Chapter 39 Ilang oras nang hinintay ni Gianna ang reply ng kanyang nobyo ngunit wala pa siyang naririnig mula sa binata. Hindi niya alam kung ano ba ang pinagkakaabalahan nito at mukhang nakalimutan na siya nito. Naiinis niyang tiningnan ang kanyang cellphone ngunit wala pa ring nangyari. Kaagad niya itong kinuha at nagpindot-pindot doon. “Aargh! I’m f*cking bored!” pasinghal niyang reklamo. “Oops! Watch your words, girlfriend!” sermon sa kanya ng dalagang kanina pa hindi mabitawan ang binabasa nitong libro. Kaagad siyang nabuhayan ng loob. “Sorry naman,” she said in a low voice after reflecting at what she said. She felt ashamed. “Bakit? May problema ba?” nagtatakang tanong sa kanya ng kaibigan. Tuluyang humarap sa kanya ang kaibigan habang halata sa mukha nito ang pag-aalala. “

