Chapter 8

1109 Words
Alex's POV. "Okay naman po yung mga vitals nyo Ma'am, baka po over fatigue lang iyan" sabi ko sa pasyenteng nasa harapan ko. "Ganun ba, Hmm. Dapat talaga magpahinga muna ako" sagot naman nya. "That is a good idea po, Sige po, I'll go check with my other patients po" sabi ko sabay tayo. Tapos naman na ko mag rounds.  Pumasok ako sa office ko, Wala sya?  Wala pa din sya? Hindi pa din sya pumunta today. Nakakapagtaka, Pangalawang araw nya ng wala ngayon. Ano ba to! Alexander! Bakit mo ba hinahanap yung boyish na yun. Bakit ko nga ba sya hinahanap.  Hmm. Bahala sya. Pero hindi kase ako sanay na Napakatahimik ng paligid. Walang makulit. Okay naman na kami. After nung sa incident sa morgue, pumunta naman sya kinabukasan. Nag usap at sabay pa kaming kumain kahit na ubo sya ng ubo nun.  As in uubo talaga sya sa harapan ko, parang hindi babae. "Doc Pogi, nasan na yung girlfriend nyo?" tanong saken ni Ella isang nurse dito. "Ha? Sinong girlfriend?" "Si Miss Xy! 2 days ko na syang hindi nakikitang paikot ikot dito, sya lang yung taong ang hilig sa ospital dahil sayo" sagot nya. "Hindi ko yun girlfriend no, tsaka hindi ko alam nasan sya" pagka klaro ko. "Hindi ba? Bagay pa naman kayo, kung maayusan lang si Miss Xy, aba napakaganda sigurong babae nun" sabi nya habang nakangiti. "Ewan ko, Siguro. Sige babalik na ko sa trabaho" paalam ko. Naglakad lakad ako sa hallway. Medyo nababagot na ko. Ang boring pag wala si Xymon. Walang epal, Walang makulit. Nasan kaya yun. Tawagan ko na kaya? Ayy wag na baka ano pang i assume nun.  Baka sumuko na sya, Hayy! Bahala na sya. Maghahanda na ko para umuwi, Anyway, Magpa 5pm naman na. *If I got locked away, and we lost it all today, Tell me honestly, Would you still love me the same* That's my phone's ringtone. Sir George Calling Sinagot ko agad. Sir! Good evening po, Napatawag kayo? Alexander, Uhm. I kinda need your help, matutulungan mo kaya ako? As long as I can sir, Ano po ba yun? Uhm, May urgent meeting kase ako, at kailangan kong pumunta but I can leave her alone. Her? You mean Xymon po? Oo Hijo, Hindi ko maiwan dito sa bahay although may guards at maid naman, She's terribly sick. Ang taas ng lagnat nya last day pa, Nagsusuka at ubo din ng ubo, I bet resulta yun ng pagkaka lock nya sa Morgue. Hindi ko naman maaasahan tong mga maid na alagaan sya dahil main focus nila ang household chores, So I'm asking, can you come over and just check on her, Make sure na makakatulog sya. Then kapag okay okay na sya, You can go, Ibilin mo na lang sa maid. Kung okay lang naman. No! Okay lang sir, No problem with that, Pupunta po agad ako. Oh, salamat Alexander, so punta ka na lang dito, Kilala ka naman na nila kaya papasukin ka, Thankyou talaga. Gotta hang up, Bye. Then the line ended. So that's the reason kung bakit wala sya, May sakit pala sya. Pero bakit di man lang nya sinabi? May sapi din talaga tong si Lianne e, Pagkaligpit ko ng gamit ko ay dumiretso na agad ako sa Mansion nila Sir George. Pinapasok naman agad ako nung guard. Tapos tinura saken nung maid yung kwarto ni Xymon. Kahit sa labas pa lang ay maririnig mo na yung sunod sunod na pag ubo ni Xymon. Kakatok pa lang sana ako ng biglang bukas yung pinto ng kwarto nya. "Ya, tubig" biglang nanlaki ang mata nya ng makita ako, "Reese? Anong ginagawa mo dito?" tanong nya sabay sunod-sunod na umubo. "Uhm, you're dad, he went on a meeting, so he asked me, to take care of you" paliwanag ko. "Si daddy talaga, Okay lang ako, kaya ko na Reese, tsaka nakakahiya naman" "Sure ka? Okay ka na?" "Oo naman, Upo ka muna dito sa sala" turo nya dun sa sofa. "Kukuha lang ako ng maiinom at makakain mo, Anything you like?" Tanong nya saken "Ikaw ng bahala" sagot ko, bago naupo sa sofa. Bumaba naman sya sa ground floor ng bahay nila. I think pupunta yun sa kusina. Okay naman na pala sya, Bakit pa ko pinapunta ni Sir George? Ano to? Tina trap nya ba ko to be with Xymon? Hmm. I wonder -_- Ilang minuto na din akong naghihintay kay Xymon, mukhang masarap talaga ang ipapakain nya kaya ang tagal nya mag prepare. "Ma'am Xymon! Jusko! Ano pong nangyari?! Tulong!" narinig kong sigaw nung maid nila kaya dali dali akong bumaba sa baba at kahit di ko alam ang kusina ay nakapunta ako. "Anong nangyari Xy?" pambungad ko na tanong pagpasok ko sa kusina pero nagulat ako ng makitang nakabulagta si Lianne sa sahig. Agad agad akong tumakbo palapit sa kanya. "Ano pong nangyari?" tanong ko sa yaya nila. "Hindi ko din po alam Sir e, pagpunta ko dito nakahiga na dyan si ma'am sa sahig" sagot nito saken. "Xy, gising" tinatapik ko yung balikat nya pero di sya nagising at dun ko narealize na, "Gosh, Xymon, you're burning!" sobrang taas ng lagnat nya. Agad agad ko syang kinarga para iakyat sa taas. "Manang palangganang may maligamgam na tubig, alcohol, towel, tubig at mga gamot nyo po para sa lagnat" nakakahiya mang mag utos ay kinakailangan. Agad agad namang kumilos yung kasambahay nila. Binuhat ko na paakyat si Xymon sa Mini sala nila sa taas, hiniga ko na lang sya sa sofa. Maya maya lang ay umakyat na yung yaya nila dala yung mga kailangan para kay Xymon. Pinunasan ko ng maligamgam na tubig na may alcohol yung mga ilang parte ng katawan ni Xymon (please, wag po kayong green-minded, Bakla ako!) tapos tinuyo ko rin agad gamit yung tuyong towel. Pinilit ko syang bumangon para uminom ng gamot. Luckily tumayo sya kahit hinang hina. "Pasensya ka na Reese ah, Hindi ako nakapunta ng 2 araw, sobrang sama kasi ng pakiramdam ko" sabi nya sa nanghihinang boses. "Baliw ka talaga no? Yun pa ang inintindi mo, bakit di mo man lang ako tinext na may sakit ka!" naiinis kong tanong sa kanya. "Para san pa, Ayokong makaistorbo sa trabaho mo, tsaka lagnat lang naman ito" "Anong makakaistorbo?! Alam mo bang nag alala ako sayo!" pasigaw kong sabi. Nanlaki yung mata nya sa sinabi ko. "Oo, nag alala ako, Akala ko ano ng nangyari sayo, Akala ko na abduct ka na ng Alien!" Ngumiti sya ng bahagya. "Wag kang mag alala Reese, kahit ano pang mangyari saken, Pupuntahan at babalikan pa din kita, Those 2 days are the longest and saddest part of my life, Not being able to see you, ang bigat dito" sabi nya sabay turo sa puso nya. Napalunok ako, "Oh, mahirap pala e, kaya magpagaling ka. Sa susunod magtext or tumawag ka pag may sakit ka, lalo na kung walang mag aalaga sayo, Pupuntahan agad kita, Okay?" I don't know, Hindi ko din alam bakit ako nagke care sa kanya. Pero wala akong feelings sa kanya. Neknek nyo! XD Muli, ngumiti si Xymon. "Oo, Salamat Reese" sabi nya bago nahiga at tuluyan ng natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD