CHAPTER 01
I couldn’t imagine myself being anyone else except facing these blinding lights, smiling at these countless cameras, and being excited every time the spotlight hits me.
It’s always fun to dream, but acting upon it was never easy. But still, here I am.
“Kazz, how’s the experience during the shoot?” one of the famous showbiz reporters asked me.
I smiled before picking up the microphone. “Sobrang nakakatuwa po kasi everyone on the set was so approachable and fun to be with. Kung ano ‘yung vibe ng story gano’n din ‘yung vibe namin sa set.” I laughed.
“We heard lagi ka raw inaasar ni Kier sa set, why is that?” tanong niya ulit. Napatingin tuloy ako kay Kuya Kier. Pinanliliitan na niya ‘ko ng mata.
“Sa set kasi, magkatabi lang kami ng tent ni Kuya Kier. Lagi niya ‘kong inaasar at pina-prank. There’s this one time na binigyan niya ‘ko ng chocolate, tapos pagkain ko may sili pala sa loob!” Everyone laughed at what I said. Lagi na lang akong laman ng content sa mga vlogs ni Kuya Kier. Sabi ko nga sa kanya, dapat bigyan niya ‘ko ng porsyento sa kikitain niya sa pag-vlog.
“Ang cute kasi ni Kazz e-prank, hindi siya marunong magalit,” singit ni Kuya Kier.
“Totoo! Sobrang bait niya, siya ‘yung taong parang ang hirap galitin?” I bit my lower lip. Kinilig ako sa sinabi ni Ms. Salvador— isang sikat at batikang aktres.
“So cute of you, Kazz. How is it working with Liliene for the first time?” Si Ate Liliene ang bida nitong show na nila-lunch namin ngayon. Katambal niya si Kuya Kier na isa ring sikat at mahusay na aktor.
“Si Ms. Liliene ay isa sa mga hinahangaan kong artista sa industriya. So, when I got the chance to work with her. I immediately grabbed the project, I was honored and sobrang nakakatuwa po talaga katrabaho si Ms. Liliene.”
Pagkatapos ng ilang mga katanungan sa ‘kin ay muli nang nag-focus ang mga reporter sa bida. After the media lunch ay saglit kaming nag-picture taking kasama ang mga fans. Nakakatuwang makita na kahit hindi naman ako ang bida, may mga tao pa ring sumusuporta sa ‘kin. May nakita akong dalawang banner kung saan naka-print ang mukha at pangalan ko.
Pag-uwi sa condo unit ay basta ko na lang ibinagsak ang sarili sa sofa. Nauna nang umuwi si Sheryl— ang assistant ko.
I closed my eyes to feel the silence. Nang imulat ko ang mata ay bahagya akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Kanina lang ay nasa maingay na lugar ako, lahat ng taong nakapalibot sa ‘min ay naghihiyawan. Ngayon naman ay nabibingi ako sa katahimikan ng condo unit ko. Mag-isa lang kasi ako rito, halos dalawang taon na rin simula noong pinili kong bumukod sa parents ko.
Nag-iisang anak nila ako kaya matagal bago ko sila napapayag na gusto kong maging independent. They still lend me money, but most of my spendings right now ay kinikita ko mula sa pagtatrabaho.
Matapos makapagpahinga saglit ay ginawa ko na ang night routines ko. Nag-dinner kami after ng media lunch kanina kaya hindi na ulit ako kumain. Pagkatapos mag-freshen up at magtanggal ng make-up ay agad na ‘kong umupo sa harap ng study table ko. May klase pa kasi ako ngayon, may tatapusin din akong project.
I’m taking up Business Administration, Second Year na ‘ko. At dahil hectic ang schedule ko, ganitong oras ang klase namin. Actually, hindi ko naman talaga gusto ang kurso na ‘to. It was my father who forced me into this. Pinagbigyan nila ‘ko sa mga gusto ko kaya pinagbigyan ko na rin sila sa gusto nila para sa ‘kin. Let’s call it quits.
Alas dose nang maramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Kahit na pagod ay hindi pa rin ako inaantok. I’m on a diet kaya inabala ko na lang ang sarili sa pag-scroll sa social media. Successful ang ginawa naming media lunch kanina, maging sa Twitter ay nangunguna kami sa mga trending. Marami rin akong nabasa na positive feedbacks. Anila ay aabangan talaga nila ito sa big screen.
I visited my page, nag-post ako na suot ang gown ko kanina. Nasa five thousand reacts na ‘yon ngayon. Binasa ko na rin ang mga comments kahit palaging paalala sa ‘kin ni Manager Rye na huwag gawin.
Ang sabi ng iba ay ang ganda ko raw, ang cute ko raw kanina sa media lunch. May nagkomento namang isa na medyo tumaba raw ako at masyado akong pabida sa nangyaring event. Tanging pag-iling at buntonghininga na lang ang nagawa ko. Kahit papaano ay nasanay na rin ako sa mga ganito.
Nakakalungkot nga lang isipin na kahit ang daming taong may gusto sa ‘yo, nanlulumo ka pa rin sa isang taong hindi ka gusto.
Negative comments always defeat positive feedback.
“What? Ako ahas?” angil ko pagkatapos basahin ang comment ng isang netizent. She’s bashing me for calling Kuya Kier a Kuya. Baka raw maging katulad ko ‘yung isang artista na pinaparinggan nila.
“Oh, gosh people! So, anong gusto nilang itawag ko kay Kuya Kier? Kier! Gosh!” Napailing na lang ako. Hindi ako pumapatol sa social media kaya hinahayaan ko na lang.
Natigilan nga lang ako nang makita ang comment ng isa pang netizent.
Divine Perez:
Dapat tinanong sa kanya kanina kung, “How does it feel to become an extra?”
It slapped me again for the nth time. Ang kulit-kulit ko talaga! Dapat ay sinunod ko na lang si Manager Rye. I’m digging my own grave!
Pinatay ko na lang ang cellphone at hinagis sa bedside table ko. “Bakit? Ano naman ang masama sa pagiging extra?” bulong ko habang nakatingala sa kisame. Puno ‘yon ng mga glow in the dark stickers. Sa gitna nito ay may malaking moon na napapalibutan ng mga bituin.
Bata pa lang ako nang magsimula akong umarte. It was only a minor rule pero simula noon ay nagustuhan ko na talaga ang humarap sa camera. Ngayon ay halos isang dekada na ‘ko sa showbiz— at inaamin kong mabagal ang pag-usad ng career ko. Pero ayos lang sa ‘kin. Siguro nga ay kailangan ko pang magtiyaga, kailangan ko pang maghintay at mas magsikap.
Ngumiti ako sa buwan na nasa itaas ko ngayon. “Someday, darating din ang big break ko. At katulad nang ginagawa ko ngayon, titingalain ako nang marami.”