CHAPTER 41 It feels like I’m floating and the shock of electricity electrified my body. Hindi ako nakakilos agad lalo na nang magtama ang mga mata naming dalawa. For a second, tila nawala ang lahat ng kalasingan ko sa katawan. My head stopped spinning but my world spinned for another reason. Sobrang lakas ng music sa loob ng club pero rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng puso ko. Gusto kong kurotin ang sarili para malaman kung nananaginip lang ba ako pero kahit na kumilos ay hindi ko magawa. “Arcyn,” I whispered his name again. May sinabi siya dahil kumibot ang kanyang labi pero hindi ko narinig. I gasped for an air, muling bumalik sa normal ang pag-ikot ng mundo ko. Biglang humilab ang tiyan ko at gusto ko na lang masuka. I’m sure I am just dreaming, I’m sure I am just im

