"K-Kuya!!" umiiyak ko tawag sa kaniya.
Mas lalong humigpit ang yakap ni kuya kaya lalo akong naiyak.
"Shhh... Tahan na" sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko..
Kumalas si kuya ng pagkakayakap at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.
"Promise babawi ako ako" sabi niya at hinalikan ako sa noo.
"I need to go" sabi niya na ikinalungkot ko.
"Promise babawi ka ha?" sabi ko.
"I'll Promise" sabi niya at hinalikan ulit ako sa noo at tumakbo paalis.
Bigla na lang nag unahang pumatak ang mga luha ko..Sinuot ko ulit ang Mask ko at Wala ako sa sariling umalis na lugar na yun at pumunta kay Thea..
Nabigla si Thea ng bigla ko siyang yakapin at umiyak sa balikat niya.
"Okay ka lang ba? May nangyari ba? Sinong umaway sayo papaluuin ko" sabi niya kaya natawa ako.
Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap siya.
"Sa kotse na lang natin pag usapan." Sabi ko.
Habang papunta kami sa parking lot may marinig ako na familiar.
"Sino kaya yung bumangga kay Sunghoon?" sabi ng isang lalaki.
"Ely... Yung Enhypen!" bulong ni Thea sakin habang nakaturo sa Van na Katabi ng Kotse namin.
Shit bakit katabi pa talaga??
Wala kaming choice kundi ang tumuloy sa kotse namin.
"Pero maganda yung Babae.. Medyo kahawig mo siya bro." sabi ng isang lalaki..
"Sino ba yung nakabangga sa enhypen?" Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa tanong ni Thea sakin.
"Huh? Ewan ko." medyo na palakas ata yung sabi ko.
"Wait parang familiar yung boses na yun sakin?" Sabi ng lalaki.
Sumenyas ako kay Thea na tumahimik siya... Pero ang gaga kilig na kilig..
"Nandyan kaya si Jake?" bulong niya.
Nagmadali si Thea na pumunta sa kinaroroonan ng Enhypen.
"Thea!!" medyo mahina kong sigaw sa kniya.
Pero parang walang narinig si Thea at dere-deretsong pumunta sa Enhypen. Wala akong nagawa kundi sundan siya.
"Thea!!" sabi ko sabay hila sa tenga niya habang may kinakausap na lalaki..
"Aww.. Ely.. Masakitt!!" sabi ni Thea na mangiyak ngiyak na. Kaya tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa tenga niya.
Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si kuya
pero iba ang nahagip ng mata ko..
Siya yung nabangga ko kanina. Nagkatitigan ulit kami pero umiwas din ako kaagad.
"Wait lang Ely.. Mag papa autograph lang ako kay Jake" sabi ni Thea at pumunta sa pwesto ni Jake..
"Thea pasok na ako sa kotse..." paalam ko kay Thea.
Paalis na sana ako pero..
"Wait!" sabi nung lalaking nabangga ko kaya napatigil ako sa pag hakbang.
Lumapit siya sakin kaya napaurong ako. Bawat lapit niya ay Siya namang pag urong ko.
Nang wala na akong maurungan..
"s**t!" bulong ko.
"Kilala mo siya Sunghoon?" parang familiar yung boses na yun. Si J-Jungwon ba yun?
Humarap ako sa lalaking nakabangga ko. Medyo malapit na pala kami sa isa'isa.
Nagkatitigan kami..
"Sunghoon. Right?" tanong ko.
"Yes" sabi niya.
Dumiretso ako ng tayo at nakipagtitigan sa kniya. Hinarang niya ang isang braso niya sa gilid ko.
'Ewan ko kung bakit hindi ako naiilang. o Sadyang sanay lang ako makipagtitigan sa mga lalaki' HAHAHA ewan ko.
Ngumisi ako at nilapit ang muka ko sa kaniya. Tinanggal ko ang Face mask ko pati ang kaniya.
'Hindi naman pala kagwapuhan. Mas gwapo pa kuya ko..' 'Tss'
"Gwapo ko ba?" sabi niya. Kaya napangiwi ako.
"Gwapo ka??" sabi ko habang hawak ang baba niya at kunwaring may hinahanao sa muka niya.
"Saan banda?" sabi ko at tinabig siya ng malakas.
Narinig ko na lang na nag tatawanan ang mga kasama niya.
"Ouch. Masakit yun ha" sabi ni sunghoon pero diko siya pinansin
"Sino yung nagsalita kanina? Sino sa inyo si Jungwon?" seryoso kong tanong.
"Yes?" nakangisi niya sabi.
"By the way ang ganda ng boses mo kagabi" ngisi kong sabi.
"Tara na Thea" aya ko kay Thea.
Sumakay na kami sa Kotse..
"Kuya Jb.. Tara na po. Sa bahay nina Thea" sabi ko.
Sumilip muna ako kina Sunghoon.
"Bbye!" sabi ko habang may nakakalokong ngisi.
"Alis na tayo kuya Jb" sabi ko at tumango naman siya.
'Tss Nakakabwiset.. Panira ng araw'
Habang nasa byahe kami si Thea Kilig na kilig padin
"Wahhhhh!! Alam mo ba Ely hinawakan ni Jake yung kamay ko. Ang lambot ng kamay niya. Grabe ang gwapo nilang lahat. Lalo na Si Sunghoon" kilig na kilig niya sabi..
"Si Sunghoon? Gwapo? tss mukang penguin" sabi ko.
'Gwapong gwapo siya dun? yuck'
"Kaya pala nakipagtitigan ka sa kaniya." kinikilig niyang sabi.
"Tss" singhal ko.
"Bagay nga kayo eh" sabi niya.
"Yuck! sayo na lang" nandidiri kong sabi.
"Oo nga po Ely bagay ko nung lalaking yun" singit ni Kuya Jb.
"Pati ba naman ikaw kuya Jb. Ayoko nga dun. Isang malaking YUCK" nakangiwi kong sabi..
"Pag ikaw nagkagusto dun. Sinasabi ko sayo. Kakainin mo ang sinabi mo" nakangising sabi ni Thea.
"YUCK!! malabo. kung si Jungwon pwede pa" nakangisi kong sabi.
'By the way. Ang cute ni Jungwon, may dimple pa'
K
A
T
A
H
I
M
I
K
A
N
Bigla akong may nakitang jollibee drivethru kaya sinabi ko kay kuya Jb na dumaan muna kami dun.
Kumakain lang kami habang nasa byahe. Natigil lang ang pagkain ng ng biglang may tumawag sakin..
Kringgg...
Kringgg...
Kringgg...
"Sino to? number lang" tanong ko sa sarili ko.
"Sagutin mo baka importante" sabi ni Thea kaya sinagot ko.
On Call*
"Yes? hello! What can i do for you?" formal kong sabi.
"Ang formal naman masyado!" boses ni Sevi. (childhood friend namin ni Thea)
"Sevi?" tanong ko.
"May Tama ka!!" masigla niyang sabi kaya natawa ako..
"Saan mo nakuha number ko?" nakangiti kong sabi.
"Kay Tita Allysa" sagot niya. Kay mom pala niya nakuha.
"Nagkita kayo?" tanong ko.
"Hindi. Nakita ko lang na may number pala ako ni Tita kaya tinawagan ko tapos tinanong ko number mo" paliwanag niya.
"Bakit ka pala napatawag" tanong ko
"Sasabihin ko lang na Same School na tayo" masaya niyang sabi.
"Talaga sa Prince University kana din papasok?" tanong ko.
"Oo naman Yes. Kasama mo na si Thea ngayon?" tanong niya.
"Ahh Oo.. Sa bahay siya nakatira ngayon." sabi ko.
"Ahh so bukas hindi na siya nakatira sa inyo?" biro niya.
"Abno HAHAHA" natatawa kong sabi..
"Sige na bye. May gagawin pa'ko" paalam niya.
"Sige bye" sabi ko at pinatay ang tawag.
Call Ended*
"Grabe na miss ko bigla si Sevi" sabi ni Thea..
"Diba Crush mo yun dati? HAHAHHA" pag papaalala ko sa kniya.
"Gaga dati pa yun. Elementary pa tayo nun" natatawa niyang sabi.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig?" natatawa kong kanta.
"Gaga" sabi niya habang namumula ang pisngi.
"Bakit ka nag b-blush? HAHAHA" tanong ko.
"H-Hindi kaya" nauutal niyang sabi.
"Lagot ka kay jake" pananakot ko.
"H-Huy Huwag mo sasabihin yun kay Jake ha" sabi niya.
"Paano ko masasabi eh hindi nga kami nun close" sabi ko sabag kutos sa kaniya.
"Aww. Masakit na ha! Kanina kapa." sabi niya.
Babawi sana siya pero..
"Sige subukan mo! Ipapasabi ko kay kuya yun" pananakot ko.
"HUHUHU' Hindi ko naman itutuloy" mangiyak ngiyak niya sabi.
'HAHAHAH sarap talaga pagtripan ng babaeng toh.'
"Wait Bakit ka nga pala umiiyak kanina?" tanong niya.
Habang nasa byahe ay nag kwento ako sa kaniya kung ano ang nangyari samin ni kuya.
Hindi mapigilan ni thea na maluha habang nag k-kwento ako.
'Napakababaw din talaga ng babaeng toh'
Hanggang sa matapos ko ang kwento ay nakarating na kami sa bahay nila Thea..
To be Continue...