Chapter 40 “Oh, what happened to you?” gulat na tanong ni Summer kay Gianna nang buksan nang bagong pasok na dalaga ang pinto. May bitbit itong pagkain sa dalawang kamay at hindi ito magkandaugaga sa dalang pagkain. May siomai pang nakasalpak sa bibig nito kaya para itong chipmunks kung tingnan. “Gianna? What happened to you?” tarantang tanong ng dalaga sa kanya habang palapit ito sa kanyang puwesto. Naibaba nito kaagad ang hawak na pagkain. Umiiling na umiyak si Gianna dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot. Hindi niya magawang magsalita dahil sa kanyang matinding paghikbi. Sumisikip din ang kanyang dibdib at nahihirapan siyang huminga. Umaatake ang kanyang hika kaya pinilit niyang pakalmahin ang sarili. “Ano? Ano ba ang nangyari sa ’yo? Bakit bigla kang umiyak, ha? Natatakot

