Malalim na ang gabi. Tumatagos mula sa bintana ang sinag ng buwan at tinatamaan nito si Uno na naka-indian sit sa sahig at nakasandal ang likod sa gilid ng kama. Tulala si Uno na nakatingin lamang sa kawalan. Tumatakbo sa kanyang isipan ang ginawa ni Lyndon sa kanya. Naguguluhan siya at the same time ay nangangamba. “Ano bang ginawa niya?” pagtatanong ni Uno sa hangin. “Bakit niya ako hinalikan?” sunod na tanong pa nito. “G-Gusto niya ba ako?” pangatlong tanong na sambit nito. Napailing-iling si Uno. Mas lalo siyang naguluhan. Isa pa sa inaalala niya ay lalong pagtindi ng kakaiba niyang nararamdaman para kay Lyndon dahil sa ginawa nito. “Baka nakaapekto na sa utak niya ‘yung alak kaya niya iyon ginawa,” wika ni Uno. Naisip niya kasi na umiinom sila ng mga oras na iyon kaya baka naimplu

