Nakatayo sa tapat ng gate si Kate at tinitingnan niya ang bahay na nasa loob. Nakasilay ang maliit na ngiti sa labi niya. Masasabi niyang maganda at maayos ang tirahan nila Lyndon at Timothy. Hindi niya akalain na malapit lang pala kay Uno ang tirahan kung nasaan ang anak nilang dalawa. Malalim na napabuntong-hininga si Kate. Muli na naman siyang nakaramdam nang pagkainis pagdating kay Uno. Ang lakas ng loob nitong hindi magsabi ng totoo sa kanya pero ‘yun pala ay nakakasama na nito ang anak nila. Malaya itong nakakasama si Timothy habang siya… muli na lamang napabuntong-hininga si Kate. “Kate?” Kumunot ang noo ni Kate nang marinig niya ang pangalan niya na tinawag ng pamilyar sa kanyang boses. Nilingon niya ito at nakita niya si Uno na nakatayo sa hindi kalayuan at nanlalaki ang mga m

