Chapter 7

1071 Words
Alex's POV. "Breakfast everyone!" masayang pag aalok ni Xymon ng sandamakmak nyang bitbit na tupperware na naglalaman ng home made embutido at fried rice nya. Nakakatuwang panoorin kung gano sya kaliksi, Akala mo hindi nawawalan ng energy. Araw araw syang may dalang breakfast for 2 weeks na. Madalas syang puyat o walang tulog pero hindi halata sa kanya kase nga napaka masayahin at pala ngiti nya. Anyway, laging masasarap yung dinadala nya, Mahal na mahal na nga ata sya ng mga pasyente at staff dito. Huminto sya sa harapan ko bigla. "Reese? Nagustuhan mo ba yung niluto ko?" tanong nya. Sya lang talaga ang tumatawag saken ng ganyan. Hinayaan ko na lang kase baka isa yun sa nagpapasaya sa kanya. "Lagi naman e" sabi ko. Napadako ang tingin ko sa mga kamay nyang may pula pulang marka. "Anong nangyari dyan?" tanong ko. "Ah eto? First degree burn lang naman to. Tumatalamsik kase yung mantika pero okay lang ako" Hindi ko alam yung nararamdaman ko, para akong naiinis kase nasaktan sya sa pag e effort nya. At nako konsensya ako kase ginagawa nya to kse gusto nya ko. "Sige, may aasikasuhin muna ako, pwede ka ng umuwi" sabi ko at hindi ko na hinintay pa ang sagot nya ay tumalikod na ko. Nahihiyang nakokonsensya ako. Hindi ko alam bakit ako pa kase ang nagustuhan nya. Isang Bakla ! Nag rounds na lang muna ako for couple of hours. Maya maya ay napagdesisyunan ko ng bumalik sa opisina para mag take ng quick break. Pagpasok ko sa opisina ay mabilis pa sa alas kwatro kong sinalo si Xymon para huwag bumagsak sa lapag. Agad agad syang bumaba sa pagkakabuhat ko sa kanya. "Ano bang ginagawa mo bakit nakatungtong ka dyan sa taas?" tanong ko. "Uhm, Naglilinis kase ako. Pinupunasan ko yung frame ng mga award mo dun sa dingding kaso nagulat ako ng bigla kang pumasok kaya na out of balance ako at muntikan ng bumagsak buti na lang nasalo mo ko, Salamat ha" mahabang paliwanag nya. Tiningnan ko ang buong paligid ng opisina ko, Oo nga napakalinis so buong oras ito yung ginawa nya. Ano ba talaga? Ano bang gusto nyang mangyari? "Bakit mo ba to ginagawa?" prangka kong tanong sa kanya. "Ha?" gulat nyang tanong. Mukha syang nalilito. "Bakit ka ba araw araw na nagpapa breakfast, bakit araw araw mo kong tinutulungan sa trabaho ko, Araw araw kang nandito, Naglilinis ka at napupuyat, para san ba lahat to Xymon? Ano bang gusto mong mangyari?" "Because I like you, Hindi mo ba napapansin? Bingi ka ba? Halos araw-araw kong sabihin sayong gusto kita, ginagawa ko lahat to para mapansin mo ko, Reese gustong gusto kita simula pa lang at alam mo yun" sagot nya habang nakatitig ng diretso sa mata ko. "BAKLA AKO XYMON" "Alam ko yun" "So, why are you still putting all of this effort for me kung alam mo namang kapwa lalaki ko ang gusto ko!" medyo tumaas ang boses ko dahil naiirita ako. "Hindi ko din alam, pero ayokong sumuko, kahit ilang beses mo pa kong sabihan, I wanna try my best" "You're just f*****g wasting your time Xymonette!" "It's just Xymon" mahinahon nyang sabi. "Kung sa tingin mo lahat ng ginagawa mong ito ay makakapagpabago saken, Ques! Nagkakamali ka! I won't ever fall in love with a girl! Especially with you!" napahinto ako sa sinabi ko sa kanya, Nakatitig pa rin sya saken, Alam kong paiyak na sya dahil namamasa na yung mga mata nya pero nginitian nya ko at tumalikod na lang. Hinayaan ko syang lumabas sa opisina ko. Did I go too far? Sumobra ba ko, Hindi ko naman sinasadya, Oo! Aaminin ko nakakatuwa yung mga effort nya pero ayaw ako patahimikin ng konsensya ko dahil never magiging mutual ang feelings namin. It would always be a one-sided love. I went back to work, Hindi ko na dapat sya intindihin. After several hours, Hininto ko rin ang ginagawa ko, Nagtatrabaho nga ako pero iniisip ko naman yung tomboy na yun. Tumayo na ko, I should apologize. Sumobra ako, Nagkakagusto lang naman sya hindi nya naman mapipigilan yun e. Lumapit ako sa guard ng Exit Door, Tinanong ko kung lumabas na si Xymon. Baka kase nandito pa yun. At tama ako, Hindi pa daw lumalabas yung babaeng yun. Nasan naman kaya yun, Nilibot ko na yung garden, veranda mga hallway na madalas nyang tambayan pero wala sya. Ano yun? Nag vanish bigla nasan na kaya yun. Hinanap ko pa rin sya ng hinanap. "Doc Pogi!" lumingon ako sa tumawag saken, Ah ito yung batang kabulungan ni Xymon nun. "Oh, Hi!" tatalikod na sana ako pero might as well tanungin ko na sya baka nakita nya "Nakita mo ba si Ate Xymon mo?" "Ha? Opo, kanina pa Doc Pogi, dito ko sya nakitang naglalakad, tinawag ko nga sya pero hindi nya ko pinansin, mukhang malungkot si Ate Xymon, Inaway mo po ba sya Doc Pogi?" "Hindi, nagtampo lang si Ate Xy mo saken, Sige hahanapin ko na sya para magkabati na kami" paalam ko sa bata. "Sige Doc Pogi para matupad na yung happily ever after nyo ni Ate Xymon" pahabol na salita nung bata. Napangiti na lang ako kahit alam kong imposible yun. Base sa pagkakasabi ng bata sa hallway na to nakita nya si Lianne na naglalakad. Ano ba yan? Napapa Lianne ako, Pero ang ganda kase ng second name ni Xymon e. So, kung dito sya naglakad e papuntang morgue to ah. Kinabahan ako bigla, Hindi kaya na lock si Xymon sa loob nun. Kapag kase hindi nakalock yun sa labas, makakapasok ka. Pero kapag nasa loob ka na at wala kang susi, talagang mala lock ka. Tumakbo ako, kinakabahan ako, Napakalamig pa naman dun at napakadilim. Tinakbo ko yung morgue at dali dali kong binuksan buti may susi ako, at tama nga ako, Nandun si Xymon. "Xymon!" tawag ko sa kanya. Tumingala sya at tiningnan ako. Kitang kita na nanghihina sya at sobra ng nalalamigan. Tinulungan ko syang tumayo pero bumagsak din sya, Malamang nanghihina sya she's been locked in here for almost 5 hours. Nagdecide ako na buhatin na lang sya. I was carrying her like we are a newlywed. Ang lamig lamig nya at sobra sobra syang nanghihina. "Xymon, sorry sa sinabi ko kanina" Tiningnan nya ko at ngumiti. "Wala yun Reese, Sorry din if I walked out, pero masaya akong hinanap mo ko at nandito ka ngayon" sabi nya bago pumikit at yumakap sa leeg ko. "Magpahinga ka na muna dyan Xymon, Ako ng bahala sayo" That night, hinatid ko sya sa bahay. Nagulat nga saken si Sir George. In explain ko ang nangyari at lubos syang nagpasalamat sa ginawa ko para kay Xymon. Pero hindi ko na kailangan yun, masaya ako. Masaya akong nahanap at naligtas ko sya. Hindi ko alam ano to, pero I'm glad
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD