Episode 2

1180 Words
"Elyy?!" Nagising ako dahil may katok ng katok sa pinto. "Ely? Gising kana ba? Papasok na'ko ha" Gusto kong imulat ang mata ko pero antok pa talaga ako "Ely gising na 11 am na!" sabi ni Thea. Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sinabi niya. "Ay kabayo!" rinig kong sabi ni Thea. Nagulat ata sa ginawa ko. "11 am na?" tanong ko. Tango lang ang sagot niya dahil gulat na gulat pa din. Tumayo ako at pumunta sa banyo.. '11 na? What the hell!!? Bakit ang late na masyado ng gising ko? Anong oras na ba ako natulog kagabi?' Kaysa isipin kung anong oras na ako natulog kagabi. Maliligo na muna ako.. After Few Minutes... Tapos na ako maligo at nagbihis na din ako.. Bumaba na ako sa Dining Room Para Kumain. "Good Morning Neh" bati ni Nanay sakin (katulong namin) "Morning Nay" sabi ko at hinalikan siya sa noo. Mas matangkad kasi ako sa kaniya. Mas bata siya kaysa kay mom. 30 years old palang si Nanay at si Mom naman is 35 years old. 10 years old palang ako nandito na samin si Nanay. Ang bata niya pa nung nag trabaho siya. 15 years old lang siya nun. "Ang sweet naman ng alaga ko" sabi niya pagkatapos ko gawin yun. "Nay Si Thea nasaan po?" tanong ko. "Lumabas. May tumawag kasi sa kaniya." sabi niya. "Ahh sige po" sabi ko at umupo na para kumain. "Kumain na po ba kayo?" tanong ko kay nanay. "Oo,Kasabay ko yung Kaibigan mo. Sige na kain ka lang dyan." sabi niya. Tumango lang ako. Ilang sandali pa ay dumating na si Thea at umupo sa upuan na nasa harap ko. "Sinong tumawag sayo?" tanong ko. "Si Mama. Nasa Bahay daw siya" sabi niya. "Matagal pa ba siya sa inyo? Pagtapos natin bumili ng gamit. Deretso tayo sa inyo" sabi ko. "Isang linggo daw siyang Day off. Sige punta tayo." tuwang tuwa niyang sabi. "Sige na mag ayus kana. Patapos na akong kumain." sabi ko. "Sige" sabi niya at tumakbo papunta sa kwarto niya. Pagkatapos ko kumain ay Pumunta na din ako sa kwarto ko at nag Ayos. Pagkatapos ay lumabas na ako sa Kwarto. Saktong pagkalabas ko ay lumabas na din si Thea. Simple lang ang suot ko. Off Shoulder at naka fit jeans. Si Thea naka Blue Dress. "Tara na?" sabi ko. Tumango siya at Sinabayan akong maglakad. Sakto nakasalubong ko si Kuya JB (driver namin) "Ma'am saan punta natin?" masigla niya tanong. "Kuya Ilang beses ko po bang sasabihin na Ely na lang ang itawag nyo sakin" kunwaring nagtatampo kong sabi. "Sorry ma'am, Ay Ely pala" kamot ulo nyang sabi. "Kuya sa Mall po Tayo Bibili lang po kami ng gamit."sabi ko. Tumango si Kuya Jb at naunang maglakad sumunod naman kami ni Thea. Habang nasa byahe parang may familiar na sasakyan akong nakita. 'Kay kuya ba yun?' "Ely diba kotse yan ng kuya mo?" napansin din pala ni Thea. Medyo katapat lang namin yung sasakyan. Nauuna yung sasakyan ni kuya. "Siguro.." yun lang yung sagot ko. "Saan kaya sila pupunta?? tanong ni Thea. "Siguro mag M-mall din sila." sabi ni Thea. "Ewan ko" sabi ko at tinuon ng tingin sa harap. After a few Minutes. Nakarating na kami sa mall.. "Ely. Diba sabi ko sayo. dito din punta ng kuya mo." bulong niya sakin.. "Hayaan mo sila" sabi ko at naunang pumasok sa Mall.. "Ikaw na lang Bumili ng gamit. May bibilhin lang ako. Dito na lang ulit tayo magkita mamaya." sabi ko. Binigay ko kay thea ang Card ko. Cash na lang yung akin. "S-Sige" nahihiya nyang sabi. 'Ewan ko kung napapano tong babaeng toh.' Alam ko kasi na dun papunta sina kuya ayoko na makita sila. "Saan kaya ako pupunta?" tanong ko sa sarili ko.. Alam kong Nakapasok na sina kuya ng mall dahil ang daming nag iiritan na babae. Medyo nag kakagulo na yung mga babae. Nilibot ko ang paningin ko para tingnan kung asan sina kuya. At sa wakas nakita kona.. Tss May body guard naman pala. hindi sila masasaktan.. "Jungwon,Niki,Sunoo. Kayo na lang ang Bumili ng gamit natin" boses nino yun? Grabe ang ganda. 'Huh ano? Maganda? No no no' Erase erase' Napansin ko na parang nakatingin sakin si kuya kaya mabilis akong nag lakad papunta sa bilihan ng Lipstick. Nang makapasok ako sa loob ay nakahinga na ako ng maluwag. Nilibot ko yung paningin ko sa buong lugar pero s**t mali yung lugar na napuntahan ko. Male Store yung napuntahan ko. Dali dali ako umalis sa lugar na yun. Dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko may nasanggi ako. Tingnan ko kung sino yung nabangga ko. Matagal kaming nagkatitigan. Shit ang ganda ng mata niya. hindi ko makita buong muka niya dahil naka facemask siya. "Wahhhh sino yang babaeng yan." "How dare her." "Wahhh sana all" "Pwede ka ng tumayo. Ang bigat mo."sabi niya. Parang familiar yung boses niya. Siya yung kaninang maganda yung boses. 'What? No No No' napailing na lang ako Tsaka ko lang narealized na nakadagan pala ako sa kniya kaya dali dali akong bumangon. "Oh my-- sorry sorry" sabi ko at inalalayan siyang tumayo.. Nilibot ko ang paningin ko at ang dami palang nakakita ng nangyari. s**t nakakahiya. Napatakip ng lang ako sa muka ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Nang tanggalin ko ang kamay ko ay nakatingin pa din sakin lahat ng tao pati na rin yung lalaking nabangga ko at sina Kuya? Si K-Kuya? Shitt lamunin na sana ako ng lupa ngayun.. Binaling ko ulit ang paningin ko sa lalaking nabangga ko. "I'm really sorry! It's my fault. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko............ Sorry na ha, Babawi ako sayo pag nagkita ulit tayo." sabi ko sabay tapik sa balikan niya at kumaripas ng takbo.. Sa bilihan na ako ng lipstick napadpad.. Hingal na hingal ako ng tumingil ako sa pag takbo. "Nakakahiya ka ely. Sa dami daming pwede mong banggain yung sikat pa talaga" bulong ko sa sarili. 'Hays bahala na. Bibili na lang ako ng lipstick.' After few minutes. Nakapamili na ako ng 5 shade ng lipstick. Bumili na din ako ng Facemask para hindi ako makilala ng mga tao at Naglugay ako ng buhok para mas lalong hindi ako makilala. Habang naglalakad ako papunta kay Thea ay may biglang humila sakin.. "Wahh----" Hindi ako nakasigaw dahil tinakpan niya ang bibig ko.. "Shhhh" sabi nung humila sakin. "It's me" boses ni kuya. Dahan dahan nyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. Tinanggal ko ang facemask ko at humarap sa kaniya. "Ku-Kuya?" nauutal kong sabi. Ngayon ko nalang ulit nakita ang muka niya. At ibang iba na talaga siya. Syempre Asensado na. "Kuya y-yung kanina... h-hindi ko naman sinasad----" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap. Ramdam ko sa yakap nya ang pananabik.. Hindi ko na malayan na tumulo na pala ang luha ko. 'Nakakainis. Kailan pa ako naging mababaw?' Wala na akong nagawa kung hindi yakapin siya pabalik at umiyak sa bisig niya. To be Continue....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD