CHAPTER 31 “Arc ano ba’ng ginagawa mo!” singhal ko sa kanya habang pilit niya ‘kong kinakaladkad palabas ng bahay. Nalilito ako sa kanya! Bigla na lang siyang sumulpot mula sa kung saan! Tinabig niya ang inabot na inumin sa ‘kin ni Harley kaya natapon ito at nabasag ang baso. He just caused a scene tapos kakaladkarin niya ‘ko palabas ng walang sinasabi! Ni hindi man lang ako nakapag-paalam kay Sabrina dahil maging siya ay nagulat din sa nangyari. “Arc ano ba!” sigaw ko dahil wala ng masyadong tao. Tuloyan na niya ‘kong nahila palabas. My teeth gnash when his grip on my wrist titened. Sinubukan kong pumiglas ngunit mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawal sa ‘kin. “Deven Arcyn! Ano ba ang problema mo!” galit ko na talagang sigaw. Tumigil siya at hinarap ako, napatigil din ako pero

