5:30 pm na nang makarating kami sa bahay nina thea.
Mapapansin kay Thea ang excitement dahil nag madali siyang bumaba ng kotse at tumakbo papunta sa bahay nila..
"Ma!!" sigaw niya habang kumakatok.
Habang kumakatok si Thea ay kinausap ko muna si Kuya Jb.
"Kuya, Dyan lang po kayo. Sasama po ako pauwi." sabi ko at nag lakad papunta kay Thea.
"Thea! Uuwi muna ako. Kukuha ako ng damit natin" sabi ko.
Napansin ko na nakatingin sakin si Tita kaya nginitian ko siya.
"Hi tita!" bati ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot na para bang kinikilala niya ako.. 'Gaano naba katagal nung huling kita namin ni tita?'
"Ma! Si Ely po! Natatandaan nyo?" tanong ni Thea.
"Ely? Ikaw na ba yan?" tuwang tuwang tanong niya..
"hmm. Opo!" nakangiti kong sagot.
Lumapit sa akin si tita at niyakap ako.
"Ang laki muna!" sabi niya at kumalas ng pag kakayakap.
"Napakagandang bata" sabi niya sabay hawak sa muka ko.
"Thank you po. Ikaw din po tita lalong gumanda" nakangiti kong sabi.
"HAHAHA hindi naman! Napakaliit mo pa nung huling kita ko sayo. Elementary ka pa siguro noon!" Kwento niya.
"Napaka tagal na din po pala" sabi ko.
"Kaya nga eh, Buti napadalaw kayo!" sabi ni tita..
Binaling ko ang tingin ko kay Thea.
"Thea. Uuwi muna ako saglit. Kukuha ako ng damit natin." sabi ko.
"Huwag kana umuwi. Hiramin mo muna yung damit ko" sabi ni Thea.
"May damit kapa ba dito? Napakadami na nga ng gamit mo sa bahay may natira pa pala" sabi ko.
"Kay kuya pala hindi akin." sabi ni Thea.
"Sige na hindi na ako uuwi. Saglit lang lalabas lang ako" pagpapaalam ko sa kanila
Mabilis akong lumabas at sumalubong sakin si kuya Jb.
"Aalis na po ba tayo?" tanong ni kuya jb.
"Kuya kayo na lang po ang umuwi. Dito na lang po ako. Paki dala na po yung mga gamit na binili namin. Huwag lang yung lipsticks" sabi ko sabay kuha ng lipstick.
"Yung mga gamit po sa kwarto ko ilalagay." dagdag ko.
Tumango naman si Kuya jb.
"Aalis na po ako." paalam ni kuya jb.
"Sige po. Ingat po!" sabi ko at pumasok na ulit sa bahay nina Thea.
Pumunta ako sa Salas pero wala na sila dun. 'Asan na sila?'
"Thea?" tawag ko.
"Nasa kwarto niya. Puntahan mo na lang" sabi ni tita na kakalabas lang galing kusina.
"Sige po" sabi ko at pumunta na sa kwarto ni Thea
'Alin nga ba yung kwarto niya? Sa kanan ba or Sa kaliwa?'
"Tita?" pasigaw kong tawag kay tita
"Oh bakit?" pasigaw din niyang sabi.
"Alin po ba dito yung kwarto ni Thea?" sigaw po
"Sa kaliwa!!" sigaw din niya.
"Salamat po" sabi ko. Sanay si Tita sa sigawan. Nagmana ata si Thea sa kaniya.
Naglakad ako papunta sa kwartong sinabi ni Tita at Kumatok.
"Thea??" tawag ko habang kumakatok.
Bumukas ang pinto at lumabas domun si Thea.
"Sa kabila yung kwarto ko. Kwarto toh ni Kuya. Kumuha lang ako ng damit." sabi niya.
"H-huh? sabi ni tita sa kaliwa daw kwarto mo!" sabi ko habang napapakamot sa batok.
"HAHAHA Si Mama talaga hindi oa din nagbabago, Tara na sa kwarto" sabi niya at naunang maglakad papuntang kwarto niya.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya.
Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ni Thea pero biglang may tumawag sakin.
Si Dad..
Kringgg..
Kringgg..
Kring--
On call*
"Hello?" pangunguna ko.
"Hi dear. It's your Mom" sabi sa kabilang linya.
'Si mom pala. Akala ko si Dad.'
"Yes Mom? Why?" tanong ko.
"Where are you? Jb said na wala ka daw sa bahay" sabi ni mom.
"Yeah. Nasa Bahay ako nina Thea." sabi ko
"Oh okay. Bye" tanong niya.
"Tumawag ka lang po for that?" Nagtataka kong tanong.
"Yes dear. Sige na bye. Love you" sabi niya.
"Love you too mom" sabi ko at pinatay ang tawag.
Call Ended*
Pumasok na ako sa kwarto ni Thea. Nakita ko siyang nakaupo sa kama niya at nag c-cellphone.
"Maligo kana muna Ely.Ito muna ang suotin mo." sabi niya habang inaabot ng damit sakin.
Tumango na lang ako at pumasok sa banyo..
'Tss grabe talaga yung nangyari kanina. Nakakahiya. Feeling ko lahat ng nasa mall kanina fans ng Enhypen. Nakakahiya talaga. Nakakainis pa yung lalaking yun. hayss' -Sabi ko sa isip ko habang naliligo.
After few minutes.
Tapos na akong maligo. Ngayun ko lang napansin na Oversized polo shirt pala yung binigay ni Thea sakin. At Cycling short?
'Ano ba namang tong binigay ni Thea saking damit.'
"Ely Wag ka ng mapili atleast may masusuot" sabi ko sa sarili ko.
Kahit ayaw ko ay sinuot ko padin yung binigay ni Thea. Tss ayokong maging maarte dito wala ako sa bahay namin.. Ayus na din toh kaysa naman nakahubad ako.
Pagkabihis ko ay nilagay ko ang towel sa buhok ko.
Lumabas na ako. Kahit nakakahiya. Ngayon lang ako mag gaganto hayss.
"Naks Sexy" puri ni Thea.
Napatakip na lang ako ng muka dahil sa sobrang hiya.
"Wala ka bang panjama?" tanong ko.
"Okay naman ah" sabi ni Thea.
"Oo na lang" sabi ko at umupo sa tabi niya.
"May tumawag pala sayo" sabi ni thea.
"Huh sino?" tanong ko at kinuha ang phone ko
"Ewan ko number lang eh." sabi niya.
"Bakit hindi mo sinagot?" tanong ko.
"May kausap din kasi ako nun." sabi niya.
"Ahh sige ayus lang yun" sabi ko.
"Tara picture-an kita" sabi ni Thea at kinuha sakin ang phone ko at hinila ako sa may balkonahe ng kwarto niya.
"s**t saglit lang" sabi ko at tinanggal ang towel sa ulo ko. Hindi na ako manunuklay bahala siya.
"Manuklay ka naman" sabi ni Thea.
"Ayaw ko. Okay na yan" sabi ko at nagpose ng kung ano-ano.
"Kingina na ganda mo girl" sabi ni thea pagkatapos niya akong picture-an.
"Patingin nga ako" sabi ko at kinuha ang phone ko sa kaniya.
"Post mo sa IG or sa f*******: mo" sabi ni Thea.
"Sige" sabi ko. Photographer talaga ang future ni Thea eh HAHAHA. dijoke lang. Engineer ata ang ate gurl nyo.
"Pili ka ng maganda" sabi ko kay Thea at binigay ang phone ko sa kaniya.
"Sige.. Wait" sabi niya.
"Lahat na lang. Maaayos naman lahat" sabi niya at binalik sakin ang phone ko.
Tumango na lang ako.
"Maliligo na muna ako" sabi ni Thea.
Tango lang ang sinagot ko sa kaniya at Pumasok na siya sa Banyo.
Habang Nag s-scoll ako sa f*******: ay may nakita ako.. Picture ko na nakadagan ako kay sunghoon.
Tiningnan ko yung mga comments at ito yung mga nabasa ko;
"Who is this woman? The thickness of her face collided with my baby sunghoon"
"Sino ba talaga yung babaeng yan? Napaka kapal ng face niya. Hindi naman maganda.
Tiningnan ko ang profile nung babaeng nag sabing di ako maganda. Wow hiyang hiya naman sa kaniya. Wala pa siya sa kalingkingan ko. Charott.
Bumalik ako sa pagbabasa ng comments.
"May itsura naman si ate gurl pero hindi sila bagay ni Baby sunghoon"
'Hindi talaga. Ayoko na kaniya noh. Naiinis ako sa pagmumuka ng BABY SUNGHOON nyo'
"Maganda kaya si Ate gurl. Ang hilig nyo mambash eh ang papangit nyo naman"
Bigla akong napatawa ng malakas dahil sa nabasa ko.
'Tama ka dyan girl. charott'
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" biglang may nagsalita kaya nagulat ako.
"Ay putakte" gulat kong sabi.
"Gwapo ko namang putakte" sabi nung nagsalita kanina.
Tiningnan ko kung sino yun.
S-Si Theo?
"T-Theo?" nauutal kong sabi.
Tumango siya.
"Theo? Yung lampang uhugin dati?" sabi ko sabay duro sa kaniya.
"A-ano? Lampang Uhugin?" sabi niya.
"HAHAHA ikaw nga." tuwang tuwa kong sabi.
Tumayo ako at niyakap siya.
"Nandito ka pala?" sabi ko at humiwalay ng yakap.
"Kahapon pa ko dito" sabi niya at tiningnan ako Head to foot at biglang ngumisi.
Kaya napa urong ko ng konti.
"Bakit suot mo damit ko?" sabi nya habang may nakakalokong ngisi.
"Eto binigay ni Thea eh" sagot ko.
"Bagay sayo" sabi niya at tinalikuran ako at naglakad palabas ng pinto.
Akala ko lalabas na siya pero tumigil siya.
"Pagkatapos ni Thea maligo. bumaba na kayo. kakain na" sabi niya at tuluyan ng lumabas.
Kaya Nakahinga ako ng maluwag.
"Grabe. Hindi na siya yung Theo na lampa at uhugin. kinabahan ako dun ah" bulong ko.
To be Continue...