Episode 6

1542 Words
Elyse Pov* Maaga akong nagising ngayon dahil tumawag si Kyle na pupunta daw sila dito mamaya. Nagluluto ako ngayon ng paboritong pagkain ng dalawang depunggal na mga yun. HAHAH charott.. First time ko lang magluto pero sabi ni Tita parang sanay na daw ako HAHAHA. edi sanaol. Ako ang nagluluto tapos si Thea ang nag aayos ng hapag kainan. "First time mo lang ba talagang mag luto?" biglang tanong ng tao sa likod ko. Kaya humarap ako sa kaniya.. Si Theo pala. "Ahm.. Oo, hindi kasi ako pinapayagan ni nanay na magluto." sabi ko at tinuon ang tingin sa niluluto. "Nanay?" tanong niya. "Oo, katulong namin siya. Sa kaniya na ako lumaki kaya nanay na ang tawag ko sa kaniya" sabi ko. (By the way Tinola at menudo ang niluluto ko ngayon) Hindi na siya sumagot at umupo sa upuang malapit sakin. "Okay na kaya toh?" tanong ko sabay harap kay theo "Patikip" sabi niya at lumapit sa niluluto ko. Kukunin na niya sana ang sandok pero pinigilan ko siya. "Bakit?" takang tanong niya. "Ako na" sabi ko at kinuha ang sandok. Kumuha ako ng konting sabaw ng tinola at hinipan at pinatikip sa kaniya. Biglang nag bago ang muka ni Theo. Hindi ata masarap. "Ano? Hindi ba masarap? Sana pala hindi na lang ako naluto." tanong at sabi ko. "First time mo lang ba talaga?" tanong niya ulit. "Oo nga paulit-ulit. Hindi ba masarap?" tanong ko. "Hindi"sabi niya. "Tita!!" tawag ko kay tita "Bakit?" sabi ni tita habang papalapit samin. "Tikman nyo nga po" sabi ko. Lumapit si tita na tinolang niluto ko at tinikman yun. "Hindi po ba masarap?" tanong ko. "Pwede ka ng mag asawa" biglang sabi ni Tita. "P-Po?" sabi ko. "HAHAHA masarap, Sobrang sarap" sabi ni tita "Bakit sabi ni Theo hindi daw" sabi ko. "HAHAHAHAH joke lang" natatawang sabi ni Theo. "Nakakatawa yun?" sabi ko at inambahan siya ng kutos. Mabilis naman siya naglakad palayo samin habang tumatawa. "Yung menudo okay na ba?" tanong ni tita. "Luto na naman po. Pero paki tikim na din po" sabi ko. Tinikman din ni Tita ang menudo. At ganun din ang sagot niya Masarap daw. * * * * Nandito kaming apat sa Salas at nakaupo sa sofa dahil inaantay namin sina Kyle. Ilang sandali pa ay may kumatok. "Ako na magbubukas" biglang sabi ni theo. Lumapit si Theo sa Pinto at binuksan yun. Imbis na sina Kyle at Sevi ang makikita namin ay ang Enhypen ang nakita namin. 'Paktay' Naka oversized tshirt kasi ako at nakamaikling short. Hanggang gitna ng hita ko lang yung Tshirt. 'Baka pagalitan ako ni kuya' "Bro!" bati ni Theo kay kuya at nag man hug sila. "Long time no see" sabi ni kuya. "By the way Kagrupo ko" pakilala ni kuya sa mga kasama niya. "Thea taas muna ako" kinakabahan kong sabi. "Bakit?" tanong niya. Tiningnan ko ang damit ko pababa sa may paa ko bilang sagot sa kaniya. "Hindi yan, Ako bahala" sabi niya at inakbayan ako. "Feeling ko papagalitan ako ni kuya" bulong ko sa kaniya. Tumayo si Thea at lumapit kina kuya "Hi jay!" bati ni Thea kay kuya at yumakap dito 'kingina na ang bilis ng t***k ng puso ko. kinakabahan talaga ako' sabi ko sa isip ko habang nakahawak sa dibdib ko. "Hi Thea long time no see" sabi ni kuya. No choice tataas na ako sa kwarto. feeling ko hihimatayin ako sa sobrang kaba.. Ayaw kasi ni kuya na nagsusuot ako ng maikli. Tatayo na sana ako pero biglang may tumawag sakin. "Ely!" tawag ni Thea sakin. 'Kingina bwiset ka thea. lagot ka sakin pagpinagalitan ako ni kuya' "O-oh B-bakit?" nauutal kong sabi. "Sina Kyle nasa may labas na paki sundo mona" sabi niya. Tumango ako at aalis na sana pero napasigaw si kuya. 'Kingina sinasabi ko na nga ba eh' "What? Nang ganyan ang suot niya papalabasin mo?" pasigaw na sabi ni kuya. Lahat kami ay nagulat dahil sa pagsigaw niya "What's wrong dude?" tanong ni heesueng sa kaniya. Hindi na nagsalita si kuya.. "Sige na ako na susundo sa kanila" sabi ni Theo. Hindi na ako makagalaw dahil sa sobrang kaba. "Ely, right? why are you here?" tanong ni Jungwon. Gusto ko magsalita pero hindi ko magawa. Nanlalambot na ako "Are you okay Ely?" narinig kong tanong ni kuya kaya lalo ako nanlambot at Na out of balance. Bago pa ako bumagsak ay may sumalo sakin. "Ely okay lang ba?" tanong ni Thea. Naramdaman ko na lang na may bumuhat sakin at iniupo ako sa sofa. "Ano ka bang bata ka. Ayos ka lang ba? Bakit bigla kang namutla?" tanong ni tita 'Kaya ayokong kinakabahan ako eh. Nakakainis nanlalambot na lang ako bigla' Ngumiti na lang ako kay tita. "A-ayus lang po ako" sabi ko. "Anak Thea. Kumuha ka nga ng tubig." utos ni tita kay Thea "Anong nangyari?" Boses ng kung sino. Naramdaman ko na lang na may tumabi sakin at hinimas ang buhok ko. Naging komportable ako kaya napasandal ako sa kaniya. Gusto kong imulat ang mata ko pero nanghihina pa din ako. "Uminom ka muna ng tubig" sabi ng humihimas sa buhok ko at inalalayan akong uminom ng tubig. "Are you tired?" tanong ng humihimas sa buhok ko. Tumango ako bilang sagot at sumandal ulit sa kaniya. "Ihahatid na muna kita sa kwarto mo" sabi niya. Umiling ako at niyakap siya sa bewang niya. : : : Thea Pov* "Anong nangyari?" tanong ni Kyle Tumabi si Kyle kay Ely at hinimas ang buhok nito. Alam talaga niya kung paano pagaanin ang loob ni Ely.. Mukang naging Konportable si Ely dahil Sumandal siya sa dibdib ni Kyle. Binigay ko ang tubig kay Kyle para makainom si Ely. "Uminom ka muna ng tubig" sabi niya kay Ely at inalalayan niyang makainom ito.. Tiningnan ko si Jay (kuya ni Ely). Halatang gusto niyang lumapit kay ely pero hindi niya magawa dahil sa mga kasama niya.. Tinuon ko na lang ang tingin ko kina kyle at ely. "Are you tired" tanong ni Kyle Tumango si Ely at sumandal kay kyle. "Ihahatid na muna kita sa kwarto mo" sabi ni Kyle pero umiling si Ely at Niyakap siya. "Humiga kana muna dito" sabi ni Kyle pero Umiling ulit si Ely at Mas niyakap pa niya ng mahigpit si Kyle "Mga bata tara na muna sa kusina para makakain. Hayaan na muna natin si Ely kay Kyle. Mas komportable si Ely kay kyle" sabi ni Mama at nauna ng pumunta sa kusina. "Tara na guys kain na muna tayo" sabi ni kuya kina Jay. Lahat ay pumunta na sa kusina mapwera lang samin ni Jay. Lumapit ako kay jay at inakbayan siya "Okay lang siya dyan.Tara kain na muna tayo" sabi ko at hinawakan ang kamay niya papuntang kusina. Pagpasok namin sa kusina ay nakaupo na silang lahat "Bakit may holding hands na nagaganap?" nakakalokong tanong ni Sevi Mabilis akong bumitaw kay Jay at nauna ng umupo. Si jay naman ay umupo sa tapat ko Nag pray muna kami at kumain.. "Sarap talaga magluto ni tita" sabi ni Sevi. "HAHA salamat. Pero hindi ako ang naluto niyan." sabi ni Mama. "Po? Sino?" tanong niya. "Si Ely" sabi ni mama at medyo nasamid pa si Sevi. "She knows how to cook. Nice" puri ni Jungwon. "Kailan pa siyang natutong magluto?" tanong ni Sevi "First time niya" nakangiting sabi ni Kuya. "Ows? Talaga?" hindi makapaniwalang sabi ni Sevi. "Nagtaka kapa. Alam mo naman na magaling sa lahat si Ely" sabi ni Kuya. "Kahit na. Pagluluto kaya ang usapan. First time pero grabe ang sarap" sabi ni Sevi "Ang swerte ng magiging boyfriend ng batang yun, Bukod sa magaling sa lahat, Napakabait ng batang yun, Napakalambing pa, Higit sa lahat napaka maunawain." sabi ni Mama "Pero huwag na huwag mong gagalitin ang babaeng yun. Grabe magalit ang isang yun" sabi ko. "Hindi ko pa nakikitang magalit si Ely" sabi ni Sevi "Gusto mo makita?" tanong ni kuya. Tumango naman si Sevi "Awayin mo kuya niya magagalit siya" sabi ko. "Yun yung pinaka ayaw niya. Yung inaaway yung kuya niya. Pang bata man pakinggan pero yun talaga yung ayaw niya" sabi ko "She has an older brother?" tanong ni Niki. Tiningnan ko muna si Jay pero sa pagkain lang siya nakatingin. "Oo" sabi ko. "Where is her older brother?" tanong naman ni Sunoo. "Kasama ng parents nila" palusot ko. Tiningnan ko si Sevi na halatang nagtataka sa sinabi ko. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya tinuon na lang niya sa pagkain ang tingin niya "Why did they leave Ely here?" tanong ni Heesueng. "Ely does not want to go because she wants to study here?" sagot ni Jay. "You know Ely?" tanong ni Sunghoon Tumango si Jay. "How?" tanong ni Sunghoon 'Aamin na ba siya?' Kinakabahan ako Nakatitig lang ako kay jay at inaantay ang sagot niya. "She's my Cousin" pagsisinungaling ni "Pansin ko lang. Parang magkamuka kayo" biglang sabi ni Sunoo. "S-siguro dahil kambal yung Mama ni Ely at Mama ni Jay" bigla ko na lang sabi habang nakatingin kay jay. Napatingin si Jay sakin dahil sa sinabi ko. Okay naman ata yung sagot ko dahil hindi na sila nag tanong ulit. 'Kailan ba niya itatago na kapatid niya si Ely? Pati tuloy ako nagigong sinungaling ng wala sa oras'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD