Chapter 9
“You’re smiling.”
Napalingon si Silvanus sa pinto nang marinig niya ang boses nang nagsalita. It was Drucilla. Nakasimangot ang dalaga sa kanya. Elegante itong naglakad papalapit sa kanya. Maganda itong tingnan sa suot nitong uniporme. Istrikto rin tingnan ang hitsura ng dalaga. Nagtataka niya itong tiningnan ngunit hindi niya ipinahalata sa dalaga.
“Ha?” kunot-noong tanong ni Sil.
“Don’t ha-ha me, Sil,” iritable nitong saad sa kanya.
“Why are you mad?” takang tanong ni Sil sa dalaga. Nakaupo siya sa kanyang sariling upuan. Hindi pa nagsisimula ang kanilang klase. Pabagsak na naupo ang dalaga sa sariling upuan.
“Who’s that girl?” Masama ang tingin ng dalaga sa kanya.
Tumabingin ang ulo ni Sil habang iniisip kung sino ang tinutukoy ni Drucilla. “Who?” maang-maangan niyang tanong.
“Stop playing games, Sil. I know you know what I’m talking about,” inis nitong sagot sa kanya.
“Tsk! Just an acquaintance,” sagot ni Sil sa dalaga. Sumimangot si Drucilla sa kanya. Pansin niya pa ang pagtaas ng kilay nito.
“Sure,” walang gana nitong saad bago nag-iwas ng tingin sa kanya ang dalaga.
Hindi na ito pinansin ni Silvanus. Wala naman siyang rason para magpaliwanag sa dalaga dahil kaibigan niya lang ito. Hindi niya kailangang ipaliwanag ang lahat ng nangyayari sa kanya.
Hindi maiwasang isipin ni Silvanus ang dalagang si Gianna. Hindi pumasok sa kanyang isipan na hahantong sa nakakatawang pangyayari ang pagtatagpo ng landas nila ng dalaga. Hindi niya inakala na may palabiro pala ang dalaga. Mahina siyang napabungisngis ngunit kaagad niya ring natakpan anh sariling bibig dahil masamang bumaling sa kanya ang dalagang si Drucilla.
“What?” bulong niyang tanong dito.
Pinandilatan lamang siya ng dalaga at bumalik na ito sa pakikinig sa nagsasalita sa unahan. Tumikhim siya at sumeryoso ulit. Natapos ang kanilang klase na puro mukha ng dalaga ang pumapasok sa kanyang isipan. Hindi niya mapigil ang sarili. Hindi dapat ang dalaga ang pinagtutuunan niya ang kanyang atensyon.
May misyon siyang hindi niya dapat kinakalimutan. Buntonghininga siyang naupo sa kanyang swivel chair. Kaagad siyang lumayo kay Drucilla matapos ang kanilang klase. Mabuti na lang at hindi siya nito masusundan dahil nasa Artemis siya. Sumandal siya sa kanyang upuan at bahagyang pumikit.
“You seem happy,” hindi niya inaasahang komento ni Rage sa kanya.
“What now? I don't need your opinion,” usal ni Sil kay Rage ngunit mukhang tinubuan na ng tapang ang lalaki dahil hindi na ito natatakot sa kanya. Noong una ay nangangatog pa ang mga tuhod nito kapag nasa malapit siya.
“Hmm.” Naglakad si Rage papalapit sa isang sofa at prenteng naupo roon. “Was it because of that woman?” interesadong tanong ni Rage.
Sumeryoso si Sil. Pakiramdam niya tutuksuhin siya ng lalaki. “No!” matigas niyang tanggi.
“Okay,” diretsong sagot ni Rage. Kumunot ang noo ni Sil. Akala niya kasi ay mamimilit ang lalaki. “Wala siyang gusto sa ’yo,” anunsyo ni Rage na ikinagulat ni Sil.
Ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata dahil sa narinig. Pati yata ang kanyang tainga ay lumapad din dahil sa sinabi ng kasama.
“How could you say that?” iritableng tanong ni Sil.
Hindi man lang natinag si Rage. Kampante itong naupo at nakapan-dekuwatro pa habang nakatingin ito nang diretso sa kanyang mga mata. Nakataas ang sulok ng labi ng binata na animo ay may kalokohan itong naiisip. Naiinis si Sil dahil hindi niya mabasa ang isip ng kaharap. Natuto itong magtago nang nararamdaman at magtago ng iniisip. Frustrations hit him. Ganoon din naman ang naramdaman niya kanina nang makaharap niya ang dalagang si Gianna.
Her mind was cloudy. Hindi niya nababasa ang isip ng dalaga at kinakain siya nang matindinh kuryusidad.
“You looked inlove yet confused at the same time,” rinig niyang komento ni Rage. Hindi na naman niya naitago ang kanyang reaksyon habang nag-iisip.
“I’m confused,” panimula ni Sil.
“Bakit?” usyusong tanong ng kaharap.
“You knew I can’t read your mind, right?” Tumango si Rage. “I can’t read her mind,” anunsyo ni Sil na ikinataas ng kilay ni Rage.
“Ha?” nalilitong tanong ng binatang si Rage. “Paanong hindi?” nagtataka nitong tanong ulit sa kanya.
Nagkibit-balikat si Sil. “I don’t know. There was something in her that I can't understand,” dagdag niya pang sagot.
“Hmm,” napapaisip din na usal ni Rage.
Tumabingi na naman ang ulo ni Sil. Iniisip kasi niya ang mga sinabi. Gusto niyang tanungin kung bakit nagagawa ng dalaga na maitago ang mga nasa isip nito. Isa rin ba itong bampira kagaya nila? Ang alam niya ay mortal ito.
“You can’t also read her mind, right?” pangungumbinsing tanong ni Sil.
Tumango si Rage. “ I am not like you. I respec their privacy,” pang-iinis nitong sagot sa kanya kaya naman napasimangot si Sil ngunit hindi naman iyon nakikita sa kanyang mukha.
I am not a p*****t like you!
“What the h*ck!” bulalas na singhal ni Sil. “Did you just say I’m a p*****t?” hindi makapaniwala niyang tanong dito.
“Yeah! Pinabasa ko talaga sa ’yo ang nasa isip ko,” kampante nitong sagot. Nag-angat siya ng kamay kaya naman kaagad na tumayo ang hinata at sa isang iglap lang ay nakatakas na ito sa kanya.
“Tsk! Rage!” inis niyang singhal dahil natalo siya nito. “D*mn that guy!” paasik na wika ni Sil bago bumalik sa pagkakasandal sa kanyang upuan.
Pumikit siya nang mariin at biglang pumasok ang mukha ng dalagang si Gianna. Hindi na niya mapipigilan ang kanyang sarili. Mukhang nagugustuhan na niya ito at hindi iyon maaari. Wala sa plano ang magkagusto siya sa isang mortal na babae. Hindi siya nagpunta sa lugar na ito upang maghanap ng pag-ibig. Narito siya upang hanapin ang isang tao na makakatulong sa kanilang kaharian. Iyon ang dapat niyang inuuna. Hindi ang paglalandi.