CHAPTER 32 “Ano na ba talaga ang nangyari sa ‘yo sa loob ng campus?” tanong sa ‘kin ni Kiera. Nanatili lang naman akong tulala sa kanyang shotgun seat. Siya ang sumundo sa ‘kin pagkatapos akong ihatid ni Arc sa address ni Shahana. I sighed heavily. Kung nakalulunod lang ang mga iniisip ko sa lalim nito ay kanina pa ‘ko namatay. “Sha, naman. . . worried na ‘ko sa ’yo, eh. Isn’t it too much? Masyado ka nang maraming ginagawa para sa project na ‘to,” dagdag ni Kiera nang hindi ko siya sagotin. Muli akong bumuntonghininga bago siya binalingan. “I’m okay fine Kiera, I’m just tired.” “Paano ka hindi mapapagod eh, halos twenty-four hours kang nagtatrabaho buong Linggo!” singhal niya. Tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nagugulohan ako, hindi k

