Pictures to Tell

4095 Words
"Choices are meant to be chosen, So I chose not to choose you." Jeonghan's POV "Please let her love you....Keep that smile to her. Don't let it fade." Muli na namang nagbalik sa akin ang mga sinabi ni Hoshi. Alam kong nasasaktan siya. Pero naiintindihan kong ayaw niyang saktan si Mylene. Kahit ako ay ayokong mangyari yun. Kaya kahit na mahirap ay ginawa ko ang ipinapakiusap niya sa akin. "Jeonghan?" agad akong napalingon sa tumawag sa akin. "Mylene." "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya "A-ahh ano, napadaan kasi ako tapos naisip ko na out niyo na rin naman kaya hinintay na kita." pagsisinungaling ko. Ang totoo ay si Hoshi talaga ang nagsabi sakin na puntahan siya rito. Gusto niya talaga na mapalapit si Mylene sa akin. Hindi ko na nga alam kung tama ba itong ginagawa ko eh. (._.) "Ganun ba? Buti nga natapos na eh. Atleast start na ng Christmas break next week. Ah si Hoshi pala? Nasaan siya? Simula noong bumalik tayo dito pagkatapos nung outing, hindi ko na siya nakita ulit." Nahalata niya rin pala. Paano ko ngayon ipapaliwanag to? "Ah ano kasi, yung papa niya...oo tama! Yung papa niya kasi tinetrain na siya sa negosyo nila. Alam mo na.... Y-yung ganon." tumango tango naman siya. Whoo~ Buti nalang lumusot Naglakad lang kami hanggang sa waiting shed sa labas ng campus. Sinamahan ko siya hanggang sa makakuha siya ng taxi. "Ah. Salamat pala sa pagsabay mo sakin ah. Paki sabi kay Hoshi, goodluck sa company nila. S-saka pakisabi miss ko na siya." pagkatapos non ay ngumiti siya. Agad na rin siyang sumakay sa taxi na huminto sa harap namin. Sandali akong natigilan. Ibig-sabihin.......hindi lang niya napapansin na wala si Hoshi, hinahanap-hanap niya rin ito! HAHAHAHAHA!! Mukhang may pag-asa parin si Hoshi! Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong tinawagan si Hoshi. "HOSHIIIII!!!" "Hyung? Napatawag ka? Kamusta si Mylene?" Inlababo nga. Ako ang tumawag pero si Mylene ang kinamusta. (-.-) "Hoshi! I knew it! May pag-asa ka pa kay Mylene! Kanina sinabi niya na miss ka na niya. Ito na yun Hosh!" natutuwang kwento ko. "I admit that I feel flattered hyung. Pero mali nang umasa pa. Alam ko nang talo na ako. Siguro, nasanay na siya na sinusundan ko siya at nilalapitan parati kaya hinahanap niya ako. It means nothing hyung." "It means nothing? Ganun na ba talaga ang tingin mo sa sarili mo Hoshi? Pag-asa na nga ang lumalapit sayo, pilit mo pang tinataboy---" "Kasi nga imposible nang mangyari hyung. Ikaw ang gusto niya at hindi ako. Kahit nga siguro papiliin siya kung ikaw o ako siguradong ikaw ang pipiliin niya. I'm sorry hyung but I need to end this call." at pagkatapos niya ngang sabihin iyon ay pinutol niya na ng linya. Pabagsak nalang akong humiga sa kama ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. I admit that it's hard for me to be in this situation. Pakiramdam ko ako ang naiipit sa gitna nilang dalawa. Kapag pinili kong sundin si Hoshi na hayaan si Mylene na magkagusto sa akin, alam kong nasasaktan si Hoshi. Kapag naman inamin ko kay Mylene na hindi ko siya magugustuhan, siya naman ang masasaktan. I feel guilty. Sana hindi nalang ako ang nagustuhan niya. ―--―--―--― Pumasok ako sa department store. Dumiretso ako sa Chocolate section. Naniniwala ako na mababawasan ang mga iniisip ko kapag nakakain ako ng chocolate. "Jeonghan?" nilingon ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. "Mylene." banggit ko sa pangalan niya "Chocolates?" "Ah. Oo. Ikaw?" "Ganun din. Nagcrave ako eh." natatawang sagot niya. "Teka? Mag-isa ka lang? Hindi mo ba kasama si Hoshi?" kung hindi ko lang alam na may gusto siya sa akin, baka inasar ko na siya kay Hoshi dahil sa tanong niya na yun. "Ah, hindi eh, mag-isa lang ako. Ikaw? May kasama ka?" "Wala, mag-isa lang din ako." Sabay naming binayaran ang mga binili namin saka lumabas na ng department store. "Uuwi ka na?" tanong ko sa kanya "Hmm. Balak ko sanang dumaan sa park. Dun ko to kakainin." sagot niya. "Samahan na kita." sabi ko "Talaga? Hindi ba nakakaabala para sayo?" "Hindi naman. Gusto ko rin sanang maglakad-lakad." sagot ko Nginitian niya nalang ako bilang sagot. Maganda nga siya ngumiti. Inosenteng-inosente. Hindi na ko magtataka kung bakit gusto ni Hoshi na mapanatili sa kanya ang ngiting iyon. "Malapit na akong magtampo kay Hoshi. Hindi na siya nagmemessage sa akin. Kinalimutan na yata ako ng hamster na yon." bahagya akong tumawa sa sinabi niya. Kapwa kami umupo ng bench saka sinimulan nang kainin ang dala naming chocolates. "Alam mo bang ayaw niya na tinatawag siyang hamster? Kasi tiger daw siya. Hahahaha!" "Talaga? Ang cute naman niyang tiger? Mas mukha parin siyang hamster lalo na kapag kumakain siya. Kamukha niya yung hamster sa wonder pets Hahahaha!" "Sira Hahaha. Inaaway niya yung mga tumatawag sa kanya ng hamster. Si Wonwoo nga lagi niyang kaaway yun eh. Hahaha!" "Wag ka nalang maingay na tinawag ko siyang hamster. Secret nalang natin yun Hahaha." "Sige sige. Hahaha!" Bigla ay parang may dumaang anghel. Kapwa kami natahimik. I feel awkward. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. O kung ako ba ang unang magsasalita ulit. "J-jeonghan." napalingon naman ako agad sa kanya. "Did you already know that I like you? Did Hoshi told you about it?" halos hindi ako makahinga. Hindi ko alam ang isasagot ko. Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa kanya. "I'm sorry. Did you feel uncomfortable?" agad akong umiling. "N-no. It's just that, I don't know what to say." mahinang sabi ko "So you knew." bumuntong hininga siya. Nanatili naman akong tahimik. "I feel embarrassed. But still, I want you to know that I don't feel any regretion. I still like you. And I want you to like me too." agad akong napalingon sa kanya nang sabihin niya iyon. "I know it may sound selfish but yes, I want you to give me a chance to make you fall for me. I want you to feel the same way as mine." "M-mylene." hindi ako makapaniwalang naririnig ko ito sa kanya ngayon. Bigla ay naramdaman ko ang mabilis na pintig ng puso ko. "P-please Jeonghan. Please. Let me love you. Please like me the way I like you." ―--―--―--― Nakarating ako ng bahay nang hindi ko manlang namamalayan. Parang bigla ay nawala ako sa sarili. Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Mylene. Iniisip ko rin yung pintig ng puso ko kanina habang pinapakinggan yung mga sinasabi niya. Hindi ko na malaman kung ano ba ang mga dapat kong gawin. Para akong nasa isang Math Problem na hindi ko alam ang formula na gagamitin. Para akong pipili sa mga choices na wala namang tamang sagot. Ayokong saktan si Hoshi sa t'wing magkalapit kami ni Mylene. Ayoko rin namang saktan si Mylene sa katotohanang hindi ko siya gusto. Pakiramdam ko mababaliw na ako. "Jeonghan hyung!" bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko iyon. "Hoshi!" "Saan ka galing hyung?" napaisip naman ako bigla kung sasabihin ko ba na kasama ko si Mylene kani-kanina lang at ito mismo ang nagsabi sa akin na may pagtingin siya sakin. "S-sa department store. May binili lang." tumango-tango naman siya. Kapwa kami umupo sa sofa. "Ano palang sadya mo rito?" "Well, magpapaalam sana ako hyung." "Paalam? Aalis ka?" "Mm. Nacontact na namin si Mom. Nagkaayos na rin sila ni Dad. Nasa Florida siya ngayon kaya balak kong sumunod sa kanya. Sa tuesday ang alis ko, start ng Christmas break." "Agad? Diba may plano pa yung barkada na magpasko sa Resort nina Wonwoo?" "You know that Mylene will possibly be there because of you. Besides, gusto ko rin na makasama si Mom sa pasko." hindi ko maitago ang lungkot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit niya kailangang iwasan si Mylene. "May paraan pa ba para mapigilan ka sa pag-alis?" "Siguro kapag nagbago ang ihip ng hangin at sabihin sa akin ni Mylene mismo na ako ang gusto niya." sandali akong natigilan. "Hahahaha look at your face hyung. I'm joking. Don't tell me, you already like her? Hahah well, t-that's....good." "No of course not." bahagya siyang napatawa "Look, it's okay, and besides, babalik naman ako eh. Hindi naman ako mawawala. Please take care of Mylene hyung. I'm counting on you." ―--―--―--― Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko. Nag-iisip ng kung anu-ano. Iniisip ko na what if si Hoshi talaga ang nagustuhan ni Mylene at hindi ako. Siguro wala akong pinoproblema ngayon. Napasapo ako sa noo ko. "Kung pwede lang na ako mismo ang magsabi kay Mylene na gustuhin nalang si Hoshi edi sana tapos na!" naiinis na bulong ko. Natigilan ako bigla. "...paki sabi kay Hoshi, goodluck sa company nila. S-saka pakisabi miss ko na siya." "Malapit na akong magtampo kay Hoshi. Hindi na siya nagmemessage sa akin. Kinalimutan na yata ako ng hamster na yon." "Siguro kapag nagbago ang ihip ng hangin at sabihin sa akin ni Mylene mismo na ako ang gusto niya." Hindi ko man masasabi, pwede kong iparamdam sa kanya kung sino talaga ang gusto niya! Alam ko na kahit papaano ay may puwang si Hoshi sa puso niya. Hindi niya lang napapansin yun. Agad kong dinampot ang cellphone ko at idinial ang number niya. "Hello? Mylene?" ―--―--―--― "Bakit sa Baguio?" "Mas magagamit natin yung oras kapag nandon tayo." "Bakit kasi ayun pa yung naisip mo? Ang weird." "Diba sabi mo, You will make me fall for you. Gawin mo yun. In 24 hours." sagot ko sa kanya habang nagdadrive. "Bakit limited?" tanong niya ulit. "Just imagine that it is your challenge Mylene." nang-aasar na sagot ko. "Kung si Hoshi siguro kasama ko mas matinong sagot ang makukuha ko." nakasimangot niyang sabi. Parang may kung anong bagay ang kumirot sa dibdib ko nang ikumpara niya ako kay Hoshi. Sandali kong itinabi ang sasakyan. Kinuha ko ang polaroid camera ko at inihanda ito. "Tingin ka dito, let's take a picture. A memory of you being irritated." ―--―--―--― "So your challenge is to make me fall for you in 24 hours. So your timer's starts now--!" "T-teka! Bumili ka talaga ng Timer para dito?" "Oo bakit? Wag mo na to pansinin yung oras mo tumatakbo." "Eh ano bang dapat kong gawin?" "Aba malay ko, challenge mo to." inirapan niya lang ako saka hinila na kung saan. "Required din ba na ako ang magbayad ng entrance fees?" "Don't worry may stab na tayo. Bayad na lahat ng gusto mong puntahan." sagot ko na ikinagulat niya. "Sinong sponsour mo?" "Minghao." sabay nalang kaming napatawa. Pumunta kami sa Strawberry farm. Magiliw siyang pumitas ng mga bunga roon habang ako ay sumusunod lang sa kanya. Inaamin kong saya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Bagay na hindi ko inaasahan. May misyon ako kung bakit ko naisipan ang mga ganitong bagay. Misyon na dapat kong tapusin sa loob rin ng bente-kwatro oras. If Mylene's mission is for me to fall for her. Then my mission is not to fall inlove with her. Hindi pwedeng mahulog ako sa kanya. May mga bagay na dapat akong ipakita sa kanya. At maipapakita ko lang iyon, kapag hindi nga ako nahulog sa kanya. "Jeonghan say Ahhhh." sabi niya saka ngumanga. Nakaabang sa kamay niya ang isusubong strawberry sa akin. "Ahhhh." "Laki ng bunganga." agad akong sumimangot. "Wag ka magpout, di bagay sayo. Mas cute parin sayo si Hoshi." muli ay nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Nagsisimula na akong magduda. KASASABI KO LANG NA HINDI AKO DAPAT MAHULOG SA KANYA!! Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Picture tayo." sabi ko saka inihanda ang camera. *Click* "Ang ganda dito noh? Gusto ko rin sana makasama dito si Hoshi. Siguro, mauubos yung bunga ng strawberry kapag siya yung kasama ko mamitas Hahahah." bahagya akong ngumiti. "Isa pang picture dali." sabi ko kaya agad naman siyang tumabi sa akin. ―--―--―--― "Sasakay tayo dyan?" "Hindi lalangoy tayo sa tubig." pinandilatan niya ako ng mata matapos kong sabihin yun. "Obvious ba? Natural sasakay tayo, alangan naman yung isda yung sasakyan natin diba?" dagdag ko pa. Sumimangot lang siya saka nauna nang sumakay sa bangka. Narito kami ngayon sa Burnham Park. Ako na ang nagsuggest dito. Hindi ko naman kasi alam na ngayon lang pala siya nakapunta dito at Strawberry farm lang ang alam niya. "Sana sinama mo rin si Hoshi para naman may kausap akong matino!" hindi siya nakatingin sa akin nang sabihin niya iyon kaya kinuhanan ko siya ng litrato habang nakatalikod sa akin. "Hoy wag ka na magtampo. Hindi naman kita susuyuin. May challenge ka pa diba?" hinarap niya ako saka sinamaan ng tingin. Binigyan ko nalang siya ng malawak na ngiti para mas lalo siyang maasar. ―--―--―--― Ilang oras na rin matapos kaming makarating dito sa Baguio at masasabi kong marami nang nangyari sa walong oras na nalagas. "Ano? Wala ka na bang maisip na gimik? Pano ba yan, hindi pa tapos ang 24 hours mo talo ka na yata." nang-aasar na sabi ko "Hindi ko naman kasi alam na Challenger pala yung taong nagustuhan ko! Ano ba motto mo? Dream, Believe, Survive?" "Hahahahah. Alam mo, ang dami mong alam. Ano na? Talo ka na? Iistop ko na ba yung timer? Hahaha!" "Bahala ka. Kung ayaw mo sakin, sabihin mo nalang. Ang dami mong alam." natigilan naman ako. Seryoso na ba siya? "Oh? Anong tingin yan? Hahahaha! Natakot ka noh? Akala mo galit ako? HAHAHAHAHAH!!" sinamaan ko naman siya ng tingin "Alam mo Jeonghan, ang pag-ibig, ang pagkahulog sa isang tao, walang pinipiling oras. Walang schedule kung kelan ka mahuhulog at walang limitasyon kung hanggang kailan ka magmamamahal. Kaya yung tungkol sa feelings ko sayo, pwede mo pa naman akong magustuhan. Kahit lagpas na sa bente-kwatro oras." pagkatapos non ay ipinakita na naman niya ang inosente niyang ngiti. Dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. Bagay na hindi ko dapat maramdaman. Mali ka Mylene. Hindi kita pwedeng magustuhan. Hindi pwede. ―--―--―--― "Tingnan mo. Magugustuhan kaya 'to ni Hoshi? Sabi mo gusto niyang Tiger siya diba?" agad ko siyang kinuhanan ng litraro habang hawak-hawak ang tiger stuff toy na nakita niya. Nandito kami sa Night Market. Plano naming bilhan ng pasalubong ang barkada. "Pero mas bagay sa kanya to. Mas mukha kasi siyang hamster." *Click* "Ah alam ko na. Ibibigay ko sa kanya tong tiger tapos sakin yung hamster. Diba Jeonghan?" *Click* "Huy! Picture ka ng picture dyan eh! Akala ko ba bibili ka ng pasalubong para sa mga kaibigan mo?" "Sige na pumili ka na dyan." "Anong ako ang pipili? Si Hoshi lang ang bibilhan ko. Siya lang naman close ko don eh." *Click* "Whaaaa!! Jeonghan! Totoong Hamster oh! Tingnan mo dali!" nilapitan ko siya at tiningnan ang ipinapakita niya. Nakita ko nga ang mga hamster na itinitinda. "Hoshi! Andito ka pala. Kaya pala hindi kita nakikita sa school." *Click* "Kunin mo." sabi ko. "Huh? Hindi na noh." "Manong magkano?" "750 tapos 530 yung bahay tapos 300 yung feeds." "Mahar." bulong ko. "Mura na yun ser." narinig niya pa yun. "Sige bibilhin ko." "Talaga bibilhin mo?!" tuwang-tuwang tanong niya. "Ang swerte mo sa boyfriend mo Miss." kapwa kami napatingin kay manong. "Ano ba manong. Hindi ko siya boyfriend Haha." "Ayan. Ang ipapangalan ko sayo ay Hamshi. Para Hamster na Hoshi Hahaha. Ang cute diba Jeonghan." ngumiti lang ako bilang sagot. *Click* ―--―--―--― "Salamat ah." napalingon naman ako sa kanya "Para saan?" tanong ko. "Sa pagdala sakin dito. Kahit na pinagawa mo pa ko ng kung ano-anong challenge." bahagya akong napatawa. "Did you enjoy?" tanong ko. "Oo naman. Lalo na kasi meron na akong Hamshi!!" sagot niya saka magiliw na ipinakita ang kulungan ng hamster na bitbit niya. *Click* "Kanina ka pa picture ng picture nang walang paalam!" "Sorry Hahaha!" "Patingin ako ng mga nakuha mo." "Wag muna. Makikita mo rin lahat to." "Ayan ka na naman sa pasurprise mo eh!" hindi ko nalang siya pinansin saka kinuhaan ulit siya ng litrato. "Jeonghan......about my feelings." napalingon agad ako sa kanya nang banggitin niya iyon. "I know it must be hard for you. So I decided not to open up this conversation anymore. Mali na napressure kita nang sabihin ko na gusto kong gustuhin mo rin ako. Narealize ko na, hindi lahat ng bagay pwede kong makuha. I'm saying this to you not because I didn't like you anymore. I just realize that it is better for us to be friends just like this." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. "It's nice being with you for 24 hours. It made me realize that it is better for us to be friends still." gusto kong magsalita. Pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto ko siya pigilan. Pero hindi ko alam kung paano. It's nice being with you also for 24 hours Mylene. It also made me realize something. I lost. I fall. But the question is. What should I choose? Choose to be happy? Or choose to make someone's happiness? ―--―--―--― "Salamat sa paghatid." nginitian ko lang siya saka ibinigay ang bagay na hawak hawak ko. "Scrapbook? Ikaw ang gumawa nito?" tumango ako bilang sagot. "Ginawa ko yan kagabi. Mamaya mo na tingnan. Tapos mamayang 5pm. Magkita tayo sa Park." "Magkikita? Bakit?" "Basta. May message pala ako sa last page ng scrapbook. Mahalagang mabasa mo yun. Basta mamaya ah. 5pm." nginitian ko siya saka umalis na. It must be exaggerated but I think this was the most difficult choice I've ever made. But yes. I choose to be happy........ Mamaya, magiging masaya ako. Kami ni Mylene. Alam ko yun. ―--―--―--― I'm already here at the park. I'm now waiting for Mylene. Right at this moment, I can already hear my own heartbeat. I feel nervous and excited at the same time. Maya-maya lang ay nakita ko na si Mylene mula sa malayo. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya. Sigurado akong nabasa niya ang mensahe ko sa scrapbook. Dahil masaya siyang papalapit sa kinaroroonan.......ni Hoshi. Agad niya itong niyakap ng mahigpit. Kahit nasa malayo ay kitang-kita ko ang pagkagulat ni Hoshi. Sandali silang nagkausap at sa wakas ay nakita ko na muli ang ngiti ni Hoshi. Ngiti na si Mylene lang ang tanging dahilan. Mula sa malayo ay kitang-kita ko ang saya sa pagitan nilang dalawa. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang isang litrato. Makikita sa litratong ito ang pagkairita sa mukha niya. Bahagya akong napangiti nang maalala ang naganap sa likod ng litratong ito. "Ayan ka na naman sa pasurprise mo!" Iyan ang mga katagang sinabi niya bago ko makuha ang litratong ito. Napangiti ako. "Nagawa ko. Napili ko ang tamang sagot." bulong ko habang nakatitig sa litratong hawak ko. "You're already happy. As well as me. Because I can see that your both happy." Choices are meant to be chosen. So I chose not to choose you. Because you're already in someone's choice. I'm happy that I've been a part of your precious moments. But I can't say that you're my sweetest thing. Because you belong with Hoshi's Sweetest thing. You're his sweetest thing. Special Scene Mylene's POV Binuksan ko ang Scrapbook na ibinigay ni Jeonghan. Natutuwa ako kasi naisipan niya pang gumawa ng ganto para sa akin. Ang pinagtataka ko lang. Pangarap ko ang makasama siya na kaming dalawa lang. Pero parang may mali. Parang taliwas sa mga expectation ko yung naramdaman ko nung magkasama kami. Parang laging pakiramdam ko may kulang. "This picture shows how irritated you are for not answering your questions. It is also the picture after you said na kung sana si Hoshi ang kasama mo, matinong sagot ang makukuha mo." basa ko sa nakasulat dito. Doon nga ay nakita ko ang picture naming dalawa sa kotse. Ito ung pinaka una naming picture. "The next picture, dito mo sinabi na wag akong magpout kasi mas cute parin si Hoshi kesa sa akin." "This picture naman ay yung pagkatapos mong sabihin na kung si Hoshi ang kasama mo, baka maubos yung bunga ng strawberry." "Ito naman yung nasa burnham park tayo. Pinipilosopo ko yung pagsagot sayo kaya nagtampo ka. Sinabi mo rin dito na sana sinama ko si Hoshi para may kausap kang matino." patuloy lang ako sa pagbabasa at unti-unti ay may nakikita akong mga pagkakapareho. "Dito naman sa picture na to, hawak hawak mo yung tiger na stufftoy. Naalala mo kasi na Tiger ang gusto ni Hoshi na itawag sa kanya." "Dito naman, hawak mo yung hamster stufftoy kasi sinasabi mo na mas mukhang hamster si Hoshi." "Pero dahil nga si Hoshi lang ang iniisip mo, binili mo pareho para yung tiger kay hoshi at yung hamster ay sayo." "Dito naman sa picture na 'to, sinabi mo na si Hoshi lang ang bibilihan mo kasi siya lang naman ang close mo sa barkada." doon ko na tuluyang napansin na lahat ng picture ay yung mga oras na si Hoshi nag bukambibig ko. "This picture shows how excited you are when you see a real hamster. Tuwang-tuwa ka tapos tinawag mo pang Hoshi yung isang hamster." "This is the time na nabili na yung hamster. Pinangalanan mo agad siya na Hamshi. Para hamster na Hoshi." "Finally, the last picture. When I asked you if you enjoy. You said yes. Also because of Hamshi." Naguguluhan man kung bakit puro picture kung kelan ko laging sinasabi si Hoshi ang mga nakalagay don ay inilipat ko ang atensyon sa pinakahuling pahina ng scrapbook. Dito sinasabi ni Jeonghan na meron siyang nilagay na mensahe na importante kong mabasa. "Dear Mylene, Did you recognize it? Lahat ng litratong nandyan, ay yung mga pagkakataon na nababanggit mo si Hoshi. So I'm telling you this. That 24 hour challenge is not for you to make me fall for you. Instead, it is a test for me to know if you really like me. And that pictures tells the answer. No Mylene. It's a No. Maybe you think of liking me. But you will never love me as romantic as you think because your heart, keeps on asking for Hoshi. About your hamster? I was the one who buy that, but you named it next to Hoshi. The moment you're talking to your hamster, you're thinking that it is Hoshi. When I asked you if you enjoyed, what I mean for that question was if you enjoy your day with me. But you answered yes because you already have Hamshi. AGAIN, thinking about Hoshi. Now to ask you this, do you still like me that way you think so? Or you already realized something that you missed? I just want to advice Mylene. Sundin mo ang puso mo, at wag ang kung anong nakasanayan mo. Bukas aalis si Hoshi papuntang Florida. Do you want to missed any single second? See you later at 5! I will help you to tell him everything." pinunasan ko ang mga luhang tuloy-tuloy na umaagos sa pisngi ko. Ganun ba talaga ako naging manhid para hindi maramdaman yun? Tama si Jeonghan. Si Hoshi. Si Hoshi ang mahal ko. Nakakainis kasi hindi ko pa to nalaman sa sarili kong paraan! ―--―--―--― Nagmamadali akong pumunta ng park. Pagkarating ko don ay agad na hinanap ng mata ko si Jeonghan. Ang sabi niya tutulungan niya ako na makausap si Hoshi. Pero tila napako ang paningin ko sa isang taong dahilan ngayon ng mabilis na pintig ng puso ko. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit. "M-mylene?" ramdam ko ang gulat niya. Kahit ako ay nagulat rin. Plano parin ba ito ni Jeonghan? Kung oo, ang galing niya. "I'm sorry. Andaming nasayang na oras. Sana noon ko pa nalaman." sabi ko "A-ano bang ibig mong sabihin?" "Hoshi, yung sinabi ko na gusto ko si Jeonghan, false alarm yun! Ikaw, ikaw ang gusto ko. Nakakahiya kasi si Jeonghan pa mismo nakapansin na ikaw yung talagang gusto ko at hindi siya. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman eh." "Maybe because, he believes that there's really a chance." "Chance?" "Mylene, Jeonghan hyung knows how much I love you. Pero nung sinabi mo na siya ang gusto mo, sumuko ako. But he's the one who still believe that there is a chance. Naniniwala siya na balang araw, tayong dalawa ang magkakatuluyan. And thanks to him. Mukhang tama nga siya." sabi niya saka ngumiti. Muli ko siyang niyakap. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. "I love you." I whispered. "I love you too. My sweetest thing." ~End~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD