimpluwensyang tao.”
“Alam mo namang ‘yan ang pinakaayaw ko. ‘di ba?” I said lazily. Humilig ako sa counter at humalukipkip. I heard my mother’s sigh.
“Kaya walang ganap sa career mo, eh. You believe too much on yourself kaya wala kang napapala. Wake up, Sha! Matagal ka na sa industriyang ‘yan kaya dapat alam mo na ang kalakaran!”
Pag-aawayan na naman ba namin ulit ‘to? “You know me, Mom. Gusto kong nakukuha ang mga bagay na pinapangarap ko dahil deserve ko. Gusto kong sa malinis at mabuting paraan.”
“Oo na! Ilang beses ko na ‘yang narinig sa ‘yo. Saulo ko na nga ang linya mo, eh!” I chuckled.
“Saulo ko na rin po ang magiging reaction niyo.”
“But I’m telling you, Sha. Dapat tinanggap mo na lang ang offer ng Daddy mo sa ‘yo before.” I smiled bitterly. Bago pa lumalim ang pag-uusap namin ay nagpaalam na ‘ko, sinabi ko na lang na pupunta pa ‘kong grocery.
Sunday ngayon kaya wala akong mauutusan na personal assistant. Gusto ko kasing may pahinga siya ng isang araw sa isang week.
Naligo ako saglit bago nagpalit ng puting oversized jacket at itim na leggings. Nagdala na rin ako ng cap, facemask, at salamin sa mata para matago ko ang mukha.
I drove my black SUV on the nearest grocery store. Regalo pa sa ‘kin ‘to ni Mommy nang mag-eighteen ako. Ito ang palagi kong dinadala ‘pag pumupunta ako sa mga set. The interiors were designed personally for me, convenient para sa trabaho ko. Mixed brown and grey ang loob, it’s simple but it looks elegant.
May maliit naman na convenience store sa baba ng unit ko pero mas marami akong mabibili kung sa grocery store talaga.
Bago ako bumaba sa sasakyan ay nagsuot muna ako ng cap at face mask. I’m trying to hide my face, rest day ko kapag Sunday kaya nagagawa ko ang mga gusto ko sa araw na ‘to.
Kakakuha ko lang ng shopping cart nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Nag-text sa ‘kin si Kiera— bestfriend ko. Nagtatanong siya kung busy ba raw ako later. Agad naman akong nag-reply na hindi.
Sinigurado ko muna ang mga pagkain at kung ano-ano pang pwedeng ilagay sa fridge. Nang matapos ay dumeritso ako sa may toiletries section. May gusto akong brand ng tissue kaya ‘yon ang lagi kong binibili. Isang set na ‘yon kaya malaki talaga ang plastic niya. Usually ay nasa ibaba naman nakalagay, napabuntonghininga na lang ako nang makitang nasa pinakamataas na shelf na.
I tried to tiptoe for me to reach it, kaya lang ay masyado talagang mataas. Nagpalinga-linga ako sa paligid para magpatulong sana sa salesman pero wala akong nakita.
Sinubukan kong tumalon pero hindi ko talaga makuha. Ano ba ‘yan! Bakit kasi sa taas nilagay, eh!
Sinubukan ko ulit na abotin pero ayaw talaga. I was shocked when someone from behind me suddenly got the tissues. Walang kahirap-hirap niya itong ginawa.
Bahagya pa ‘kong napatalon nang dumikit ang likod ko sa katawan niya. He’s so near me that I immediately smelled his perfume.
“Do you need this?” his baritone voice filled my ear. Agad akong humarap sa kanya at tumango.
“A-ah, yeah. I need one,” nauutal kong ani. He has cold, sleepy dark eyes, a pointed nose, and red cherry-like lips; his eyebrows are thick, almost meeting each other. He’s so tall! Hula ko ay hanggang panga niya lang ang height ko.
Is he a model? Hindi naman ako ignorante sa mga guwapo but he looked different! Mukha siyang brand ambassador ng isang international brand.
“Here.” Inabot niya sa ‘kin ang set ng tissue. Tinanggap ko ‘yon at inilagay sa shopping cart. I’m about to say my thank you kaya lang pagbaling ko ay nakalayo na siya.
“Ah, thank you!” I shouted. Sapat lang para marinig niya. Hinintay kong bumling siya sa ‘kin pero hindi niya ginawa. Ngumuso lang ako at umiling. Ipinagpatuloy ko na lang ang pamimili sa section na ‘yon.
Nilagay ko na sa pila ang cart ko para magbayad sa cashier. I’m busy with my phone kaya huli ko na napansin kung sino ang nasa unahan ko. He’s the same guy that I bumped in earlier. I’m planning to smile at him but he’s so busy with his own phone. Nasa gilid siya ng shopping cart niya, nakahalukipkip habang may pinagkakaabalahan.
Humigpit ang hawak ko sa cart nang umusog ang pila namin. Pinagmasdan ko lang siya nang itulak niya ang cart mula sa gilid nito.
“Ms. Kazz! Sabi ko na nga ba ikaw ‘yan, eh!” Nagulat ako nang bigla na lang may dalawang babae ang lumapit sa ‘kin. Masyado silang malikot kaya aksidente kong naitulak ang shopping cart ko at nabanga sa kanya. Muntik pang makabundol ng tao ang cart mabuti at napigilan niya agad.
“Oh, my gosh, ikaw nga! Pwede pong mapa-picture? Ang ganda-ganda mo po sa personal!”
My eyes widened. Gusto kong humingi ng tawad kaya lang ay niyayakap na ‘ko ng dalawang babae.
“Puwede pong pa-picture? Hala ang bango mo!”
“Ah, s-sige.” Binalingan ko sila at nagpilit ng ngiti sa camera. Pati ang isa ay pinagbigyan ko rin sa picture.
“Autograph na rin po! Hala may ballpen ka ba d’yan?”
“Ito na lang, oh!” Bahagya pa ‘kong natawa nang makitang gusto niyang pirmahan ko ang likod ng isang resibo.
“Oh, gosh! Payakap pa po ng isang beses,” aniya sabay yakap ulit sa ‘kin. Nang makaalis sila ay may iba pang lumapit at nakapansin sa ‘kin. Ang nangyari tuloy ay habang pumipila ako sa cashier nagkaroon ng mini photo booth.
“Dinumog ka raw ng mga tao sa grocery store?” tanong sa ‘kin ni Kiera sa telepono. Naglalakad na ‘ko papuntang parking lot nang tumawag siya.
“Paano mo nalaman?” tanong ko. Nang makalapit sa SUV ko ay agad ko ‘yong binuksan. I opened the trunk para roon ipalagay ang mga pinamili ko. Hinayaan ko na ang bagger na ayosin ‘yon.
“I saw it on social media, viral agad. Sikat na sikat ka na, ah!” I chuckled at her.
“Hindi naman! Alam mo naman ‘yung mga tao, ‘pag nakakita ng artista ay nagkakagano’n.”
“Sus! Pa-humble pa ‘to!”
“Sige na, Ke. I have to drive pa,” ani ko bago ibinaba ang tawag. Nagpasalamat na rin ako sa bagger bago sumakay sa sasakyan ko.
I sighed, “Hindi man lang ako nakapagpasalamat at nakahingi ng sorry sa lalaking ‘yon.”