Chapter 12 Habang iniisip ni Gianna kung ano ang kakainin sa umaga ay napatingin siya sa gawi ng binatang si Sil. Nakaupo ito at kaharap ng lalaki ang babaeng kaibigan nito. Alam ni Gianna na magkaibigan lang ang dalawa. “Hmm,” napapaisip na aniya habang pinagmamasdan ang dalawa. Siniko siya ni Summer. “Ginagawa mo?” nagtatakang tanong nito sa kanya. “Sino tinitingnan mo?” usisa pa ng dalaga. Mabilis niyang naiiwas ang paningin sa binata at inirapan niya ang kaibigan. “Hmm? W-Wala!” mabilis niyang sagot. Nandidilat itong napatingin sa kanya. “Hmm? Wala raw!” kantiyaw pa nito sa kanya. “Tigilan mo nga ako,” saway niya sa kaibigan habang kumukuha siya ng cup cake. Iyon kasi ang napansin niyang hinihiwa ng binata gamit ang tinidor kaya naisipan niyang tikman din iyon. “Sige nga!” Kumi

