Chapter 10 Nakarinig ng katok si Gianna sa kanilang pintuan. Patingkayad siyang naglakad papalapit sa pinto dahil tulog pa ang kasama niyang si Summer. Nagtataka siya dahil maaga pa naman at wala rin naman siyang inaasahang darating ngayong araw. Maingat niyang binuksan ang pinto. Sumilip siya sa labas at naroon ang isang babae. Nakasuot ito ng uniporme ng mga katulong. “A letter for Miss Gianna Mathilda Hamilton,” anunsyo nito na ipinagtaka ni Gianna. “That's me,” anunsyo ni Gianna. “Thank you. Kanino galing?” tanong niya. “Mrs. Nena Villanueva,” seryoso nitong sagot sa kanya na animo ay may galit itong itinatago. That’s her Lola. Kaagad niyang tinanggap ang sobre at mabilis na tumalikod sa kanya ang babae. Tiningnan lang niya ang sobre habang isinasara niya ang pinto. Naglakad siy

