Xymon's POV.
"Tara na Reese, bilis na kase!" sabi ko habang hinahatak ko si Reese, palabas ng condo nya.
Day off nya ngayon, at nandito ako sa bahay nya, At OO alam ko, may pagka stalker na yata talaga ako. Malala na ako.
"Oo na, Oo na Lianne!" sabi nya bago pinabitaw ang kamay ko sa kamay nya.
Ouch, ayaw nya bang hawakan ko sya? Bakit T_T Bakit Reese?! Hmm. Bigla kong naalala. Bakla nga pala itong gusto ko.
Pero wait .....
"What did you call me? Lianne?" tanong ko.
"Oo, Lianne. Your second name is quite beautiful, Maganda pa sa mukha mo" sabi nya sabay tawa.
"Hmm. Sobra ka naman! Tara na nga" sabi ko.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa subdivision namin.
Agad-agad akong bumaba at tumakbo sa basketball court namin.
Oh how I missed my bros!
"Mga pare!" sigaw ko habang palapit sa kanya.
"Oyy! Xymon" sinalubong agad ako ni Drew tapos nagulat ako ng bigla nya kong kargahin.
"Huyy, Drew, anong problema mo? Ibaba mo ko!" sigaw ko.
Alex's POV.
Halos lumawa ang mata ko ng biglang kargahin ng lalaking ito si Xymon.
Anong meron sa kanila? May relasyon ba sila.
"Huyy, Drew, anong problema mo? Ibaba mo ko!" sigaw ni Xymon.
So Drew pala ang pangalan ng weirdo na to.
Hindi nya pa din binaba si Xymon. Binuhat nya pa ng parang baboy yung nasa balikat nya.
"Pumayat at gumaan ka yata Xy? Hindi mo ba alam kung gano kita namiss?" tanong ng Drew na to.
Nakakainis, Kaano-ano ba nito si Xymon? Lumapit na ko.
"Uhm, Drew right? Pwede pakibaba na si Lianne?" sabi ko.
"Whoaaaaaaaa! Tinawag nya bang Lianne si Xymon?" sabi nung isang lalaki.
"Oo, E diba naiinis ka Xymon kapag tinatawag kang Lianne" sabi rin nung isang guy.
"H-hindi ah, Sanay na ko kay Reese" nauutal si Xymon at hindi pa din sya binababa nung Drew.
"Pakibaba na si Xymon" pag uulit ko ng sinabi ko kanina.
"Bakit? Nagseselos ka ba?" nanlaki yung mata ko sa tanong nung Drew.
"Hoy Drew, Bababa na ko, bahala ka" pinagsusuntok ni Xymon yung likod ng weirdo na yun. Kaya binaba na sya.
"Anong nagseselos? Hindi no! Nag aalala lang naman ako sa posisyon ng ulo ni Xy, tsaka kakagaling galing lang nya sa sakit, Bakit namin kita pagseselosan? Eh wala namang kami" mahabang paliwanag ko.
"Hmm. Oo, tama yun. Ano bang pinagsasabi mo tol?" sabi ni Lianne kay Drew. "Anyway, Guys ito pala si Alexander Reese Smith future doctor yan"
"You looked familiar, Ikaw yung nanalo sa pageant dito?" tanong nung Drew. Tumango na lang ako. "Ah, sabi ko na e, Ako si Drew Colton, CEO of Colton's Company" tinanguan ko sya.
"Oo nga bro, Sya yung crush na crush ni Xymon diba? Haha!" sabi nung lalaking kanina pa tahimik
"Manahimik ka nga Charles! Alam nya na yun!" sigaw ni Lianne.
"Wow, ang lakas talaga ng loob mo bro, Anyway, Ako pala si Charles Gutierrez, Computer Engineer" tinanguan ko lang din sya.
"Ako naman si Darren Lazada, CEO ako ng isang Car Manufacturer" Big time pala to, halos lahat sila pero parang mga tambay lang kung umakto.
"Last but the best, Haha. Pare, ako si Clark Montemayor, Future business tycoon, haha. Hindi pa kase pinapamana saken yung mga kayamanan ng magulang ko e" sa look ng lalaking to, mukhang sya ang pinaka friendly yet pinaka makulit.
"So, you play basketball?" tanong ni Darren.
"Malamang hindi, You're a gay right?" Drew. Ano bang meron sa lalaking to? Bakit parang inaangasan nya ko.
"Ano ka ba naman Drew, Sasapakin na kita e" sabi ni Xymon.
"Yes, I'm a gay, but don't get me wrong, I can play that game, better than you do" confident kong sagot kaya gulat na napalingon saken si Lianne.
Xymon's POV.
"Bakla ba talaga yang crush mo?" tanong saken ni Clark.
"How I wish na hindi bro, pero oo e, I don't know what's with him that attracts me so badly towards him" sabi ko sabay pangalumbaba.
Once again, naka 3 point shot na naman sya :3 Nag 2 on 2 game sila. Magkakampi si Drew at Darren, While ang kakampi naman ng my love ko ay si Charles. And take note, tambak sila Drew ng 25points.
At puro si Reese ang shumushoot. He's a good player, napakagaling. How I wonder kung ang nangyari ay lalaki talaga sya.
Malamang naging artista or super famous nya na. Maraming fan girl at mas slim ang chance ko na makalapit sa kanya ng ganito.
Maya-maya lang ay natapos na sila, at as expected talo sila Darren.
Lumapit ako kay Reese, bitbit yung tubig at extra shirt nya galing sa sasakyan nya.
"Reese, Tubig o' tas ito yung t-shirt mo"sabi ko sabay bigay sa kanya nun.
"Thankyou Xymon" agad agad nyang ininom yung tubig dahil.mukha na syang pagod.
Pero ohmysolicious!
Nag take off sya ng shirt dahil pawis na pawis sya at pinunas yun sa katawan nya.
So I had the chance to a closer look to his ABS
ABS
ABS !
Pero naputol yung pagpapantasya ko ng magsuot sya ng panibagong t-shirt.
Nagulat ako ng biglang nilagay ni Charles yung kamay nya sa baba ko.
"Laway mo te, Haha" sabi nya ng mapang asar. Sinamaan ko na lang sya ng tingin.
"Namiss ko na yung favorite game nating magbabarkada Xymon, natatandaan mo pa naman diba?" Darren.
Tumango ako.
"Ano yun?" tanong saken ni Reese.
"Motor racing" sabi ko.
"Marunong ka?" tanong nya ulit.
"Trust me dude, she's an expert in that field" sagot ni Charles.
Nung nakuha ko na ang motor ko, pati na din yung mga barkada ko ay pumosisyon na kami para magsimula. Nakaupo lang si Reese sa isang bench para manood.
3 2 1
Our race began, as usual, sino ba namang tatalo saken dito. Malayo layo na kami kay Reese paikot kami sa buong subdivision. Nauuna ako. At kasunod ko tong tahimik na mongoloid na si Darren.
We our laughing while racing. Namiss ko rin sila.
Halos 2months ko rin silang di naka bonding dahil naka focus ang atensyon ko kay Reese.
Palapit na ko sa finish line.
I won as expected.
Bihira lang naman nila ang mahabol o matalo.
Pinahinto ko na ang motor ko kase ewan ko ba kung bakit bigla akong nabigatan sa motor ko kaya bumagsak ito saken.
"Damn it!" sigaw ko.
Agad agad naman silang naglapitan. Naunang nakarating saken si Charles pero maya maya lang ay nandito si Reese.
Inangat nila Drew yung motor mula saken.
Dun ko lang din nakita yung sugat ko na nagdudugo sa siko.
"You're wounded, uuwi na kita dun ko na gagamutin yan" Pagpepresinta ni Reese. Tumango naman ako. Tinulungan nila akong tumayo. At ang sakit nga ng siko ko.
Maya maya lang ay nakarating na kami sa bahay namin.
Agad agad inabot ni Yaya minda yung first aid kit.
"Arayyyyyyyyyyyyyy!" sigaw ko. Diniinan ba naman ni Reese yung bulak na may alcohol. "Ang sakit naman e!"
"Ikaw kase napaka prone accident mo, napaka bibo mo, ayan tuloy nadi disgrasya ka!" galit na sabi ni Reese.
"Sorry naman, Sorry na" sabi ko.
"Oo na, Masakit pa ba?"
Tumango ako.
"Mag ingat ka naman please, Wag kang gagawa ng makakasakit sayo, Hindi porket alam mo na I care for you"
Napatingin ako sa kanya.
I care for you
I care for you
I care for you
I care for you
I care for you
Reese is caring for me?
Step na ba to?
"I can't help but fall" bigla biglang dumulas mula sa bibig ko pero hinayaan ko na.
Yun naman ang totoo,
Nararamdaman ko
Hindi ko lang sya gusto ngayon
Napapamahal na ko.
Nahuhulog ako
Mas lumalalim yung feelings ko sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo?" confused na tumingin saken si Reese.
"Naiinlove na ko sayo Reese, hindi ko alam bakit? Kahit alam ko namang bakla ka, Minamahal kita lalo"
"Stop! Pigilan mo yang nararamdaman mo, Stop falling" sagot nya.
"How can I stop loving someone who's worth loving, Kahit ano pang sabihin mo, kahit paulit ulit mong sabihing bakla ka, na wala akong pag asa. You, I mean no one can stop me from loving you Alexander Reese Smith"