Chapter 8
“God! I can't wait to have some privacy with him!” excited na bulong ni Gianna sa kanyang sarili habang nagmamadali sa paglabas mula sa dining hall. Nagpaalam siya kaagad kay Summer na mauuna siya sa kanilang silid dahil aayusin niya pa ang kanyang uniform. Hindi totoo ang kanyang rason.
Nagsinungaling lamang siya sa dalaga dahil ang totoo ay hahanapin niya ang lalaking si Silvanus. Gusto niya itong makita. “Grrr! I can't believe I’m doing this!” singhal niya sa sarili dahil ngayon lang siya nagka-interes sa isang lalaki.
“This is stupidity, Gianna! Paano kung mapahamak ka?” pasinghal niyang sermon sa sarili ngunit nagtatalo ang kanyang isip. “My goodness! Para ito sa kinabukasan mo, Gianna! Kaya umayos ka! Ipaglaban mo ang bandira ng----.” Napatalon siya bigla dahil bumangga ang kanyang katawan sa isang matigas na bagay.
Pikit-mata itong kinapa ni Gianna. “Oh my God! It's hard!” nakangising sambit ni Gianna habang iba ang pumapasok sa kanyang isipan. She imagined herself groping Silvanus abs. Hindi niya napigilan ang sariling kiligin dahil sa naiisip.
Girl! Umayos ka at baka masabihan kang timang! Wake up!
Isang tikhim ang kanyang narinig na naging dahilan nang pagkabalik niya sa huwisyo. “W-Whoa!” tarantang singhal niya dahil sa gulat. Bahagya siyang napaatras nang masalubong ang nakakunot-noong binata. Si Silvanus. Nagugulat itong tinitigan ni Gianna.
Oh my goodness! I can't believe he is in front of me! He’s right here! Oh Lord! Forgive me!
Nakapamulsa si Sil at guwapong-guwapo ito sa suot na uniporme. Kunot na kunot ang noo ng binata. Halos magsuntukan ang mga kilay nito. Hindi alam ni Gianna kung ano ang ginawa niya at masama ang tingin sa kanya ng binata. “My God! He’s right in front of me!” She screamed at the top of her lungs without noticing. Kaagad niyang naitikom ang bibig nang marinig ang sariling sigaw. She pinched something and it strange.
“What are you doing, woman?” tanong ng binata sa kanya.
“H-Ha?” Nag-isip siya kung ano ang kanyang ginawa. “N-Nothing?” patanong na sagot ni Gianna.
Narinig niyang bumuntonghininga ang binata. “You’re pinching my nipples.” Kaagad na napatingin si Gianna sa sariling mga kamay. Nakahawak pa rin ito sa dibdib ng binata at tama nga ito. Nilalaro niya ang u***g ng binata. Mabilis siyang napabitaw at hinampas niya ang sariling kamay.
“O-Oh! Sorry!” mabilis niyang sambit habang hiyang-hiya sa ginawa. Akala niya kasi ay nananaginip lang siya kanina. “My bad! I mean, hindi ko sinasadya!” dagdag pang usal ni Gianna.
Hindi man lang natinag ang binata. Seryoso na itong nakatingin sa kanya. Silvanus tilted his head as if wondering about something. Nagtaka naman si Gianna sa ginagawa ng binata. Para kasing sinusuri ni Sil ang kanyang buong pagkatao. Wagas ito kung makatitig sa kanya.
Say something, Gianna!
Ibinuka ni Gianna ang bibig ngunit walang lumabas na salita mula rito. Dahil nakanganga lang siya ay pilit niyang isinara ang bibig dahil sa hiya. Patuloy pa rin sa pagtabingi ang ulo ng binata na animo ay may hindi ito maintindihan sa kanyang pagkatao.
“It's cloudy,” komento ng binata na ipinagtaka ni Gianna.
“H-Ha?” takang tanong ni Gianna sa binata. Imbis na sagutin siya nito ay tumabingi na naman ang ulo ng binata. “What's wrong with you?”
“Your mind.” Nagulat si Gianna dahil sa sagot ng binata.
“Ha?” medyo may irita na niyang tanong sa binata.
Pinagsasabi nito? Nababaliw yata ’tong lalaking ’to, eh. Matu-turn off ako sa ’yo. Ang guwapo mo kaso kung ano-ano ang lumalabas diyan sa bibig mo.
“I can’t read your mind,” anunsyo ng binata. Napahagalpak ng tawa si Gianna dahil sa narinig.
“Duh! Paano mo nga naman mababasa ang isip ko? Pyshic ka ba?” kantiyaw pa niyang tanong dito pero ang totoo ay nanginginig ang kanyang mga tuhod dahil sa sobrang kaba. Ang bilis rin ng t***k ng kanyang puso.
Hindi nagsalita si Silvanus. Pinakatitigan ng binata ang dalaga. Nakakabingi ang kabog ng puso nito.
“I want you to date me!” anunsyo ni Gianna na ikinataas ng kilay ng kanyang kaharap. Her knees were trembling but not in fear but im excitement. Alam niyang nakakatakot ang ginawa niya ngunit kailangan niyang patunayan na tama siya. Kailangan niyang maka-date ang binata lalo pa at nangako siya sa mga kaibigan na magagawa niya iyon sa lalong madaling panahon.
Bahagyang umayos ng tayo ang lalaki. Tumingin ito nang diretso sa mga mata ni Gianna. “Are you serious?” interesadong tanong ni Sil sa dalaga.
Kaagad na tumango si Gianna. It’s her chance, papakawalan pa ba niya ang pagkakataong ito? No way! “I want you to date me. Correction, I want to date you!” kampante at seryosong usal ni Gianna.
Narinig niya ang mahihinang bungisngis ng binata. Hanggang sa tumawa na ito na animo ay aliw na aliw ito sa mga pinagsasabi niya. “I can't believe you just said that!” komento pa nito.
Naiwan namang nakanganga si Gianna. “What do you mean? Ire-reject mo ba ako? Ha?” pangungulit niyang tanong.
“I'm busy,” matabang na sagot ng binata.
“I know! You are busy with that scary woman the other day,” anunsyo ni Gianna.
Natigilan naman ang binata dahil sa narinig. Ang unang pumasok sa isip nito ay walang iba kundi si Drucilla, ang kaibigan nitong babae na palaging nakabuntot sa binata. Pansin ni Gianna na napangisi si Sil. “You’re jealous,” nangingiting saad ng binata.
“W-What?” hindi makapaniwalang singhal ni Gianna. Magkahalong gulat at inis ang kanyang nararamdaman. “No! I'm not!” mariing saad niya.
Hindi naman nakakaselos 'yong paglulumpungan ninyo!
Ngumisi ang binata sa kanya bago ito nag-ayos ng sarili. Tumigil ang t***k ng puso ni Gianna nang yumuko ito at dahan-dahang inilapit ng binata ang mukha nito sa kanya. Napigil niya ang hininga dahil sa sobrang kaba.
Oh my God! Is he going to kiss me?
Nangangarap niyang tanong sa kanyang isipan. Napapikit siya dahil ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ng binata sa kanya. Halos hindi siya makahinga. Ngunit ilang segundo siyang naghintay na maglapat ang kanilang mga labi at walang nangyari. Bagkus ay naramdaman niya ang malamig na hininga. Ramdam niya ang lamig ng balat ng binata at halos manginig iyon dahil doon. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa panahon. Wala siyang alam.
“Be careful what you wish for.” Mabilis na napadilat si Gianna ngunit wala na ang binata sa kanyang harapan bagkus ay ramdam niya pa rin ang presensya nito. It feels familiar. Pakiwari niya ay ang binata ang palaging sumusunod sa kanya na hindi niya nakikita.
“What the h*ck!” inis niyang singhal nang pumasok sa kanyang isipan na nilayasan siya ng binata. “Hahanapin kita! Saan mang sulok ng mundo!” pangakong banta ni Gianna. Inis siyang nagpapadyak pabalik sa kanilang dorm.
Mabilis niyang kinuha ang kanyang mga gamit at dumiretso na sa kanilang klase. Nakasimangot siyang pumasok habang nandidilat namang nanonood sa kanyang paglalakad ang mga kaibigan. Magkaklase pala silang apat at hindi man lang niya alam.
Inismiran ni Gianna ang tatlo bago siya naupo sa upuang para sa kanya. “Bakit ang tagal mo yata?” usyusong tanong ni Marie sa kanya.
Tiningnan niya ang mga ito nang nakangisi. Kinikilig siya habang inaalala ang magandang nangyari sa kanya. Mas maganda pa iyon sa kanyang umaga. “Sekretong malupit!” sagot niya.
“Sus! Lumandi lang ’yan! Hayaan na natin!” sabat ni Yanna.
Sumang-ayon naman si Summer sa sinabi ng mga dalaga. “Truth! May kinausap ka, ’no?” intrigang tanong ng dalaga kay Gianna.
Hindi napaigilan ni Gianna ang pamulahan ng mukha. Para siyang kiniliti sa sobrang pag-irit. Ipit na ipit ang boses niya kaya naman nagtataka na sa kanya ang mga kasama. “Hoy! Magkaklase na tayo! Mamaya ka sa amin!” inis na bulong sa kanya ni Summer.
Tumawa si Gianna. “Walang nangyari! Maghintay na lang kayo,” aniya bago umupo nang maayos.
“Tsk!”
“Walang kuwentang mga kaibigan!”
“Sus! Pa-suspense pa!”
Hindi niya napigilan ang tumawa dahil sa mga pinagsasabi ng kanyang mga katabi. Kunwari ay nagtatampo pa ang mga ito sa kanya. “Duh! Masyado kayong ma-drama! Makinig na lang kayo sa klase!” aniya sa mga ito bago itinuon ang paningin sa harap.
Pasimpleng umiirap sa kanya sina Marie at Yanna habang nagkaklase sila. Si Summer naman ay panay ang pasaring nito at parinig. Natatakot na siya at baka marinig sila ng kanilang mga professor at baka mapagalitan pa sila dahil sa kadramahan ng kanyang mga kasama.
Maging siya ay naiinis na rin sa sarili. Kung bakit naman kasi nakahawak pa siya sa dibdib ng binata. Kung ano-ano tuloy ang naiisip niya. Baka isipin pa nitong masyado siyang easy-to-get. “I don't care!” bigla niyang sambit dahilan upang mapabaling sa kanya ang lahat.
Maging ang professor nila na abala sa pagsusulat sa whiteboard ay nakataas ang kilay habang nakatingin ito sa kanya. “Miss Hamilton?”
“Y-Yes?” nanginginig ang labing sagot ni Gianna. Ibinaba ng professor ang suot nitong reading glasses at pinakatitigan siya nito.
“Why are you shouting in my class?” iritable nitong tanong sa kanya. Kinabahan siya nang matindi. Kung bakit naman kasi bigla-bigla na lang nagsasalita ang kanyang bibig. Para kasi itong may sariling isip at bigla na lang bumubuka at nagpuputak.
“I-I’m sorry!” hinging-paumanhin niya. Bumuntonghininga lang ang Professor nila at saka nagpatuloy sa pagtuturo sa harap. Narinig niya pa ang bungisngisan ng ilan sa kanyang mga kaklase.
“Hoy!” Kinalabit siya ni Summer. Napapahiya niya itong nilingon. “What happened to you?” nagtataka nitong tanong sa kanya.
Umiling si Gianna. “I don’t know,” tipid niyang sagot. Mabilis siyang nagsulat dahil binubura na ng Professor nila ang mga notes nito sa board. Nahirapan siyang sundan ang mga kamay nito dahil sa sobrang bilis ng kilos ng Professor.
“Are you daydreaming?” tanong ni Marie sa kanya pagkatapos ng kanilang klase.
Salubong ang kilay niya itong tiningnan. “Ha?” naguguluhan niyang tanong sa dalaga.
“Or may kaaway ka ba? Bakit parang galit ka kanina nang sumigaw ka?”
“Oa naman nito! Sumigaw talaga? Hindi naman ako sumigaw, ah!” depensa ni Gianna sa sarili.
“Kahit na! Ganoon pa rin ’yon kasi ang lakas ng boses mo,” nakasimangot na sabat ni Yanna.
Nakanguso siyang umiling. “Wala naman,” aniya. “Occupied lang ang isip ko,” dagdag niyang sabi.
“Sino?” ani Summer. Nilingon ito ni Gianna. Nakasunod kasi ito sa kanila habang naglalakad sila sa hallway.
“H-Ha?”
“Sinong nagtatanong?” pang-iinis na sagot sa kanya ni Summer kaya naman inambaan niya ito ng suntok habang ang dalawa naman nilang kasama ay naghagikhikan sa tabi.
“Buwisit ka!” singhal niya sa kaibigan habang tumatawa.
“Bakit? Umaasa ka bang itatanong ko kung sino ang iniisip mo?” kantiyaw na tanong sa kanya ni Summer.
“Uy, hindi, ’no!”
Nagtawanan na naman ang dalawang nakikinig lang sa sagutan nila ni Summer.
“Weh? Hahaha!”
“Tumigil ka nga!” saway niya sa kaibigan.
Napuno ng tawanan ang buong araw ni Gianna. Hindi rin mawala sa kanyang isipan ang sinabi ng binata sa kanya. Napapaisip siya kung ano ang ibig nitong sabihin. Hindi muna niya sinavbi sa mga kasama ang nangyari sa kanya kaninang umaga dahil baka pagtawanan lamang siya ng mga ito. Knowing her friends, sigurado siyang iinisin lamang siya ng mga ito lalaong-lalo na si Summer.