CHAPTER 27 “Hindi na kita didiktahan sa kung ano ang gagawin mo, Kazz. Alam kong alam mo na kung ano ang dapat. As an actress who worked hard for a very long time, you’re professional enough. I trust in you.” Napatango ako sa sinabi ni Director Lim. “Maraming salamat po sa pagtitiwala, Director Lim, makakaasa po kayo sa ‘kin,” ani ko bago ibinaba ang tawag. I sighed heavily. Saglit kong inayos ang salamin bago binuksan ang pinto ng aking unit. Panibagong araw na naman. “Nakakaantok,” ani Nikku habang humihikab. Maaga akong pumasok kaya naman pagdating ko ay wala pa sina Ezra at Arcyn. Bumaling sa ‘kin si Nikku, pinasadahan niya ang suot kong floral dress na para bang nawe-weirduhan siya sa ‘kin. “Seriously, wala ka bang ibang damit? Parang paulit-ulit lang mga damit mo, eh. I mean—”

