Episode 5

1253 Words
Nandito na kami sa kusina at kumakain. 'Ewan ko naiilang talaga ako kay Theo. Feeling ko nag iba na talaga siya' 'Oh sadyang matagal ko lang siyang hindi nakasama' After namin kumain.. Nandito ako sa labas ng bahay nag papahangin. Si Thea nag volunteer na siya na ang mag huhugas ng pinggan. Tutulungan ko sana siya kaso ayaw niya. "Bakit nandito ka? Malamig dito sa labas" si theo. At umupo siya sa tabi ko. "Oh theo! Kanina ka pa dyan? Nagpapahangin lang ako." sabi ko. "Kakadating ko lang. Naiilang ka ba sakin?" deretsong tanong niya. "Huh? Hindi ah. Bakit naman ako maiilang?" sabi ko habang kunwaring natatawa. "Tss alam kong naiilang ka sakin" sabi niya Tumitig ako sa kaniya. Nakatingala siya sa langit at nakangiti.Hindi pa din talaga siya nag babago. Lagi niyang ginagawa yun pag kami lang dalawa yung magkasama noong bata pa kami. "Sabagay tagal nating hindi nagkita kaya ka nagkakaganyan" sabi niya at tumingin sa mata ko. "Sorry na! Grabe kasi yung pinagbago mo physically" sabi ko at tumingala sa langit. "Ganun pa din naman ako. Lampang uhugin tulad ng sabi mo kanina" natatawa niyang sabi. Ngumiti na lang ako at pinagmasdan ang langit. "Ang ganda talaga ng langit noh?" sabi ko sabay harap sa kaniya. Nakatingala siya sa langit nung makaharap ako. Wala ako sa sarili na sinandal ang ulo ko sa balikan niya. Alam kong nagulat siya pero hinayaan niya naman ako sa ginagawa ko. Ewan ko. kanina naiilang ako. tapos ngayon komportable na ako. Ang g**o tss. "Nakakamiss yung ganto noh? Yung kumpleto pa tayo." sabi ko. "Oo nga, Sarap balikan" sabi niya. "Sana makumpleto ulit tayo. Ako, Ikaw, Si Kuya, Si Thea, Si Sevi, Si Kyle, at Si Nathan." sabi ko. "Nakakatawa lang isipin na kayong dalawa lang ni Thea ang babae" sabi niya. "HAHAHA oo nga eh." natatawa kong sabi.. "Alam mo parang wala kang pinagbago" bigla niyang sabi kaya tinanggal ko ang pagkakasandal. "What do you mean? Na pangit pa din ako" seryoso kong sabi. "Hindi ka naman naging pangit kahit kaylan. Kaya nga wala kang pinagbago kasi simula noon hanggang ngayun maganda ka pa din" sabi niya kaya napangiti ko. pero nawala din ang ngiting yun ng may naalala ko. "Kung hindi ako naging pangit bakit ganun ang tawag mo sakin. 'PANGIT' yung tawag mo sakin" pagpapaalala ko sa kaniya. "Gusto ko lang na naiinis ka" nakngisi niyang sabi. "Ang cute mo kasi pag naiinis namumula ng muka mo" dagdag pa niya. "Cute ako? Talaga?" tanong ko na may kasamang ngiti. "Joke lang." sabi niya at tumayo. "Pumasok na tayo. malamig na dito" sabi niya pa. " Theo naman!!" sabi ko na parang bata na nagmamaktol. "HAHAHA tumayo kana dyan" sabi niya at nilahad ang kamay niya para makatayo ako. Tinanggap ko naman yun at tumayo na din. "Cute ako diba?" pangungulit ko. "Hindi" sabi niya at naunang naglakad papasok ng bahay nila "Theo!!" tawag ko sa kaniya at sinabayan siyang maglakad. "Hindi nga!" sabi niya at binilisan ang lakad. "Theo naman!!" pangungulit ko sa kaniya "ANO BA ANG PINAGTATALUNAN NYONG DALAWA??" natatawa pero pasigaw na sabi ni tita. "Eh kasi tita. Sinabihan niya ako kanina na cute ako tapos binawi din agad" sumbong ko. 'THEA POV' Nandito ako sa gilid habang nag v-video kina Ely. HAHAHA parang bata si Ely. "Eh kasi tita. Sinabihan niya ako kanina na cute ako tapos binawi din agad" parang batang sumbong si Ely. "Eh kasi Joke nga lang yun" natatawang sabi ni Kuya. "Kanina sinabihan mo ko ng cute at maganda tapos sa dulo may joke. Nakakainis ka" sabi ni ely na parang batang nagmamaktol. "Kasi nga joke lang yun" ulit ni kuya at mabilis na nag lakad papasok sa kwarto niya Wala akong ginawa kundi sundan sila kasama ng phone ko na naka video. "Theo kasi!!" tawag ni ely at sinundan si kuya.. Sumunod din ako para ma video-han sila. "Theo pwede mo naman sabihin yun ng walang joke ah. Diba?"sabi ni thea na namumula na sa sobrang inis "Tss oo na!" sabi ni kuya na halatang nakulitan na kat ely. "So cute nga ako??" nakangiting tanong ni Ely. "Pfft.. Oo na, Para kang bata" sabi ni kuya at pumasok na ng tuluyan sa kwarto niya at iniwan si Ely sa labas ng pinto niya. "A-Ako parang bata?" tanong ni Ely sa sarili niya "Oo para kang bata!" sagot ko at in-stop ang video at sinave. "Wahhh ano ba itong ginawa ko" sabi niya habang sinasabunutan ang sarili at napa upo na sa sahig. Ngayon lang siguro niya narealize yung ginawa niya HAHAHA.. "Tara. Sa kwarto na tayo." sabi ko at inalalayan siyang tumayo. Nang makatayo siya ay nauna na akong maglakad papuntang kwarto namin. "May pagkaisip bata padin pala si Ely pfft" bulong ko sa sarili ko. Inayus ko ang hihigaan ko at hihigaan ni Ely. Dalawa kasi ang kama sa kwarto ko. At Si Ely nasa Balkonahe nakatingin na naman sa langit. "Ely. Pumasok kana dito. Isarado mona yung pinto diyan sa balkonahe." Mukang narinig nya ang sinabi ko dahil ginagawa niya yun. "Napost mo na ba yung picture mo?" tanong ko. "Hindi pa" Sagot niya habang naglalakad papunta sa higaan niya. "I-post mo na" sabi ko. "Oo saglit" sabi niya at kinuha ang phone niya. "Saan mo i-p-post?" tanong ko "Sa IG at FB.sagot niya. Tumango na lang ako. "Posting na" dinig kong bulong ni ely. "Andddddddd..... Naka post na" nakangiti niyang sabi habang nakatingin sakin. Tiningnan ko ang post ni Ely sa IG. Holy s**t!! 50 hearts in 1 mins. "Kaya ayokong nag p-post eh" pagrereklamo ni Ely. Ang daming nag n-notification sa kaniya kaya ayaw niyang nag p-post. Edi sana all Famous. "Grabe famous mo" sabi ko. "Mas lalo kana" sabi niya. "Ako? Hindi ah!" sabi ko "Pa-Humble ka masyado ha" natatawa niyang sabi. "Hoy hindi kaya" natatawa ko din sabi.. "Nakafollow ba sayo kuya mo?" tanong ko. "Hindi" sagot niya. "I-Follow mo. Malay mo makita niya post mo" sabi ko. Tumango naman siya kaya for sure gagawin niya yun.. "Ilan ba followers mo sa IG?" tanong ko. "10K lang ata" hindi niya siguradong sabi.. Ako na nga titingin. F*ck 10k lang daw. Pa humble din eh. 25K naman. Ewan ko hindi naman siya famous sa school pero ang dami niyang followers na sa school nag aaral. "Lahat ba ng followers mo sa Prince University nag aaral?" tanong ko. "Huh? Ewan ko." sabi niya Tiningnan ko ang post ni Ely sa sss. F*ck..... Pinusuan ng 7 members ng Enhypen ang post niya "Wahh girl.. Pinusuan ng Enhypen ang post mo sa sss" tuwang tuwa kong sabi. Pero walang naging reaction si Ely parang hindi niya narinig yung sinabi ko.. "Narinig mo naman ako. diba?" tanong ko "Oo" seryoso niyang sabi habang nakatutok sa phone niya. "Bakit wala kang reaction?" tanong ko. "Dapat hindi enhypen ang sinabi mo. Dapat si jungwon lang matutuwa sana ako" pilit na ngiti niyang sabi. Lintik talaga ang babaeng toh. Si jungwon lang ata ang importante sa kaniya sa Enhypen. "Oo siya lang ang importante. Isama mo na din si kuya" biglang sabi ni Ely "Narinig mo?" tanong ko. Nasa isip ko lang naman yun ah "Hindi nabasa ko nasa isip mo" natatawa niyang sabi. "Totoo?" tanong ko. Tango lang ang sinagot niya at nahiga na sa kama niya "matulog kana" sabi ni Ely. Nahiga na ako sa kama ko at Hinayaan na lamunin ako ng antok. To be Continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD