Chapter 11 “Why are you so serious today?” bungad na tanong ni Drucilla kay Silvanus. “Hmm?” takang tanong ni Sil sa dalaga. “Paano mo nasabi?” dagdag niya pang tanong. “Hindi mo man lang ako kinakausap,” ismid na sagot ng dalaga. “We’re talking, D,” seryosong sagot ni Sil ngunit mukhang hindi niya nakuha kung ano ang ibig sabihin ng dalaga. “No we’re not! Hindi mo nga ako matingnan sa mga mata! Are you really into that brat?” inis na tanong ng dalaga sa kanya. Natahimik si Sil. Nabitawan niya ang hawak na tinidor. Titikman sana niya ang isang cup cake na nakahain sa kanyang harapan. Alam naman niyang hindi niya iyon malalasahan ngunit kailangan niya lang makisama. “Let’s not talk about it,” pigil niya sa sasabihin pa ng dalaga ngunit masama siya nitong tiningnan. “You like her,”

