Chapter 10

1159 Words
Pauline's POV. Nakakainis, 2 years pa bago ako grumaduate, 2 years pa bago ako magkaron ng sarili kong sasakyan, kaya nagtitiyaga akong mag commute muna o kaya naman makisabay kay mama o papa. Hayy tiis tiis muna. "Ma, para po!" sigaw ko sa driver kaya hininto naman nya. Bumaba na ko. Base sa na search ko, malapit na yung ospital na pinagtatrabahuhan ni kuya dito, Maglalakad ako dahil wala namang dumadaang jeep dun. Sobrang miss ko na si kuya, kaya nag decide akong pumunta dito, Aayain ko na lang sya na ilibre ako sa labas. "Waaaaaaahhhhhh! Ang wallet ko!" sigaw ko, sobrang nagulat ako ng biglang may humablot ng purse ko, nandun pa naman ang cellphone ko. Hinabol ko yung snatcher pero bakit ba napakabagal ko -_-  Wala pa ko sa kalahati para maabutan sya. "Hoy, magnanakaw! Ibalik mo yung wallet ko!" sigaw ko habang tumatakbo. "Hintayin mo na lang ako dito miss" sabi nung isang babae habang tumatakbo, babae ba yun? Parang hindi naman. Napahinto ako kase nakita kong sya na ang humabol. Infairness ang bilis nya ah, Athlete ata. Nawala na sila sa tanaw ko. Goodluck kung maaabutan nya, Pero kase yung wallet ko e, Maraming mahalagang bagay ang nakasuksok dun. Mga ilang sandali na kong naghihintay pero wala pa ding dumadating, Di kaya kasabwat yun? Sinabi nya lang yun para makatakas yung lalaki, Ano ba naman tong pinas, dumadami ang kriminal. "Oh, Miss, wallet mo" nagulat na lang ako ng biglang lumitaw sa harapan ko yung wallet ko. Hawak na pala ng babae. "Pasensya ka na natagalan, binitbit ko pa kase sa nearest police station yung humablot dyan, sa susunod mag ingat ka, madaming snatcher sa part na to, Sige aalis na ko" sabi nya sabay talikod saken. "Wait" sabi ko sabay habol sa paglalakad nya, Sinabayan ko na sya sa paglalakad, mukha syang tomboy. "Salamat sa ginawa mo" sobrang grateful ako sa kanya. Isipin mo, isa pang tulad nyang babae yung tumulong saken. "Wala yun, basta mag ingat ka" sabi nya. "Anyway, Ako pala si Pauline pronounced as Poline pero Paopao na lang ang itawag mo saken, Accountancy student ako, I'm 18, Ikaw?" tanong ko, napahinto sya at hinarap ako, Wow, ang ganda ng mata nya, ang haba ng pilik mata, ang tangos ng ilong at ang pula ng labi, sobrang puti din nya, mas maputi pa saken, mukhang ang ganda-ganda nya kapag inayusan kaso tibo ata to, ganun kase syang pumorma "At isa pa, If you don't mind me asking, Are you a lesbian?" Tumawa sya, "Hahaha, Yun din ang akala ko dati e, kaso nainlove ako dun kay Reese, Ako nga pala si Xymon, Hindi ako nagtatrabaho ngayon but tapos ako ng Financial Management, ako kase magmamana ng kumpanya namin, 21 na ko, mas matanda ako sayo" kaso nagulat ako, Reese? Second name ni Kuya yun e. "Eh di ate pala kita, Pwede ba kitang tawaging Ate Xymon?" tanong ko. Tumango naman sya. "Anyway, Ate Xymon, yung tinutukoy mo bang Reese, ang buong pangalan ay Alexander Reese Smith?" tanong ko. "Oo, pano mo nalaman?" tanong nya. I smiled at her, so inlove sya kay Kuya, Ang swerte naman nun, kaso bakla. "He's my Kuya, kapatid nyo ko" sabi ko. Halos lumuwa ang mata ni Ate Xymon sa sinabi ko. "Nakakahiya, nakakahiya sobra!" sabi nya bago nagmadaling maglakad. Hinabol ko sya at pinigilan. "Naku Ate Xymon, Okay lang yun. Ang swerte nga ni kuya kase nagugustuhan mo sya" sabi ko. "Pero Paopao, kapatid ka kase nya medyo big deal, balak ko pa nga lang ligawan ang pamilya nya kapag, Naging lalaki na ang kuya mo at nagkagusto na saken, Eh medyo long run pa yun tapos bigla bigla kitang na meet, kaya napa paranoid ako" sabi nya. "Ate Xy, Okay lang yun, babae din ako naiintindihan kita, No worries, Hindi ko sasabihin kay kuya" "Alam nya, Sayo ako nahihiya" "Wag na, Ate Xy, I bet pupunta ka kay Kuya, pwede sabay na tayo medyo di ako familiar sa lugar e" "Sige, tara" Maya maya lang ay nakarating na kami sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Kuya, Wow napakaganda pala dito, Dito pala ako pinanganak. Sikat tong ospital na to. "Paopao!" napalingon ako sa tumawag saken. "Kuya Alex!" nag wave ako habang palapit sa kanya. "Teka, anong ginagawa mo dito, Tsaka bakit magkasama kayo ni Lianne?" Lianne? Sino yun? Pero bago pa ko makapagtanong ay tumakbo na si Ate Xy palabas ng ospital. "Ang weird talaga ng babaeng yun, Tara sa office tayo mag usap" yaya saken ni kuya. Pagkapasok ko sa office ni kuya ay hindi na ko nabigla as expected napaka linis at organized nun "Ang linis ng office mo kuya ah" bati ko dito. "Ah oo, Si Lianne kase halos every 2days ang paglilinis dito" "Sino ba yung Lianne na yan?" tanong ko. "Ha? Di mo ba kilala yung kasama mo kanina?" taka nyang tanong. "Kilala, Si Ate Xymon" "Tangeks, Si Lianne din yun" sabi nya. Na confused ako, ano? Dalawa character nya? "Xymonette Lianne Sebastian ang pangalan nun, pero mas prefer daw nya ang Xymon kay yun siguro ang pakilala sayo, but I call her Lianne kase bagay sa kanya" pag e explain ni Kuya saken. "Ah, gets ko na, Pero Ate Xy pa din tawag ko sa kanya. So si Ate Xy, janitor sya dito kaya lagi syang naglilinis?" tanong ko ulit. "Hahaha, baliw ka, baka may makarinig sayo, Anong janitor? Only child yun ng may ari ng ospital na ito, mayor ng lugar na to tsaka sikat na business tycoon si Sir George" sabi ni kuya. Halaa! Ang sama ko, napagkamalan kong low level si Ate Xy, nakalimutan ko agad yung sinabi nyang F.M graduate sya at mag iinherit ng business ng nila. "Ah, haha. Kaya sya laging nililinis yan kase nagpapa impress sya sayo, para mahulog ka?" sabi ko. "Manahimik ka nga dyan Paopao, Pero maiba ako, pano kayo nagkakilala?" tanong ni Kuya. "Ah, yun ba. Si Ate Xy yung humabol sa snatcher na ng snatch ng wallet ko, ang galing nya kase nahabol at nadala nya sa presinto agad yung siraulong yun, kaya nasaken ulit to" sabi ko sabay taas ng wallet ko. Ngumiti si kuya, "Yung babae talagang yun, kaya napapagkamalang tomboy e, Napaka amazona, pasalamat ka nandun sya" Kuya is smiling while talking about Ate Xy, something's fishy! "Si Ate Xy lang ba ang may gusto sayo, O nagkakagusto ka na din sa kanya kuya, Umamin ka!" mapang corner kong tanong sa kanya. "A-ano! Baliw ka ba, Ako magkakagusto dun. That's so yuck! Never sa babae!" defensive na sagot ni kuya. "Sige lang kuya, I deny mo pa, Hindi mo naman ako mapapaniwala e" "Papauwiin kita Paopao, bakit ba napaka kulit mo" naiinis na sabi ni kuya, Kita mo na! Guilty tong baklang to! "Hmm, basta may got feeling ako kuya, Ako, I like ate Xymon, She's cute and unique" "You like her, but I don't" sabi ni kuya. "Liars go to hell! Bleeh!" sabi ko kay kuya, sabay dila. Di na sya kumibo, tumawa na lang ako. Gusto ko si Ate Xymon para kay Kuya Alex, feeling ko mahal na mahal nya si Kuya. Sana talaga magkagusto na si Kuya kay Ate Xy, pero mukha namang OO e xD Pero sana si Ate Xy na yung babaeng makakapagpabago sa Kuya kong BAKLA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD