Chapter 41 Nagtataka si Silvanus dahil hindi sinasagot ng dalaga ang kanyang tawag. Kanina pa tumutunog ang cellphone nito ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. Pati texts niya ay wala ring reply ang dalaga. “What is wrong with her? Bakit ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko?” takang tanong niya sa sarili habang nagpipindot sa kanyang cellphone. He was dumbfounded. Hanggang ngayon kasi ay naiirita siya sa dami ng problemang kinakaharap ng kaharian nila tapos sumama pa sa kanya ang kaibigan niyang si Drucilla. Dumadagdag lang ito sa kanyang iisipin. Masyado pa naman itong lapitin ng problema. Tinawag niya ang kanyang kanang-kamay. Kaagad na pumasok si Rage sa kanyang opisina. “What do you need?” awtomatikong tanong nito sa kanya. Bumuntonghininga si Silvanus. “Gianna was not

